Author's Note: Dedicated kay Ms. Jonaxx. =) Rozen for the win!! #Heartless XD
xxx
“Hindi ka pa nagla-lunch?” Tanong ni Zedd habang pababa kami ng hagdan.
“’Di pa.”
“Bakit? Diet?”
Tumawa ako. “Mukha bang kailangan ko pa ng diet? Tingting na nga ako eh.”
Ngumiti na lang si Zedd. Wala nang nagsalita hanggang sa makarating kami sa third floor. Ano kayang iniisip nito? “Una ka na sa may prayer garden. Magsi-CR lang ako.”
“Ok.” Sheez. Bakit gano’n?! Wala naman nakakakilig dun sa sinabi niya pero kinikilig ako. Ugh, masama na ‘to.
Poker face. Poker face Poker face. Nagcha-chant na lang ako niyan hanggang sa makarating ako sa prayer garden. Hindi ako pwedeng ngumiti nang mag-isa. Magmumukha akong baliw.
Nakita ko na si Ate Rina, ‘yung ipanlalaban sa oration. Nginitian niya lang ako, at ngumiti rin ako sa kanya. Kausap niya kasi ‘yung trainer niya. Ako naman, nilapitan ko na si Ma’am Santos para itanong kung ano ang magiging topic ko ngayon.
Kailangan kasi magawa ko ‘yung mga possible na magiging topic sa division level, para may idea na ako, at para may idea na siya at si Ma’am Perry kung may laban ba kami.
Environment ang topic ko ngayon. Buti na lang medyo environment-friendly si Chris Tiu. Idol ‘yun eh! ‘Yun ang nag-iisang crush ko, bago ko maging crush si Zedd. Speaking of Zedd, ang tagal naman nun sa CR.
Nakaka-apat na paragraph na ako nang may magpatong ng plato sa tabi ko. Amoy tocino, saraaaap. Hindi pa nga pala ako nagla-lunch.
15 minutes na siguro akong nagsusulat. Buti na lang may nakukuha pa ako sa utak ko, ‘di pa naman ako nagbe-breakfast, at hindi rin ako nakapag-recess kanina, ang dami kasing gagawin eh.
May nag-angat nung plato tapos ipinatong sa papel ko. Napatingin ako sa kanya.
“Uy.”
“Uy ka dyan. Mag-lunch ka muna.”
Lumapit sa’min si Ma’am Santos. “Hindi ka pa pala nagla-lunch, Summer?”
“Hindi pa po eh.”
“Oh sige na, kumain ka muna. Zedd, basahin mo ‘to. Mamaya, debate kayo ni Caryl.”
Kinuha ni Zedd ‘yung papel kay Ma’am Santos at umupo ulit.
“Uy thanks. Bayaran kita mamaya, nasa taas wallet ko eh.”
“Ge. ‘Di ako nagpapabayad.” Sabi niya nang nakatingin lang sa papel.
“Hmp, sungit nito.”
“Oo na. Dami mong sinasabi, kumain ka na lang.”
Wow. PMS? Daig pa ako ah. Kumain na lang ako. Ang adik nito. Nakaka-bad vibes tuloy. Maya-maya tumayo na si Zedd, hindi ko na sinundan ng tingin. Naiinis lang ako. Problema nun? Tss.
“Oh. Baka mabilaukan ka. . . sana.”
Inirapan ko na lang siya. Gags, moody nga rin pala ‘to. Tingnan mo, ngayon naman nagjo-joke na.
“Pakibukas naman.”
“Yan sinasabi ko sa’yo eh. Ako na bumili, ako pa magbubukas. Hina mo kasing kumain, kaya wala kang energy. Mineral bottle lang ‘di pa mabuksan.”
Aaah sira ulo ‘to ah. Nanumbat pa. “Sabihin mo lang kung ayaw mo, dami mo pang sinasabi.”
“Oh ayan.”

BINABASA MO ANG
Songs of Summer
Teen FictionLove is lovelier the second time around. Sabi nila . . . pero iba ang sabi niya. Paano nga naman siya maniniwala kung crush na nga lang, bigo pa. Gustung-gusto ni Summer ang mga bagay na may love - love story, love song, book at movie na love ang ge...