Chapter 1: My First Kiss

133 5 2
                                    

Isang araw..

Si Blair ay napadaan sa Skyfall Mall at nagpunta ng National Bookstore para bumili ng Star Magic Catalogue 2014 sa bandang Magazine section. Habang lalakad siya papunta ng Magazine section. May biglang nagtext, kaya nahinto siya para kunin sa bag at basahin pero sa kasamaang palad habang kinukuha niya ang cellphone sa bag may biglang sumigaw...

“MISS TABI! TABI!” sabi ng lalaki.

Kaya napatingin siya sa sumisigaw. At gulat na gulat siya dahil patungo sa kanya ang lalaki na tumatakbo. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa...

BOOOOOOGGGGGSSSSSSHHHHH!!

Bumagsak silang dalawa sa sahig na si Blair ang nasa ilalim habang ang lalaki ay nasa taas niya pero ang mas nakakawindang ay nagtapat ang mga labi nila..

“Miss, sorry! Di ko sinasadya—“ lumingon siya sa mga security guards.

“TUMIGIL KA! TIGIL!” sabi ng mga security guards na humahabol sa lalaki.

Pagkarinig ng lalaki sa mga sigaw ng security guards ay agad na siyang tumakbo ng mabilis na hindi na pinansin si Blair na nakahiga parin sa sahig.

Tulalang-tulala si Blair sa nangyari. Hindi niya alam ang nanyari dahil sa sobrang bilis. Ang tanging na aalala niya ay ninakawan siya. Na hindi man lang niya nakayang protektahan sa lalaking iyon. Hindi man lang siya nakapaglabas ng pepperspray na matagal na niyang hinahanda pag may mangyayaring ganito.

“Miss, okay ka lang ba?” sabi ng babae na inabot ang isang kamay sa kanya.

 Tumayo siya at tulalang umalis ng National Bookstore na hindi man lang nabili ang dapat niyang bilhin. Hindi rin niya napansin ang mga taong nakatingin sa kanya.

“Okay lang ba siya? Ay, ewan.” Napakamot na sabi nung babae.

Pumunta siya sa pinakamalapit na Comfort room at pumasok sa bakanteng cubicle at umupo sa bowl.

“Anong nangyari?” sabi niya.

Hindi pa rin na sisink sa utak niya ang lahat ng nangyari kanina. Ni isa-isa niya ang lahat ng ginawa bago ang nangyari.

Loading.......Complete!

“NINAKAW ANG FIRST KISS KO!!” sigaw niya.

At lumabas ng cubicle na galit na galit. Lahat ng babae tumingin sa kanya pero hindi niya ito pinansin at lumabas na ng Comfort room at pinuntahan ang Customer service.

"Dapat siyang mahuli! Arrrggghhhh"

First Kiss ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon