Author’s Note: Maraming flashback. Puro flashback ang susunod na mga chapter. Dedicated kay Ms. Leng. (BaYrus!!! XD) ;)
xxx
Woooh
Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
‘Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa’yo
Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko
‘Di na kayang itago ang nararamdamang ito
Paano na kaya ‘di sinasadya
‘Di kayang magtapat ng puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko, ikaw pa
Paano na kaya ‘di sinasadya
Ba’t nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigan
‘Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya
“Arggh. Anong oras na ba? Kanina pa tumutugtog ‘yang kanta na ‘yan ah.”
Pagtingin ko sa oras, 5:07 AM. Anak naman ng tokwa oh. Alas singko pa lang pero lakas nang mambulabog ng kapitbahay!
Buti sana kung pagtulog lang ang nabubulabog eh, hindi! Pati puso ko. Tuliro na nga, pinatatamaan pa. Alam mo ‘yung pinana na nga ni Kupido, ‘di pa nakuntento, binaon pa nang todo. </3
Bakit ba kailangang gumawa ni Bugoy ng kanta na sapul ako ha? Halos magkasabay kong na-discover ‘yang kanta na ‘yan at ‘yung feelings ko para kay Zedd.
Two months ago, alam ko na. Alam ko nang iba ang pakiramdam ko para sa kanya. Hindi lang isang kaibigan. Nakakainis!! Noong una, ayaw ko pang tanggapin. Hello, ang bait nung tao, siya nga lang yata ang lalaking lower year na nakikipagkaibigan sa’kin eh. Weird daw kasi ako at masungit. K fine.
Yes, lower year. Ahead ako ng dalawang taon kay Zedd, pero one year lang ang tanda ko sa kanya. Pero kahit na! Hindi pa rin tama ‘to. Magkaibigan kami eh. Feeling ko tuloy, sa tuwing mag-uusap kami, lumalaki lang lalo ang kasalanan ko sa kanya.
Minsan iniiwasan ko siya, pero hindi ko matagalan kasi parang ang childish. Nagtataka nga siya eh, ang sinasabi ko na lang, mood swings lang. Naniniwala naman siya. At saka minsan, nakakahiya. Wala naman siyang ginagawang masama, tapos biglang hindi ko siya papansinin.
Tsk, ‘yun na nga eh. Wala siyang ginagawang masama kaya lalo akong nahuhulog sa kanya. Hay, ang hirap.
Tinuturuan ko naman ang sarili ko na umaktong normal pag nandyan siya. Ewan ko ba, basta kasi pag naramdaman ko na ‘yung presence niya kinakabahan ako bigla. Nakakairita. Hindi naman ako ganito ah. Bago ‘to sa pakiramdam ko.
Mukha akong tanga na baliw. Kapag naman hindi ko siya masyadong pinapansin, nangungulit naman siya. Lalo siyang lumalapit, lalo akong nahihirapan. Kaya naman, pinipilit ko talagang umasta na parang wala lang, parang dati lang... noong kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Pinipilit kong mainis sa kanya, kasi lagi naman talaga niya akong iniinis eh. Kunwari na lang pag inaasar niya ako, naiinis ako. Iniirapan ko siya, pero ang totoo, umiirap ako pero deep inside ang sinasabi ko, bwisit ka Zedd, pwede ‘wag kang ganyan kasi kinikilig ako?
Pagkatapos naman nun, titigil na siya pero lalapit siya sa’kin, aakbay at saka magso-sorry. Kapag ganun, inaalis ko kaagad ‘yung kamay niya sa balikat ko. Aakma akong susuntukin siya at paatras akong lalayo sa kanya hanggang sa makarating ako sa room namin.

BINABASA MO ANG
Songs of Summer
Novela JuvenilLove is lovelier the second time around. Sabi nila . . . pero iba ang sabi niya. Paano nga naman siya maniniwala kung crush na nga lang, bigo pa. Gustung-gusto ni Summer ang mga bagay na may love - love story, love song, book at movie na love ang ge...