Taggerine's Cousin

70 3 0
                                    

TYLER P.O.V

Para akong CR? Matapos kung sabihin sa kanya na ang galing niya. Yan ang sasabihin niya. Pick up Line? Bwisit! Ngayon lang ako sinabihan ng ganun. Hindi siya babae! Pero...kahit na nagagalit ako sa kanya ay bakit parang natatawa ako? Ano na ba nangyayari sa akin?

Matapos kung mag-isip sa nangyari kani-kanina lang ay umalis na ako ng plaza at umuwi ng bahay.

“Anong bang magandang gawin ngayon?”

Saturday kasi ngayon, so wala pasok at hindi ko alam ang gagawin. Kaya nagcheck na lang ako ng aking Facebook at sa di malamang dahilan at nagvisit ako sa profile ng babaeng tinawag akong CR at napansin ko kung may mutual friend kami.

“Wait...This is Interesting! Tatawagan ko siya.”

“Hello Tanggie?”

Si Tanggerine ay cousin ko.

“Hoy Andrew! Kumusta ka na? Bisita ka naman dito sa bahay.” sabi ng kanilang linya.

“Ha? Sige ba. May itatanong rin kasi ako sayo..”

“Okay. Hintayin kita. Papupuntahin ko rin bestfriend ko para masaya.”

“Okay. Sige-sige papunta na ako.”

BLAIR P.O.V

Nakakahiya naman dun kay Magnanakaw. Bakit naman kasi ngayon pa ito lumabas. Kakaloka!

“Ano ba magandang gawin?” sabi ko habang nakahiga sa kama at nakatingin sa ceiling.

I got the eye of the tiger, Fighter, dancing through the fire~~

Cause I am a champion and you’re gonna hear me Roar~~

“Hello Tanngie?” sabi ko sa kabilang linya.

“Blair, ano ginagawa mo?”

“Nakahiga lang sa kama. Bakit mo natanong?”

“Ganun ba? Punta ka dito sa bahay. Movie marathon tayo. Pupunta din kasi cousin ko papakilala kita.”

Cousin? Parang kilala ko naman lahat cousin niya.

“Game ako diyan! Papunta na ako. Bye!” nagbye narin si Taggie sa kabilang linya.

Sa wakas magiging productive na rin tong araw ko.

Mga 3minutes lang ang bahay nila Tanggierine mula sa amin kaya mabilis akong nakarating.

“Blair, halika ka. Pakilala kita sa cousin kung gwapo.”

Gwapo talaga ha? Tingnan natin.

Pagkarating naman sa living room nila ay pamilyar ang lalaking nanonood ng TV..

“Tyler ito bestfriend ko si Blair.” Pagkatapos sabihin ni Tanggie yun ay lumingon ang nanonood ng TV.

“Cousin mo?” sabi ko.

“Bestfriend mo?” sabi niya.

“IKAW?!” sabay naming sabi ni Andrew.

“Wait...Magkakilala kayo?” takang sabi ni Tanggie.

“HINDI!” sabay sabi namin ni Tyler. Ako nakaroll eyes habang siya nakacross chest.

“E..asy guys..Pano kayo nagkakilala?” tanong ulit ni Tanggie.

“NINAKAW NIYA ANG DAPAT SA MAHAL KO. PERVERT!”

“HINDI KO NGA SINADIYA YUN! BAKIT ANG HIRAP MONG PAINTINDIHIN?!”

“STOP IT!” sigaw ni Tanggie sa aming dalawa.

At dun ko lang napansin na halos magdikit na ang mga ilong namin sa isat-isa. Kaya nagbackward ako ng kaunti ganun din na ginawa niya.

“Aalis na ako Tanggie. Bukas na lang—“

“NO! Hindi ka aalis. You both need an explanation.” Sabi ni Tanggie. Kilala ko si Tanggie pagganito siya magsalita ay galit siya.

“Okay...” sabay sabi namin ni Andrew.

Kaya sinabi na naming dalawa ang lahat ng nangyari. Pero hindi na namin sinabi ang dun sa CR at kaninang umaga.

“Akala ko ba kay France mo yan ibibigay?”

“Diba sabi ko naman sayo na ninakaw ng magaling mong COUSIN.” Tumingin ako sa inuupuan ni Andrew.

“AKSIDENTE NGA YUN! DI KO SINADYA!” tumayo siya sa inuupuan na galit na galit.

“BAKIT MO KO SINASIGAWAN? SINISIGAWAN BA KITA?” galit na sabi ko walang dapat sumigaw sa akin.

“Tama na! Umupo ka na Tyler.” Dahil sa sabi ni Tanggie ay umupo siya sa inuupuan niya.

“France? France Bercede?” sabi ni Andrew na naging dahilan para lumingon ulit ako sa kanya.

 “Kilala mo siya?” 

First Kiss ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon