DATE

61 5 0
                                    

TYLER P.O.V

Hindi ko alam bakit ko nagawa yung kanina. Nacucutetan talaga kasi ako sa kanya. Ang Cute niya!

“Bye First Kiss!”

“Bye Magnanakaw!” nilabas pa dila niya.

Ang cute! Sarap tuksuhin.

“Pasok ka na.” Sabi ko. Tatalikod na sana ako kaso may sasabihin pa pala siya.

“Wait!..ahmm..Sorry ha kung naging maldita ako sayo at...Thank you sa lahat, Tyler!” tapos nun pumasok na siya sa loob.

Tumalikod na rin ako at sumakay na ng kotse. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Ngayon lang kasi niya ko tinawag na Tyler. Ang ganda pa lang pakinggan pag galing sa kanya. I will not forget this...DATE!

Kahit sa kanya wala lang yun para sa akin, date na yun. Kami lang kaya ang magkasama. Diba date naman talaga pagbabae at lalaki magkasamang maglaro sa timezone at kumain sa Jollibee ay date na? Kaya DATE YUN! HAHAHAHA.

Sana maging okay na silang dalawa ni Tanggie. Walang hiya talaga nung si France! Pinaiyak pa niya si Blair. Ang torpe kasi pagdating kay Tanggie.

“Bwisit ka France!” sabay hagis ng unan.

Hindi ko alam pero pagnaiisip ko yung mukha ni Blair na umiiyak habang nagsasalita ako tungkol kay France at Tanggie para gusto ko nang bawiin kasi nasasaktan siya. Masakit sa dibdib ko yung mga nakikitang luha na umaagos sa mga magagandang mata ni Blair. Pero wala naman akong magawa kasi yun yung totoo eh. Kahit na balibaliktarin mo yung mundo gusto talaga ni France si Tanggie at hindi si Blair. Ang tangging kaya ko lang gawin ay pasiyahin siya, makalimutan man lang niya ang problema. Dahil kahit yakapin ko siyang magdamag wala din magagawa yun.

“Bakit ba ako nagkakaganito?! Bakit ko kinakausap sarili ko? Ay ewan!” pumunta na ako ng cr at naligo. Baka mawawala na to lahat ng iniisip ko.

First Kiss ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon