Chapter3: meeting her again.
Keisha POV:
huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa building ng entertainment na humahawak sa akin.
Todo ngiti naman ang mga taong nakaka salubong ko, at todo kamusta. 'Hayy, mga Tao nga naman. Kung makapang lait saakin dati, tas ngayon ganto na ang Turing saakin.'
"Ano best, musta namang makipag plastikan?" Tatawa tawang tanong saakin ni yumiko.
Ang isa sa mga 'tunay' Kong kaibigan.. Napa simangot naman ako. "Tigilan mo ako, yumiko. Hindi magandang magbiro ngayon lalo nang Alam mong ang laki laki ng problema ko ngayon."
"Hahaha, Ikaw naman kasi e. Bat naman kasi sa lahat ng hahalikan mo ay isang summer haze pa? Yan tuloy, ang laki laki ng problema mo." Mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi nito
"Aba malay ko naman na sya pala yun, eh naka talikod sya sa akin e. Pati di ako ang may kasalanan, kundi yung pesteng si jhoerick."
"Kasi naman dapat di mo nalang pinatulan Yang hamon sayo ng ex mo, edi sana di mo hinaharap ang problema mong ito ngayon." iiling iling nasabi nito.
"Nangyari na, wala na akong magagawa." Malungkot nasabi ko.
"Haha, basta friend kapag nakulong kana.. wag kang mag alala, dadalawin ka namin." Pang aasar nito.
Tiningnan ko naman Ito ng masama "Alam mo Ikaw, di ka nakakatulong!"
"Eh sino bang nag sabi sayo na gusto kitang tulungan?" Tatawa tawang sabi ulit nito, at bago ko pa sya masabunutan ay naka takbo na agad Ito.
"Hoyy, bumalik ka nga dito!" Inis na sigaw ko dito.
"Haha, di na noh. Takot ko lang maubos ang buhok ko=_=… pero basta friend tandaan mo ang sinabi ko ah. " ganting sigaw din nito.
"Ano naman dun?!"
"Yung kapag na kulong kana ay dadalawin ka namin." Sigaw ulit dito, pero bago ko pa man Ito masugod ay nakatakbo na Ito.
=_= humanda ka talaga saaking babae ka.
Sumakay na ako ng elevator at Pinindot ang floor ng president namin. Pagka tapat ko sa desk ng secretary nito ay agad ko namang sinabing ine expect ako ng president."Nako, sige pasok kana. Kanina ka panga nito hinihintay." Naka ngiting sabi nito.
Aba, Pati ba naman ang pinaka masungit na Tao dito sa building ay nag bago?! Di ko Alam Kung dapat ba akong matuwa na di ako nito kinain ng buhay o mababadtrip dahil halatang pilit Lang ang ngiti nito.=_=
"Keisha, buti na dito kana. Sige tarika, upo kana." Mabilis na pag aasikaso nito.
"Ahh, salamat po." Nahihiyang sabi ko bago umupo sa tapat ng desk nito.
"Wag ka nang mahiya, Alam mo naman na Ikaw ang pinaka paborito ko sa lahat ng bata ko eh." Masayang sabi nito bago tumawa ng malakas.
Muntik nang tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang sinabi nito. 'Seriously, e dati nga ni Hindi man lang ako tinitingnan nito.' Kaya ngumiti nalang ako at iniba ang topic.
"Ahh, sabi niyo po kahapon ay may gustong kumausap saakin, maaari ko po bang malaman Kung sino Ito?"
"Ayy, di paba sinasabi sayo ng girlfriend mo?" Tatanungin ko sana Kung anong pinag sasabi nya ng biglang may kumatok na sa pinto.
"Ahh, na dito na pala sila." Sabi nito at tumayo na at pinag buksan ng pinto Kung sino man ang kumakatok dito.
Bigla ko namang naalala ang sinabi nito kani kanina Lang...
BINABASA MO ANG
This b*tchy Star Is Mine
Storie d'amore''A stolen kiss that change everything'' Hate/love chuchu~~ Written by: 7deadlysin013