Dedicated sa isa sa may pinakamagandang plot na nabasa ko. Go MHIAMB!!! XD
xxx
Let me not to the marriage of true minds admit impediments.
Love is not love which alters when it alteration finds, or bends with the remover to remove.
Oh, no! It is an ever-fixed mark.
Hay, Shakespeare...kahit nakaka-nosebleed ka, kung kasing edad lang kita o di kaya naabutan mo ang generation ko, ikaw na lang sana ang minahal ko.
This one’s my favorite – Sonnet 116. You must not leave someone just because there are people who want you to be apart, and love doesn’t change just because something’s changed.
Hindi naman applicable sa ‘kin ‘yon eh. Wala namang dapat iwanan dahil hindi naman siya sa ‘kin. At isa pa, hinihiling ko na nga na magbago ‘tong feelings ko eh. Kahit pa magbago ang pagtingin sa ‘kin ni Zedd, I mean in another life (dahil alam kong imposible talaga ngayon), mas gugustuhin ko pa ring maging isang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Kainis. Bakit ba ganito ang pinoproblema ko? 3rd year high school pa lang ako, dapat ang pag-graduate at pagka-college ang problemahin ko!
“Summer, tulala ka d’yan.”
“Sir Hans! Hehe wala lang po. Ang lalim kasi ng Sonnet, napalalim din po ang pag-iisip,” sagot ko sa adviser namin.
“Ah, hinay-hinay lang baka hindi ka makaahon,” nakataas na kilay na sabi niya.
“Oo nga po eh, parang nalulunod na ako.”
“Eh di lumangoy ka pataas para makahinga ka naman.”
“Eh paano po kung pagod na akong labanan yung agos, pinupulikat na ako, o kaya naman nandoon na ako sa masyadong malalim na parte kaya mahirap nang umahon?”
“Be still for a while. Don’t panic, kapag may lakas ka na ulit para lumangoy, umahon ka na. Pwede rin namang kung gusto mo na ng tulong, ang kailangan mo lang naman ay sumigaw, for sure maraming lalangoy para sa’yo o kaya maghahagis ng salbabida.”
Naiiyak ako sa mga sinabi ni Sir Hans. Tama nga naman, bakit ba sinasarili ko lang ‘to, pwede naman akong magpasaklolo.
“Grabe Sir, nahawa ba tayo kay Shakespeare? Nakakaiyak naman,” tumatawang sabi ko.
Ngumiti lang si Sir Hans na parang commercial model siya ng toothpaste. “Umuwi ka na nga, nakatambay ka na naman dito. Hindi ka ba takot masaraduhan?”
Umiling lang ako at tumayo na para isauli ang libro sa shelf. Tatlo na lang kami rito, kasama na yung SA sa library.
“Sige po, uwi na ako. Bye Sir.”
“Sige, ingat sila sa’yo. Pahabol! ‘Wag mo nang isipin ‘yon, hindi ka naman mahal no’n!”
Ouch naman. Alam ko. Tumawa na lang ako. Alam ko namang joke lang ‘yon at walang alam tungkol don si Sir Hans, pero masakit pala talaga kapag narinig mo mula sa iba na hindi ka mahal ng taong minamahal mo.
xxx
Saturday bukas at syempre walang pasok. Ilang oras ko na rin ‘tong pinag-iisipan. At sigurado na ako. Magku-kwento na ako sa mga kaibigan ko. Magkikita-kita kami sa bahay nina Cleo bukas para gumawa ng project.
Naalala kong may pangako nga pala ako kay Zedd. Kinuha ko ang phone ko sa drawer at nagsimulang mag-type.
Zedd, wala akong maisip na lines, pero basta ang sabihin mo ‘wag na siyang magselos kung ano man ‘yung pinagseselos niya kasi siya naman ‘yung mahal mo. Lambingin mo tapos sabihin mo na wala naman siyang kahati sa oras mo bukod sa studies. Mas maganda kung personal mong sabihin, mag-date kayo para makabawi ka. Ikaw na ang mag-isip ng lines, mas mararamdaman niya kasi pag sa’yo talaga galing yung mga sasabihin mo.
Pagkatapos kong i-send yung message, nahiga na ako. Wala na sana akong balak tingnan kung sino yung nag-text pero parang may sariling utak ‘tong kamay ko.
From: Zedd
Thanks. Sorry kanina, galit ka pa ba?
Gusto ko sanang mag-reply na hindi ako galit, pero naisip ko mas makakabuti kung akalain niyang galit nga ako para naman mas madali ang gagawin kong pag-iwas. Baka sa ganoong paraan, lumayo rin siya sa ‘kin at mas madali ‘yon.
BINABASA MO ANG
Songs of Summer
Teen FictionLove is lovelier the second time around. Sabi nila . . . pero iba ang sabi niya. Paano nga naman siya maniniwala kung crush na nga lang, bigo pa. Gustung-gusto ni Summer ang mga bagay na may love - love story, love song, book at movie na love ang ge...