Chapter6: nervous
Keisha POV:
"Tsk. Kinakabahan ka padin?" May halong pangaasar na sabi ng katabi ko.
Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. "Alam mo kung wala kang maitutulong sa akin, mabuti pang manahimik ka na lang dyan."
Sabi ko dito at pinagpatuloy ang pag papakalma sa sarili ko..Paano ba naman akong hindi kakabahan , eh ngayon gaganapin ang first ever interview ko! At di lang yon dahil live kaming ia-air!! As in pag nagkamali kami (pero syempre alam kong ako lang ang may possibilities na magkamali) ay makikita Ito ng tao sa buong pilipinas!! Lalo na ng million million na fans ng katabi ko..
"Alam mo, kabahan kana talaga dahil sobrang daming mga tao ang makakapanood ng interview natin" pananakot pa nito
>_< anak talaga ng tipaklong ang babaeng Ito!!
"Alam mo summer konti nalang.. makakatikim kana talaga saakin." Nag titimping sabi ko dito..
Tsk, Alam naman kasing Kinakabahan na ako tas ganun pa ang sasabihin=_=
"Makatikim?" Sabi nito at pinahalata pa nito ang pagtitig nya sa labi ko 'oh-oh' aalis na sana ako dahil alam kong 'may kalokohan na naman itong iniisip pero nanigas nalang ako sa kinakaupuan ko ng dahandahan itong nag lean in sa pwesto ko.. 'sh*t' "do you mean, titikman mo na naman ang labi ko." At dahan dahan nitong inangat ang tingin nya at ng magtama ang mata namin ay nandito na naman ang weird feeling nasa kanya ko lang nararamdaman. "Ohh~~ I can't wait" narinig kong dagdag nito at mapang asar akong tiningnan.
Halos hindi naman ako makahinga lalo na ng mapansin kong halos magkadikit na ang ilong namin sa isat isa dahil sa pagkakalapit namin.. Kung kanina ay hindi ako makahinga dahil sa kaba dahil sa interview, ngayon naman ay hindi na ako makahinga dahil sa kaba dahil kay summer.
"A-ano bang p-pinagsasabi mo dyan?"nagkandabulol bulol nasabi ko dito.
Napasmirk naman ito at doon ko lang na realize nasa labi nya pala ako nakatitig. 'what the hell' sabi ko sa isip dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko pa din matanggal ang mata ko sa labi nya..
"Tell me... do you wanna kiss me again.." mahinang sabi nito at dahan dahang inilapit ulit ang mukha nya sa akin.
'Oh my gosh....' Yun nalang ang sabi ko at naipikit ang mata ko.
Pero after ng ilang segundo ay wala pa din akong naramdaman at doon ko lang narealize ang nangyayari ng makarinig ako ng malakas na pagtawa nito.
>_< Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa ba ako dahil hindi na tuloy ang kiss namin o sasapakin ko ang babaeng nasa harap ko, na ngayon ay tawa ng tawa at feel na feel pa ang pag hawak sa tyan nya. 'Oh edi sya na ang masaya!'
Tsk, bakit ko ba naman kasi kinalimutan na si summer haze nga pala ang nasa harap ko ngayon?! na simula ng 'agreement' namin 2 weeks ago ay ginawa ng libangan ang pang aasar at ang pangbibitin sa akin? 'Ang saklap lungsszz~'
"Oh ano, tapos kana?" Cold na tanong ko dito ng kumalma ito ng 'kaunti' at seryosong tinitigan lang ito.
At ang bruha, imbis manahimik ay mas lalo lang tumawa ng MAS malakas=_= 'manhid talaga!!!!'
Nababadtrip na tumayo ako sa upuan at iniwan ito. 'Bahala ka dyan mag isa!'
Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may pumasok dito at nakitang nagtatakang mukha ni manager kim. Malamang nagtataka Ito Kung bakit 'napaka saya' ng alaga nga ngayon . "Oh bakit naka simangot ka dyan? At summer, huminga ka naman.. mamamatay kana dyan kakatawa" Takang sabi nito.
Mas lalo naman akong napasimangot ng lalo pang lumakas ang tawa ng isa "mamatay ka sana kakatawa!" Sigaw ko kay summer at iniwan na ito at lumabas ng room namin. hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang dahilan nito kay manager kim.
"Ganun talaga manager kim si keisha kapag na bibitin" agad naman akong namula. 'Anong nabitin?! Hindi kaya!!'
Binilisan ko nalang ang paglalakad at hinintay sila sa labas ng room na paggaganapan ng interview. malapit na naman kaming tawagin eh, at mas pipiliin ko nalang na dito na walang kasama maliban sa stuff ng programa kesa kasama ang walanjung si summer=_=
Pero bago pa man ako makapag saya ay narinig ko na naman ang boses nito sa likod ko.
"Hoyy babae, bat mo naman ako iniwan?Akala ko ba ay makakatikim pa ako sayo?" pang aasar nito. Hinarap ko naman sya at inis na tintigan ito .
"Ikaw talaga. Konti nalang talaga!!" Pabulong pero may halong galit nasabi ko dito.Mas lalo namang lumawak ang ngiti nito.. "or ano? Makakatikim ako sayo? Diba sabi ko naman sayo, i can't wait."
>,> 'napailing nalang ako.. at iniwan ito sa pwesto nya at naglakad sa pinaka malapit ng upuan na nakita ko..
Pero syempre dahil trip nya talaga akong asarin ay sinundan nya ako. =_=# IMPOSIBLE talagang maging peaceful ang buhay ko hanggat may isang summer haze pang nabubuhay!
"Ano na? Asan na, kanina ko pa hinihintay." Narinig kong sabi nito pero hindi ko nalang sya pinansin at nagkunwaring busy sa cellphone ko at tumalikod dito.
At ang bruha, malamang sa malamang ay hindi susuko.=_=
"Oyy~~" *snob*
"Psttt~~" *snob*
"Keisha~~" *snob*
"Bat hindi mo ba ako pinapansin?" Ang kapal, at talagang tinanong pa nya ako huh.
"Hmp! Bahala ka nga dyan." Yun nalang ang sabi nito at magpapakasaya na sana ako dahil sa wakas ay sumuko na Ito ng maramdaman kong mula sa likod ay iniyakap nito ang kamay nya sa bewang ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko.
Ramdam ko naman ang biglang pagtigil ng mundo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko at lalo na ang pagrarambulan ng mga internal organs ko.
"A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko dito at pinawalan ang hininga ko na hindi ko namalayang pinipigilan ko pala..
"Hmp! Wag kanang umangal dyan, ayaw mo kasi akong pansinin e." May himig na pagtatampong sabi nito.
'Seryoso ba sya dyan?'
"Summer.. bumitaw kana, nakatitig na silang lahat saatin oh." Sabi ko dito dahil halos lahat ng stuff ay nakatitig na saamin.
Mas lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakayakap nga saakin "hayaan mo sila, inggit lang ang mga yan" tatawa tawang sabi nito. Napangiti na lang din ako at hinayaan nalang sya sa gusto nyang gawin.
"Keisha.." mahinang tawag nito sa pangalan ko.
"Hmm~~" sagot ko dito.
"Kinakabahan ka paba?" Tanong nito,
"Ewan ko." Sagot ko naman dito dahil hindi ko naman talaga alam kung kinakabahan pa ba ako O hindi na.
"Wag ka nang kabahan okay? Nadun naman ako e, hindi kita papabayaan promise.." puno ng sincerity na sabi nito.
Mas lalo naman akong napangiti ng marinig ang sinabi nito.. sa hindi ko malamang dahilan ay lahat ng takot at kaba ko kanina ay sigurado na akong wala na..
"Salamat.." yun nalang ang sinabi ko dito at bago pa man ito makasagot ay narinig na naming tinawag na kami ni manager kim at mag i-start na daw. kaya kumawala na si summer sa pagkakayakap sa akin.
"Lets go?" Nakangiting sabi nito at inilahad ang kamay nya saakin.
Napangiti na naman ako. At tinanggap ang kamay nito.
Hayy~~ nako summer.. may pagka bipolar ka talaga=_= minsan ang sarap mong sapakin at ipatapon sa mars..
pero minsan... ang sarap mo namang halikan at mahalin...
Naiiling nasabi ko sa sarili ko at pinagmasdan ang kamay naming magkahawak habang papunta sa pwesto ni manager Kim..
..................
Written by: 7deadlysin013
BINABASA MO ANG
This b*tchy Star Is Mine
Romance''A stolen kiss that change everything'' Hate/love chuchu~~ Written by: 7deadlysin013