chapter 16: first day of school

1.3K 59 1
                                    


Chapter 16: first day of school

Keisha POV:

   Ang bilis naman na lumipas ng mga araw. Excited na tinatamad ako dahil first day na naman ng school. Which means, kailangan ko na naman pumasok at makinig sa mga tinuturo ng mga prof. Dont get me wrong ah, sadyang isa lang ako sa mga istudyanteng hindi 'mahilig' mag aral.

     Mas maagang pumasok ang dalawa kong kapatid saakin dahil mas maaga ang class nila. Actually, ako lang ang naiiba ng school sa kanila dahil sa kukunin kong course sa colleges. Si kc, grade11 na. Habang si keizer ay grade 9 palang at ako? Grade 12 na! Which means, last year ko na sa highschool^^

   "Oy! Kei, Ang daming media daw sa labas ng school ah! Inaabangan ka daw" narinig kong balita ni yumiko saakin.
 
  Tumango naman ako, ine expect ko na naman ito dahil nasa 'hot' topic pa din naman kami summer. And speaking of that girl,  dalawang araw na syang hindi nagpaparamdam saakin. Tinatawagan ko pero hindi sinasagot , nung tanungin ko naman si manager ay sabi busy lang daw ito. 'Duh~ busy?! Kahit isang text manlang hindi magawa? Kalokohan!'

    "oh, bakit nakasimangot na naman ang ating prinsesa?" Sabi ng kadadating lang na si christina kaya mas lalo lang akong napasimangot>_<

    "Eh paano, dalawang araw na daw hindi nagpaparadam ang love of her life." Pang aasar ni yumiko.

   "haha. Baka nakahanap na ng iba, you know some hot guy." dagdag naman ni bridjie.

   "Or hot chick!" Isa pa 'tong si Christina eh! Late na ngang dadating tas mang aasar pa.

   Nasa isang cafe pala kami malapit lang sa school, nag usap usap kaming dito maghintayan dahil sa panigurado daw na susugudin ako ng mga reporters kaya 'friends' to the rescue daw ang peg nila.

    "Tigilan nyo nga ako." Badtrip na saway ko sa kanila, wala na nga sa mood tas kung ano ano pa ang ipagsasasabi?!

    "Haha. Ang pikon mo kei, dont worry mamaya kokontakin kadin ng 'heart' mo." Narinig kong sabi ni cloe. Namula naman ako bigla lalo na ng marinig kung ano ang tinawag nya kay summer.

    "Pati ba naman ikaw cloe?! akala ko matino ka." Naiiling na sabi ko dito na ikinatawa lang nya.

    "What? So kami hindi matino?" Hindi makapaniwalang tanong ni bridjie.

   Napatawa nalang ako sa kaOA yan nito. "Tinatanong pa ba yan?" Pang aasar ko sa kanya.

   "Harhar, very funny." nakasimangot na sabi nito

   "Okay tama na nga yan, baka magkapikunan pa kayo. Tara nasa school, malalate na tayo eh." Pagyayaya ni cloe. Kaya tumayo na kami at umalis sa cafe.

   Habang naglalakad kami pa punta sa parking lot ay hindi ko napigilan ang sarili kong i-check kung may nag text ba saakin, better to say 'kung nag text sya' pero wala eh! Wala. Badtrip na nilagay ko ulit sa bag ko ang cellphone ko. 'Nako summer, makakatikim ka talaga saakin.' Inis na sabi ko saisip ko.

   Naramdaman ko naman na may biglang umakbay saakin. "Mag te text din yun." Sabi ng nakangiting si bridjie. Tumango nalang ako at sumakay na sa kotse ni cloe.

    Sa aming 5, si cloe talaga ang mayaman kaya may sarili syang kotse. As in, MAYAMAN talaga yan, nag aaral nga lang sya sa public school dahil gusto nya lang daw kaming makasama. habang si bridjie at yumiko naman ay parehas nang katayuan sa buhay mayaman din pero hindi kasing yaman ni cloe. habang si christina naman ay may kaya na sakto lang sa kanya. And well, ako na kailangan pang magtrabaho para lang may makain.

    Pero ang katayuan namin sa buhay ay hindi naging reason para masira ang friendship namin dahil ito pa nga ang isa sa naging reason kung bakit naging matibay ang samahan namin. Dahil kapag kailangan namin ng tulong ay na dito kami para sa isat isa.

  "Wow. Ang dami ngang paparazzi!" Parang natuwa pa si yumiko sa nakitang mga nag aabang saakin na mga reporters. May mga fans din na nadito sa labas kaya mas dumami ang mga tao 'wala ba silang pasok? Unfair!'

  "Baba na tayo, mag ta time na." Sabi ni cloe at lumabas na ng kotse kaya nag sunudan na din kami. wala kasing parking lot sa loob ng school kaya dito lang sa labas nagpa park ang ilang istudyanteng may mga sasakyan.

    Agad naman na napansin kami ng mga reporters pati ng mga fans  kaya mabilis na nagkagulo ang mga ito at naglapitan saamin.

   Buti talaga at kasama ko ang mga kaibigan ko dahil kung hindi ay malamang hindi na ako makakapasok sa loob.

    Tanong ng tanong ng kung ano ano ang mga reporters habang pinipilit namin na makapasok na sa loob ng school. Maging ang mga fans ay kanya kanyang hingi ng autograph.

      Nasa malapit na kami ng gate ng biglang tumahimik ang lahat. Nagtaka naman ako ng makitang may iba na itong tinitingnan, nang makita kong may 3 kotse ang pumarada sa tapat ng school namin. Maging ako ay na curious kung sino ang mga ito.

    "Hala friend, may ng aagaw ng spot light mo!" Bulong ni bridjie na agad namang sinaway ni cloe. Hindi ko nalang ito pinansin at patuloy na naghintay kung sino ba ang mga tao sa loob ng kotse.

    Mas lalo naman akong nacurious nang may mga body guard na naka suit pa ang naglabasan mula sa dalawang kotse at parang naggawa ng way papunta saakin. Yung nakapila sila sa magkabilang side na para bang pinipigilan ang mga tao para makalapit sa kung sino man ang nasa loob ng kotse.

    Nakita ko na unti unti nang bumukas ang pinto ng isa pang sasakyan at may 4 na kapwa magagandang babae ang bumaba sa kotse. At bago ko pa marealize kung sino sila ay isa pang babae ang lumabas mula dito.

    Ang babaeng 2 araw nang hindi nagpaparamdam saakin! At higit sa lahat ang nag iisang babaeng kayang magpabilis sa puso ko ng ganito. Mas lalong nagkagulo ang mga fans dahil sa 'unexpected' na pagpapakita ng 5 sobrang sikat na members ng isang international band na 'miracles'. Pero wala na akong maintindihan dahil ang focus ko lang ay nasa nag iisang taong dahan dahang naglalakad pa punta sa pwesto ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

    Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong halikan sa labi at nginitian pagkatapos. "I miss you heart." Then just like that , i felt how my world stop on spinning..

    'What the hell..'

...

  Written by: 7deadlysin013

This b*tchy Star Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon