Track 5 - FORGET ABOUT ME

36 0 0
                                    

Author's Note: Dedicated kay Ms. Beeyotch. Grabe hindi ko na alam kung DraLys shipper o TripZy shipper ako. =)

xxx

It’s been two weeks since nagkausap kami ni Zedd nang medyo matagal. At ‘yun ‘yung hinarang niya kami ni Cleo sa gate ng ASB. Busy kasi kami pare-parehas eh. Start na sa Monday ng contest, kaya naman nag-focus lang talaga ‘ko sa training, acads and SG stuff.

Dapat lang ‘noh! Sawi na nga ako sa pag-ibig, pati ba naman sa academics waley pa rin? Hindi ako papayag mangyari ‘yun.

And today is Saturday!!! Rest day ko ngayon. Nandito lang ako sa kwarto. Medyo kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon. Nakakatamad pang mag-breakfast eh. Sino ba naman ang sisipagin kung puro cereals at gatas lang ang kakainin mo sa umaga?

Ako lang kasi mag-isa ang nakatira dito sa bahay. Nasa Australia ang parents ko. Wala akong kapatid, at nasa Manila naman ang grandparents ko. Ang saya ng buhay ‘di ba? Ako lang ang nag-aasikaso sa sarili ko. Minsan, gusto ko ‘yung ganun, pero minsan it sucks.

Napadilat ako nang tumunog ang cellphone ko.

Best Cleo: Best, gising ka na ba? Sundin ka na lang namin dyan ah.

Kagabi pa nga pala nag-aaya si Cleo na gumala. Well, mamaya pa naman after lunch kaya magmumuni-muni muna ako.

Ako: Hindi pa best, tulog pa ‘ko. =) Namin? May kasama tayong iba? I thought tayong dalawa lang?

Best Cleo: Yep. Tayo lang best, pero hahatid daw tayo ni Kuya Clyde. May hidden desire nga kasi ‘yun sa’yo. :P

Tsk si Cleo talaga. Lakas ng trip. Oo, inamin naman ng kuya niya, pero hindi ko sineseryo 'noh. Hello, kapatid siya ng best friend ko at ayokong maging awkward ang mga bagay-bagay. At saka si Clyde, 1st year college na siya. Hindi naman sa ayoko sa kanya, pero high school lang ako. Hindi ba parang ang landi ko naman? Well, ewan. XD

Ako: Stop it best. Ikaw talaga, pinagkakanulo mo kuya mo. As if naman maniniwala ako.

Best Cleo: Sows naman best. Ayaw mo ‘yun, sisters-in-law tayo in the future.

Hmm, ok nga siguro, pero wala eh. I don't have a thing for his brother. Ako kasi, ayoko talaga nang may nagkakagusto sa'kin, nakakailang. Gusto ko ako lang 'yong may crush sa isang tao, pag naging crush niya rin ako, ayoko na.

Pero sa kaso ni Zedd, unconsciously oo hinihiling kong sana ako na lang si Caryl. Mahal ko eh kaya exception. Kung darating 'yung time na 'yon, hindi ko alam kung may magbabago sa feelings ko sa kanya, o magiging masaya na lang ako dahil we feel the same.

Ako: ‘Di na, ok na ‘ko sa soul sisters tayo. XD

Best Cleo: Ayeee, ‘yun naman ‘yun best eh. Sige, see you later. :*

Ako: K.

Hahaha mamaya magra-rant na naman ‘yang si Cleo dahil sa reply ko. Ayaw niya kasi ‘yung mga ganyang klase ng reply, pero lagi kong ginagawa sa kanya.

Ibababa ko na sana ‘yung phone ko nang may ma-receive akong text.

Zedd: Good morning.

Napatayo ako mula sa kama ko. God knows kung gaano ang pagpipigil kong reply-an si Zedd every time na magte-text siya.

Alam ko naman kasing group message lang ‘yun. And I’m sure when he gets a chance, magtatanong na naman ‘yun sa ‘kin kung bakit hindi ko siya nire-reply-an. Dati kasi sa tuwing magte-text siya, nagre-reply ako kahit alam kong gm lang. Wala lang, makaamot man lang ng konting atensyon.

Songs of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon