Track 4 - I'M SORRY, I LOVE YOU

77 2 2
                                    

Author's Note: Dedicated kay Ms. ScribblerMia. =) Kinikilig ako kay KJ at OA. XD

PS. Please listen to the song. Ang ganda ng kanta. Fit na fit dito. Every chapter naman kung ano ang kanta, 'yun ang title. Kaya mas maganda kung alam niyo 'yung kanta para mas maintindihan. ;)

xxx---xxx

Alam mo ‘yung pakiramdam na aware ka sa paligid mo, pero hindi mo maintindihan totally kung ano ang nagaganap? May naririnig kang ingay, pero hindi mo naman maintindihan. Lahat sila may pinag-uusapan, pero ikaw nakatulala lang. Busy sila sa kanya-kanyang business, pero ikaw busy sa pagtunganga sa kawalan.

Ano na naman kaya ang nangyayari sa ‘kin? Kaninang umaga pa ako ganito. Hindi rin ako lumabas ng room. Nagpabili na lang ako ng lunch kay Cleo, at nilibre ako ni Ace ng food kaninang recess. Kahit ganun ‘yun pag sinabi niyang ililibre niya ako, nililibre niya ako. XD

Ay, lumabas pala ako kanina para mag-cr. Pero dahil oras ng klase, ako lang ang naglalakad sa corridor. Pagkatapos nun, hindi na ulit ako lumabas.

Bakit ganun?

Eh kasi iniiwasan ko siya. Naiinis na kasi ako sa sarili ko eh. Aware ako sa mga usapan dito sa ASB na may mutual understanding na raw si Zedd at Caryl, ‘yung ka-debate niya sa training.

Ang nakakainis lang kay Zedd, dati nilalayuan niya si Caryl na parang may sakit. Alam kasi ng karamihan na may gusto si Caryl kay Zedd, vocal naman siya. Pero dahil sabi ni Zedd, ayaw niya ng may nagkaka-crush sa kanya, nilalayuan niya si Caryl.

Eh bakit ngayon, may ganyang balita? Tapos, wala pa siyang kinukwento sa ‘kin, samantalang dati, kwento siya nang kwento na kesyo naiirita siya kay Caryl.

Sarap mong batukan, Zedd.

Noon ngang nagte-training kami para sa district level, nagtatago pa ‘yan sa room kung saan ako nagte-training eh. Tinataguan niya raw ‘yung mga chismosa sa school.

“Ate Summer, dito muna ‘ko, patago.”

“Patago? Bakit, criminal ka ba?”

“Bakit, criminal lang ba ang nagtatago?”

“Hay nako, Zedd. Eh bakit kasi hindi mo na lang diretsahin si Caryl na wala siyang mapapala sa’yo? Hindi ‘yang ganyang nilalayuan mo lang.” Nagkamot lang siya ng batok. Siguro, mahirap talaga pag ganun ‘noh? Siguro nahihiya lang talaga ‘tong si Zedd.

Pero mahirap din naman sa part ni Caryl ‘yun eh. Imagine, inamin niya ‘yung feelings niya kay Zedd, tapos bigla na lang siyang nilayuan. Classmates pa naman sila. Ang tapang niya.

Ako, hindi ko kaya ‘yun. I prefer the friendship over the relationship.

Mga isang oras din siya dun. Natapos ko na ‘yung essay ko, andun pa rin siya. Umalis lang siya nung dumating na si Ma’am Perry.

“Zedd, mali ‘yang ginagawa mo. ‘Wag mo naman layuan si Caryl. Bakit, masama bang magkagusto sa’yo? Masama ba if she likes you? Hindi naman siya naghahangad ng relationship, gusto lang niyang malaman mo na gusto ka niya.” Litanya sa kanya ni Ma’am Perry.

Pero knowing Zedd, tumawa lang siya, tapos bumalik na sa prayer garden kung saan sila nagte-training.

Nang uwian na that day, nakita ko na kinakausap na ni Zedd si Caryl. Sus, si Ma’am Perry lang pala ang kailangan eh. Pero, sa totoo lang, masakit.

Kaya lang hindi naman ako pwedeng magpaka-selfish at sabihing, “Oo nga Zedd, tama ‘yan. Layuan mo si Caryl kasi may gusto siya sa’yo.” Hindi naman ako ganun.

Songs of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon