France likes Tanggerine

76 4 0
                                    

BLAIR P.O.V

Sunday...

“Blair, punta ka dito sa amin. Movie marathon na tayo.” Sabi ni Tanggie sa kabilang linya ng telepono.

“Nandiyan ba yung magnanakaw? Kung nan diyan siya, wag na lang.” Sabi ko habang nakahiga sa pink kung kama.

“Si Tyler? Wala siya dito. Ako lang nandito sa bahay. Halika ka na! Hihintayin kita ha. Bye!” tapos naghang-up na siya.

Pagkarating ko sa bahay ni Tanggie pumunta na agad kami sa theater room nila at anghanap ng movie.

“Blair, ito oh..Beauty and the Briefcase” hawak ang DVD na gusto niya.

“Ayaw ko niyan ito na lang. Pee Mak!”

“Ayaw ko. Ito na lang. Crazy little called Love”

“Game!”

Favorite namin tong panuorin kasi nakakarelate kami ay ako lang pala. LOL!

“Diyan ka muna, kukuha ako ng popcorn” sabi ni tanggie patungo ng door.

“Okey dokie!” sabi ko sabay salute.

“Wait Tanggie! Paborrow ng laptop ha. Checheck ko lang ang FB ko.” Sabay turo sa laptop.

“Sige.” Tapos nun bumaba na siya ng hagdan. Habang ako busy sa laptop.

Nag-open na ako ng Facebook.

“Si Tanggie talaga hindi man lang naglog-out. Tssk!” e pepress ko na sana ang log out kaso may nagmessage.

“France?”

Nagsend ng message si France kay Tanggie?

From: France Bercede

Tanggie, i have something to confess...I like you

“Blair ito na ang popcorn” tawag ni Tanggie sa akin sa likod habang hawak ang isang bowl ng popcorn.

“Tang..gie..Fr-France..l-like y-ou” sabay tulo ng mga luha ko.

“Blair..” sabi niya. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan gawin iyon. Hindi ko na kinaya ay tumakbo na ako palabas ng theater room. Tinawag ako ni Tanggie pero hindi na ako lumingon.

All this time si Tanggie pala ang gusto ni France. Ang sakit! Okay lang sana sa akin kung ibang babae na lang pero yung bestfriend ko? Hindi ko kayang tanggapin yun. Bakit sa dinamidami ng mga babae sa mundo si Tanggie pa, ang bestfriend ko? Bakit hindi na lang ako France? Ano ba ang meron kay Tanggie na wala ako? Bakit siya pa?

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang nakarating ako sa plaza. Umiyak ako ng husto. Bakit siya pa?

“Blair?” sabi ng isang pamilyar na boses.

“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” umupo siya sa tabi ko. At dun ko siya nakilala.

“U-u-umalis *sniff*  ka na!” taboy ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya umalis. Niyakap niya ko.

Niyakap ko siya at humagolgol sa balikat niya. Kailangan ko ngayon ng shoulder to cry on at kausap ngayon. Pinaiyak niya ako ng pinaiyak ng hindi na tinanung kung bakit haggang sa nakayanan ko ng magsalita ay dun niya lang ako tinanung.

“Ano ba ang nangyari?” worry na sabi niya habang yakap yakap ako.

“Si France..”

“Ang landi mo talaga! Tingnan mo umiiyak ka na ngayon.”

“Hindi! Si France kasi.. gusto niya si.. Tanggie” hindi ko halos matapos ang sasabihin ko kasi hindi pa rin nagsisink sa akin ang lahat ng message ni France for Tanggie.

“Blair--”

“Alam ko naman hindi ako maganda eh, kaso bakit si Tanggie pa?”

“Tandaan mo--”

“Si Tanggie pa na bestfriend ko!”

“Hindi--”

“Pwede naman na ibang babae!”

“Ganyan—“

“Ano ba meron kay Tanggie?” lumingon ako sa kanya para humingi ng opinyon. Pero di siya sumagot.

“Hoy! Ano ba sumagot ka naman. Kanina pa ako salita ng salita hindi ka naman sumasagot. Ano ba!” inis na sabi ko sa kanya.

Kailangan ko ng karamay.. Haler?!

“Sumasagot ako kanina pa. Pero palagi mo kung pinuputol. Mabuti pa umuwi ka na. Tulog ka na lang baka bukas pakikingan mo na ako. Bye!” pagkatapos niyang sabihin yun ay nagwalk out na siya agad.

Iniwan ako! Walang hiya!

Umuwi na ako ng bahay mabuti na lang at hindi napansin nila mama ang mga mata ko. At dahil sa rami ng nilabas ng luha ng mga mata ko napagod sila kaya nakatulog ako agad.

First Kiss ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon