Grabe! Parang nitong summer lang nagka-cartwheel ang sikmura ko sa kaba dahil sa OJT, ngayon naman dahil sa thesis.
Ang bilis talaga ng panahon.
Pero mas grabe naman ‘yung kaba ko noon kaysa ngayon. Ewan ko ba. Alin ba ang mas nakakakaba, OJT o thesis defense? Para sa ‘kin kasi, OJT. Kasi naman, mag-isa lang ako noon sa beat ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko noong mga panahon na ‘yon.
Imagine, noong high school ako, hindi ako nakakalagpas lumakad sa kanto, hanggang doon lang ako. Hindi ako nakakaalis ng barangay namin, lagi lang ako sa loob ng bahay. Pero simula nang nag-college ako, natuto akong mag-commute. Natuto akong mag-jeep mag-isa kahit isang oras pa ang byahe ko mula sa bahay hanggang sa university. Natuto akong gumala sa Manila na mag-isa. Natuto akong kumausap ng strangers para lang magtanong kung saan ang daan papunta sa ganyan, paano pumunta sa gano’n, ano ang dapat sakyan.
Ang bilis talaga. . . ang dami na ring nagbago.
Dati isang tanga ang tingin ko sa sarili ko. Ang lungkot ng buhay para sa ‘kin. Emo girl kasi ako noong high school eh, pero may mga kaibigan naman ako.
Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko dati. Ngayon, medyo nabawasan naman, pero tanga pa rin. Sus ‘wag ngang hypocrite! Kahit ikaw may katangahan ka rin ‘noh, ‘wag nang magmalinis. Alam kong may point sa buhay mo na nagpakatanga ka, at ngayon tinatawanan at pinagsisisihan mo na.
Pero sa ngayon, kung hindi pa ako mag-aaral para sa thesis defense ko, malamang beyond tanga pa ang magiging tingin ko sa sarili ko. At kung ako ang magiging dahilan nang pagbagsak ng grupo ko, ay nako magpapatulak na lang ako mula sa rooftop nitong building!
Nag-focus na ako sa paggawa ng cue cards ko. Nasaan na ba kasi ‘yung mga kasama ko? Bigla-bigla na lang nawawala. Tsk.
Ayoko pa naman sa lahat ay ‘yung mag-isa lang ako sa gitna ng maraming tao. Feeling ko kasi kapag ganu’n pinag-uusapan nila ako. Alam ko namang hindi ako maganda, kaya hindi ‘yun ang pinag-uusapan nila, kundi ang pagiging weird at manang ko. Pero siguro naman, feeling ko lang ‘yun. Sana nga. Hindi naman kasi ako interesante para pag-usapan. Paranoid lang talaga siguro ako.
Sa sobrang tagal ng mga kasama ko, umakyat na lang ako sa 4th floor at naglakad papunta sa library.
Hay, pagbukas ko ng pinto ng library mamaya, for sure unti-unting lilingon ‘yung mga nasa loob para tingnan kung sino ‘yung pumasok. Seriously, hindi ba pwedeng i-ignore na lang? Ano naman sa kanila kung may papasok na bago sa library? Malamang, may papasok talaga dun, library ‘yun eh. Kung bodega ‘yun, sige go, magtaka sila kung bakit maraming pumapasok.
Ang aga-aga nagtataray na naman ako. Badtrip naman kasi eh. Kagabi pa ako ganito. Kasi naman, ikaw ba naman ang magkaroon ng crush ng 5 years, tapos malalaman mo na nagpakasal na pala. Bwiset ‘di ba? Sasabay pa siya sa defense ko eh!
Pero seryoso, nawala ako sa focus nung malaman ko kagabi ‘yun. Imagine, 5 years and counting ko na siyang pinapantasya tapos nagpa-secret marriage na pala siya, at isang buwan na ang nakalipas!
Huhuhuhu Chris Tiu, isa kang taksil! 5 years tayong magkarelasyon tapos iiwanan mo ako nang ganun-ganun lang?
Siyempre sa panaginip ko lang ‘yun. -_- Pero grabe talaga, nung mabasa ko ‘yun sa article, nag-rant na ako nang nag-rant sa twitter . . . sa facebook medyo lang, marami kasing makakakita eh.
Pag-akyat ko sa 3rd floor, ang daming tao. Nako, mga engineering students na naman ‘to! Paano ko nalaman? Eh kasi nakita ko ID lace nung nakasalubong ko. Hehe.
At saka, nakita ko siya. Oo, siya. Ang pinaka-unang dahilan ng pag-i-emo at pagpapakatanga ko noong high school. Pero wala na ‘yun ah! Wala na talaga! Nakakahinayang lang kasi friends naman talaga kami. Dati. Ngayon, parang strangers na lang eh. Sayang.
![](https://img.wattpad.com/cover/9172374-288-k71250.jpg)
BINABASA MO ANG
Songs of Summer
Teen FictionLove is lovelier the second time around. Sabi nila . . . pero iba ang sabi niya. Paano nga naman siya maniniwala kung crush na nga lang, bigo pa. Gustung-gusto ni Summer ang mga bagay na may love - love story, love song, book at movie na love ang ge...