Chapter12: keisha's home.................
keisha POV:
Kahit late na kaming nakatulog ni summer ay maaga pa din akong nagising dahil gusto ko syang ipagluto ng sopas para mas mabilis syang gumaling. Mabuti naman at hindi na din mataas ang lagnat nya. Kahit gusto ko pang pagmasdan ang mukha nya habang natutulog ay bumangon na agad ako.
after kong maligo at magbihis ay agad na pumunta na ako sa kusina para magluto. Hindi ko alam kung kumakain ba si summer ng ganto pero sana naman ay magustuhan nya.
"Oyyy~~ may inlove.. blooming ka talaga ate." Narinig kong sabi ng kapatid kong kakagising pa lang din.
"Tigilan mo ko kc" Sita ko sa kapatid ko. Kei cendra santilan ang real name nya , sya ang sumunod sa akin. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Sobrang mahiyain nyan pero kapag kami lang dalawa ng isa ko pang kapatid o yung isa nyang bestfriend ay madaldal sya.
"In love agad? hindi ba pwedeng masaya lang? " natatawang tanong ko dito.
Napatawa naman sya. "Haha~ pwede naman kaso iba yung ngiti mo e. Parang may something." Pang aasar naman nito.
Napatawa naman lalo ako. 'Inlove? Haha~'
"So ate , bakit naman ang saya mo ngayon?"
"Kasi.. paggising ko, ay Isang magandang mukha ng angel ang nakita ko." Nakangiting sabi ko.
"Huh? Hindi kita na gets." Naka kunot ang noong sabi nito.
Napatawa naman ako lalo "Alam mo ba kung sinong nakitulog dito?"
Mas lalo naman itong napuzzle. "Sino?"
"Haha~~ dito natulog si summer kagabi."
"What?!" Hindi maka paniwalang tanong nito.
tinawanan ko nalang sya dahil sa pagka o.a ng reaksyon nya.
''nadito si summer?!'' pasigaw na tanong ni kc, kaya naman agad ko itong sinenyasan ng wag maingay.
''Shh~~ wag ka ngang maingay! Baka magising. Oo nga sabi. Dito sya natulog.'' Sabi ko dito.
''Paano nangyari?'' Sasagot na sana ako ng marinig kong may nagsalita ng iba. Nanlaki naman ang mata ko ng mapag sino ang nagsalita. 'Oh my gosh?! Kelan pa sya nandyan? Narinig ba nya ang pinag usapan namin ni kc?'
"Yup, dito ako natulog kasi pumunta ako dito kagabi. I hope okay lang sayo." Nakangiting sabi nya pag kalapit nya kay kc at nilahad pa ang kamay nya harap dito.
Napkunot naman ang noo ko. 'Hindi nya ba ako pinapansin? Bakit si kc lang ang pinansin nya?'
Nakita ko namang tinanggap ni kc ang kamay nito at nahihiyang ngumiti. "Ahh, okay lang yun. I'm kei cendra.kc for short "
"Summer." Sabi din nito.
Since alam kong hindi 'ako' pinapansin ni summer ay pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko habang pinapakinggan ang usapan nila.
"Kc.." tawag ko sa kapatid ko pagkatapos kong magluto, lumingon naman si kc pero yung isa dedma lang. 'Tsk, minsan talaga ang hirap intindihin nitong si summer.'
"Bakit ate?"
"Pakigising na si keizer para makakain na tayo." Utos ko dito, nagpaalam muna sya kay summer bago sumunod. Pagkaalis nya ay agad kong nilapitan si summer.
"Psst.." tawag ko dito, pero inisnob na naman nya ako.
"Okay ka naba? May masakit ba sayo?" Tanong ko dito pero iling lang ang isinagot nya.
BINABASA MO ANG
This b*tchy Star Is Mine
Romance''A stolen kiss that change everything'' Hate/love chuchu~~ Written by: 7deadlysin013