Track 6 - FEELINGS

22 0 0
                                        

Love na love ko si Lawrence at Noneen! At enjoy na enjoy lay Rian! XD Thanks iheartcandiii for the awesome stories. ;)

xxx

Nakaupo ako sa sahig sa loob ng classroom. Nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. Hindi ako umiiyak, pero may ayaw akong makita. May ayaw akong marinig. May ayaw akong tanggapin.

Nasa harapan ko si Zedd, nakaupo siya nang naka-level sa’kin, pilit na tinatanggal ang mga kamay kong nakaharang sa mukha ko. Nasa gilid ko si naman si Cleo na kino-comfort ako at hinahagod ang likod ko.

Maraming tao sa room, at parang hindi ako makahinga. Nakatingin lang silang lahat sa’kin. Anong nagawa ko? Hindi sila masaya, wala akong nakikitang ngiti sa mga labi nila.

Sina mama at papa, ang mga pinsan ko, ang mga kaklase ko, ang mga kasamahan ko sa SG, mga teachers ko at maging si Caryl nandoon. Anong ginawa ko?

Unti-unti akong tumayo, pero hindi ako nag-aangat ng tingin, nakayuko lang ako. Nagsimula akong lumakad nang paatras. Tatalikod na sana ako para tumakbo at lumabas sa lugar na ‘to nang magsalita silang lahat.

“Tama na ‘to, Summer.”

Tiningnan ko silang lahat. Hindi ko namalayan na nakalapit na sa’kin si Caryl. Bigla niya akong sinampal! Heck, kahit anong nagawa ko wala siyang karapatang sampalin ako.

Ilang beses pa niya akong sinampal, pero walang pumipigil sa kanya. Bakit ganito? Masama na ba talaga ang tingin nila sa’kin?

Tumalikod na ako sa kanilang lahat at binuksan ang pinto. Bago ako makalabas at makatakbo, nagsalita si Zedd na kanina pa tahimik.

“Hindi kita kailangan.”

Napalingon ako sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa’kin. Kaya tumingin na lang ulit ako sa labas. Hindi ko kayang sabayan ‘yung talim ng titig niya.

“Akala ko ba kaibigan kita? Sinungaling ka! Nawala ang respeto ko sa’yo, sinungaling. Simula ngayon, hindi kita kilala. Simula ngayon, ‘wag mo na ‘kong lalapitan. Lumayo ka na sa’kin. Kalimutan mo na ako.”

Tumakbo na ako paalis sa lugar na ‘yon. Ang sakit-sakit ng mga sinabi niya, pero hindi pa rin ako umiiyak. Paano niya nasabi ‘yon? Masama ba talaga ako?

Patuloy lang ako sa pagtakbo, pero naririnig ko pa rin ang boses ni Zedd na sinasabing layuan ko na siya at kalimutan. Tumingin ako sa paligid at nakita kong pinagtatawanan ako ng mga estudyante sa ASB. Pero sa harap ko, nando’n ang mga kaklase ko, ang mga kaibigan ko, ang best friend ko, ang parents ko, ang adviser namin, at ibang teachers ko na close sa’kin. Nakangiti sila sa’kin na parang nag-a-assure na kaya ko ‘to.

Sinasabi nila sa pamamagitan ng mga ngiti nila na hindi ako nag-iisa.

xxx

Pag dilat ko, nakita ko ang antique ceiling fan sa kwarto ko na mahinang umiikot. Panaginip.

Huminga ako nang malalim at bumaba para kumuha ng tubig. Anong klaseng panaginip ‘yon?

Sabi mo kahit sa panaginip sabihin ni Zedd na layuan mo na siya at kalimutan ang feelings mo para sa kanya? Bulong ng isang boses sa utak ko.

Hah. Tama nga ‘yung kanta. Be careful on what you wish for ‘cause you might just get it. I wished for it, and here it is now – I got it, just what I deserve to get.

Napadako ang tingin ko sa wall clock sa may sala. 1:36am. Ang aga pa pala. Kahit ramdam kong hindi man lang bumaba ng kaunti ang lagnat ko at sobrang sakit ng katawan ko, alam kong hindi pa agad ako makakabalik sa pagtulog.

Nagtimpla ako ng hot chocolate at bumalik sa kwarto. Binuksan ko ‘yung laptop at nag-sign in sa wordpress. Sa mga panahong ganito, blog ang takbuhan ko. Hindi naman na ako nahihilo kaya ayos lang.

Songs of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon