BLAIR P.O.V
Monday. Meaning yan may pasok kaya maaga akong gumising. Naligo nang 30 minutes. Nabihis ng school uniform na nasa closet ko at humarap sa salamin at inayos ang necktie kung pink at kumuha ng socks sa drawer, sinuot at sinuot rin ang cute kung sapatos na may bow sa harap. Bumaba na ako para kumain at sinalubong naman ako ni Mommy at Daddy at kiniss sa noo at sabay kami kumain ng almusal.
“Blair, malapit na ang Christmas at were planning ng Daddy mo na magspent tayo ng Christmas sa Canda. Gusto mo ba?” sabi ni Mommy na naghihintay ng isasagot ko.
“Mommy, pwede dito nalang tayo sa bahay magspent ng Christmas? Palagi na lang kasi tayo nagspent ng Christmas sa ibang country. For a change naman.” paliwanag ko kay Mommy at Daddy. Every Christmas sa ibang country talaga kami nagcecelebrate gaya lang last Christmas dun kami sa New York. Mahilig kasi kasi ang parents ko na magtravel. Pero ngayon gusto ko Pilipinas na lang dahil “it’s more fun in the Philippines”
“Okay. Kung yan ang gusto mo. Sa New Year na lang tayo magCanada. Okay, Blair?” sabi naman ni daddy.
“Sige po Dad.”
Tapos ng almusal lumabas na ako ng bahay para sumakay na sa car paputang school pero bago pa man ako makasakay sa car nakita ko si Tyler sa labas ng bahay namin nakaschool uniform. Kumakaway siya at nakangiti.
“Anong ginagawa mo dito?” lumabas talaga ako para tanungin siya.
“Ganyan na ba ang way na maggood morning?” sabi niya na nakangiti pa rin. Nakakaasar ang ngiti nito. Ano kaya nakain nito? Kaya sinagot ko sa im-not-kidding-look.
“Sige. Good Morning din, First Kiss!” nakangiti na naman siya.
“Pwede ba sagutin mo yung tinatanong ko? Baka malate ako nito sa school.” Pero siya nakangiti lang talaga. Ewan nitong Magnanakaw na to! Natatakot na talaga ako sa kanya.
“Wala lang. Napadaan lang ako dito sa bahay niyo at good timing naman kasi lumabas ka.”
“Ha?” hindi ko talaga alam ano ang nakain nito.
“Bye-Bye First Kiss! Ingat sa school!” tapos nun sumakay na siya sa sasakyan niya. Hindi ko siya magets.
Sumakay na rin ako car at ilang minutes lang ang dumaan nasa school nako. Pumasok na ako ng room at umupo sa chair ko katabi si Tanggie.
“Good Morning Blair!” bati sa akin ni Tanggie. Na nakangiti rin hanggan sa tenga. Magpinsan nga sila, walang duda.
“Good Morning Tanggie. Ano nakain mo? Bakit ang saya-saya mo ngayon?” hindi ko na talaga napigilan na itanong ang Tanggie yun. Nakakatakot kasi pagtumagal pa.
“Hahaha. Talaga? Halata ba masyado?”
“Hindi. Hindi.” Sarcastic kung sabi. Ewan na talaga!
“Hahaha. Si Blair talaga. Kasi uuwi si France.” Mahinang sabi niya.
“Talaga? Kailan? So, nasabi mo na sa kanya ang feelings mo?” naexcite naman ako para sa lovestory ng bestfriend ko.
“Oo kagabi.. nasabi ko na sa kanya.” Masayang-masaya ako para kay Tanggie. Sa wakas ngayon hindi na niya kailangan pang itago ang nararamdaman niya para kay France.
“I’m so happy for you, Tanggie.” Oo totoo, sincere ako. Nakamove on na ako. Crush lang naman kasi yun kaya madali lang makalimutan. Pero nakalimutan ko na ba talaga?
“Thank you Blair! Excited na ako Blair na dumating siya.” Nagsmile lang ako sa kanya. Pero bigla ko nalang naisip si Tyler yung kanina..yung smile niya.
“Ahmm..Tanggie, alam mo kanina dumaan yung pinsan mo sa bahay namin.”
“Pinsan ko? Sino—Ahh.. Si Tyler?” nagnod lang ako.
“Ano naman ang ginawa niya sa inyo?” tanong niya habang iniikot ang buhok niya gamit ang index finger niya. Ganyan siya pag nag-iisip.
“Wala lang daw. Napadaan lang daw siya..Pero alam mo ba nakakatakot yung ngiti niya.”
“Ngumiti siya? May pagkaserious kasi yun dati baka—“ hindi na natuloy ni Tanggie nag sasabihin niya kasi dumating na ang Science Teacher namin. Ano kaya yung dapat sasabihin ni Tanggie? Itatanong ko na lang mamaya.
Natapos ang buong araw ko hanggang sa buong linggo ang dumaan pero hindi ko parin natanong si Tanggie tungkol sa smile ni magnanakaw kasi naging busy ang lahat dahil palapit na ang pasko kaya nagdecorate kami sa buong school at sad lang namin kasi hindi na natuloy yung Christmas party kasi dinonate na ng school namin sa mga Yolanda victims ang pera na dapat ay sa Christmas party.
4 days to go before Christmas at excited na ang lahat kasi Christmas vacation na lahat ng estudyante tumatalon at sumisigaw pagka ring ng bell pati kami ni Tanggie..
“Christmas Vacation na Blair!” sigaw ni Tanggie kasi sa inggay ng mga kaklase namin.
“Dito kami magspent ng Christmas Tanggie!” sigaw ko naman kay Tanggie di ko pa kasi nasabi sa kanya ang tungkol dito. At lumabas na kami ng room at pumunta ng Parking lot kung saan naghihintay ang mga driver namin.
“Talaga? MagChristmas Party tayo sa bahay namin.” Suggest ni Tanggie na kinasya ko kasi first time ko makakasama si Tanggie magcelebrate ang Christmas.
“Sige-sige at magexchanging gift din tayo ha?” suggest ko naman.
“Oo naman. Punta ka sa bahay namin bukas ha para magbunutan na tayo.” Sabi ni Tanggie tapos binuksan na niya ang Passengers door ng car.
“Aye aye Captain! Bye!” tapos nagpaalam na kami.
BINABASA MO ANG
First Kiss Thief
FanfictionFirst Kiss ang isa sa mga importanteng bagay sa lahat ng babae. Pero pano kung aksidenteng manakaw ito mula kay Blair ng isang lalaking hindi niya kakilala na si Tyler. Ano gagawin niya? Ipapakulong? Magkakasundo kaya sila? Magiging magkaaway o magk...