A date?

66 5 0
                                    

“Oo..” tapos tumigin siya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Naging statwa ako at bigla na lang tumulo ang luha ko.

“Blair..bago ka pa dumating alam kong gusto na nila ang isa’t-isa.” Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit. Dahil sa yakap na yun umiiyak ako ng umiiyak, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha. Ang raming pumapasok sa isip ko.

Ako ba ang mag-aagaw? Ako ba ang dahilan kaya tinago ni Tanggie ang feelings niya? Ako ba ang dahilan para kalimutan na lang niya si France? Ang manhid ko ba dahil hindi ko man lang nakita ang mga mata ni Tanggie tuwing nakikita si France? Ang manhid ko ba sa tuwing binabati kami dalawa ni France na kay Tanggie lang pala siya nakatingin? Ang manhid ko dahil hindi ko nakita ang mga yun! Inagaw ko sa bestfriend ko ang taong mahal niya at mahal din siya!  Ang tanga ko! Isa akong walang kwentang bestfriend!

“Dapat kung puntahan si Tanggie. Magsosory ako sa kanya.” sabi ko kay Andrew.

“Not now. Magmall muna tayo.” Sabi niya.

“Ha? Magmall—“

“Halika ka na!” hinila niya na ako.

Pumunta kami ng Skyfall mall gamit ng kotse nila. Pagdating namin dun ay sirado pa kasi naman 9am pa, 10am pa kasi ito nag-oopen. Pero nakapasok pa rin kami dahil siya nga naman pala ang anak ng may-ari ng Skyfall mall kaya direretso kami pinapasok ng guard at pumunta agad kami sa Timezone naglaro ng basketball at kahit ano-ano kasi kami pa lang ang tao dun.  Naglaro kami hanggang sa magreklamo na yung tiyan namin sa gutom.

“Ang saya! HO! HO! HO! Palagi kang talo sa akin. HAHAHA” sabi niya.

“Kasi nagcheat ka!”

“Anong nagcheat? Naintimidate ka siguro noh?” nagsmirk pa.

“Ano? Bakit naman ako maiintimidate ako sayo?”

“Kasi ang gwapo ko.” Sabay smirk.

“ANO? Kapal mo!” sabay hampas sa balikat.

Loko to ha. Gwapo daw siya? Medyo..pero di ako naintimidate ha.

“Ang bayolente mo naman. Saan mo gusto kumain?”

“Ha?..Eh..Wala kasi akong dalang pera. Jogging lang kasi plano ko kaya hindi ko nagdala ng pera at ikaw naman may gustong magpunta tayo dito ha kaya ikaw—“

“Dito na lang tayo kumain”

Nandito kami ngayon sa Jollibee. Yay!

“Wala nga—“

“Umupo ka na lang dun ako na bibili” tapos pumunta na siya ng counter at nagorder ako naman umupo na lang ako. Habang naghihintay nagtext ako kay Tanggie.

To: Tanggie

We should talk. Punta ako sa bahay niyo mamaya.

Nagreply naman siya agad.

From:Tanggie

Blair..sorry talaga..Sige Blair hintayin kita.

“Tinext muna si Tanggie?” tanong ni Tyler na nasa harap ko na pala dala yung ninorder niya.

“Oo, pupunta ako sa bahay nila mamaya.” Paliwanag ko sa kanya.

“That’s good. Kain na tayo.”

“Pero—“

“Kain na. Kulit mo talaga!” tapos pinisil niya cheeks ko.

He touches my cheeks. Bakit may dalang kuryente?

“A-a—“ natulala ako sa ginawa niya.

“S-Sorry..kain na.” Yumuko siya. Nahiya siya sa ginawa niya.

Tapos naming kumain hinatid niya na ako sa bahay.

First Kiss ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon