*Riiing* *Riiing* *Riiing*
Time check: 6:20. Mas binilisan ko pa ang kilos ko para hindi ako mahuli sa misa. We have a Sunday service.
Gargle ng mouthwash habang nagsusuot ng medyas. Suklay. Kuha ng wallet, susi, mint candy. Rushes to door -- ay wait, phone!!
And speaking of phone, saktong nag-text si Cleo na dadaanan nila ako ng kuya niya. Yes, libre pamasahe. Mehehe. I was about to reply nang makita ko na sila.
"Good morning! Hop in," nakangiting sabi ni Clyde. Mukhang bantay-sarado na naman si Cleo ah.
"Good morning din! Hi best!" Bati ko sa binibini sa backseat na nakapikit at nakahiga pa. Looks like nagpuyat ang isang 'to. Umiiling na tumingin sa 'kin si Clyde.
"Knock out. Ayan kasi ang hilig magtelebabad."
"Paano mo nalaman? You're so nosy," nakataas na kilay na sabi ko. Ngumiti lang naman siya. Si Ace na naman siguro. Okay naman si Clyde kay Ace para sa kapatid niya, ayun nga lang he always reminds the poor guy to take it slow. Masyado pa raw silang bata. And that's right.
We arrived at the church couple of minutes before the mass starts. Nauna na kaming bumaba ni Clyde dahil susunod na lang daw si Cleo.
My phone vibrated kaya tiningnan ko muna habang naglalakad. Nasa unahan ako at nakasunod sa 'kin ang kuya ng best friend kong akala mo hindi pinagpapawisan sa bango.
I suddenly stopped nang may malaglag na panyo, muntik ko nang maapakan. Pupulutin ko na sana pero nakita ko ang isang pamilyar na body frame na yumuko.
Presensya pa lang ni Zedd alam ko na. He just smiled at me and I did the same. Three weeks. Three weeks na nagngingitian lang kami kapag nagkakasalubong.
I don't know how pero one day ganun na lang. That's fine with me, favorable pa nga eh. Eventually, naging ok din sila ng girlfriend niya. I can say that we're cool.
"Ayos ka lang? Di iiyak?" How did he know? From Cleo, malamang.
"Syempre. Tapos na 'ko sa part na 'yon." I said habang nakatingin sa pinto ng simbahan. I felt him shrug.
"Sana lang hindi n'ya pagsisihan." Napakunot ako ng noo. What? Magtatanong pa sana ako pero pumasok na siya. Tss, weird people are weird.
xxx
Ang kulit-kulit ni Clyde sa misa. Kung anu-ano ang sinasabi. Dapat daw hindi tingin nang tingin sa iba habang nagmimisa. I know hindi kami yun ni Cleo. Hindi na lang namin siya pinansin.
"Akin na lang yung isang cheese roll please," sabay kuha ng magaling kong best friend sa pagkain ng kuya niya.
"PG. Kaya ka tumataba eh, you're eating more than your tummy's capacity," asar naman ni Clyde na hindi pinansin ni Cleo. Haha, gutom ang kaibigan ko.
We're here at Bo's Coffee. After ng mass uuwi na sana ako pero nag-aya 'tong dalawa.
I was busy stirring my coffee nang makita ko ang pangalan ni Zedd sa phone ko. Three weeks. Huh.
Zedd: May lagi ka na palang kasama. Kaya pala.
Huh? Ano raw? Is he... no, Summer. Wag mag-assume. Then another message came.
Zedd: She's breaking up with me. Ang sakit, Ate Summer.
See? Don't assume.
Well, ang sakit din Zedd.
Something always brings me back to you.
It never takes too long.
No matter what I say or do, I still feel you here 'til the moment I'm gone.
Eto na nga bang sinasabi ko eh. Damn, isang text lang. Ayun lang ang katapat ko tapos ayan na naman. Ang lakas niya sa 'kin eh, to the point na nagpapakatanga na 'ko.
You hold me without touch. You keep me without chains.
I don't know kung manhid ba siya o talagang balewala lang ako para sa kanya. Mabibigyan niya lang ako ng atensyon pag wala yung isa. In short, taga-salo ako ng tira-tira. Second option, oh third pa nga yata. Wow. Wow lang talaga.
Pero mas wow. Wow, ang bobo ko. Nakailang sabi na ba ako nang magmu-move on, tapos ito ako ngayon. Dinaig ko pa ang traffic sa EDSA na forever na yata. Ako, lifetime. Since we all know that forever doesn't exist, joke lang na forever yung traffic congestion sa EDSA, yung pagmu-move on kong lifetime, ewan ko, unsure, undecided.
I never wanted anything so much, than to drown in your love, and not feel your rain.
Set me free, leave me be. I don't wanna fall another moment in your gravity.
I was already in the middle of climbing to the top, tapos biglang isang text lang back to zero na naman ako. Magaling. Para akong may chain sa paa na kapag hahakbang ako pataas pag ginusto ng gravity na mag-stay ako sa ground, that's it, no buts.
"Hmm, uwi na ako. You can stay, ok lang," sabi ko when I made up my mind.
"Bakit? Wala ka namang gagawin. Sabay ka na, best." Pilit ni Cleo.
"I can't. Emergency." Woah, really?
"Oh what happened?" Concern in Cleo's face is obvious. I feel guilty.
"Hindi naman serious...just, aah, basta. I'll text you later."
Tumango na lang si Cleo pero si Clyde nakatingin lang sa 'kin. I can sense that he knows. I don't know, but I'm sure he does.
Tumayo na 'ko after saying goodbye and headed to the glass door.
When I thought that I was strong, but you touch me for a little while and all my fragile strength is gone.
The one thing that I still know is that you're keeping me down.
To Zedd: On my way home. Meet after 15 minutes.
Zedd: Dito ako sa labas ng bahay mo.
15 minutes na halos gawin kong 5. Ang talino ko talaga. Sa sobrang talino ko, ang sarap kong pugutan ng ulo.
To Zedd: Ok, sandali lang 'to.
You're keeping me down.
Something always brings me back to you.
BINABASA MO ANG
Songs of Summer
Novela JuvenilLove is lovelier the second time around. Sabi nila . . . pero iba ang sabi niya. Paano nga naman siya maniniwala kung crush na nga lang, bigo pa. Gustung-gusto ni Summer ang mga bagay na may love - love story, love song, book at movie na love ang ge...