Track 11 - SPARKS

8 0 0
                                        

I will drive him away.

Iyon ang unang sinabi ko sa sarili ko nang makita ko siyang nakaupo sa labas ng gate namin. Nakayuko siya at nagha-hum habang nakasuot sa kanya ang paborito niyang headphones.

I need to drive him away. I promise, huli na talaga 'to. I have a lot of things to focus to. At saka high school pa lang ako! I really need to focus at talagang dapat kong ayusin ang buhay ko.

First step: I have to act as a friend. As in bilang kaibigan lang. Kung ano ako kina Cleo, Ace, at sa iba ko pang kaibigan.

Pumulot ako ng pebbles mula sa mga halaman sa harap ng bahay namin. Dahil sa lupa nakatingin si Zedd ay hindi niya ako napansin. Napangiti ako sa naisip ko.

Mabilis ko siyang binato nang ilang beses at nagtago ako sa gilid ng halaman. Ilang sandali ang pinalipas ko bago gumalaw at sumilip sa siwang ng mga dahon. Lumilingon siya sa paligid at nakakunot ang noo. This is so funny!

Ilang ulit ko pa siyang pinatamaan ng mga bato. Bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa direksyon ko! Sa kagustuhan kong 'wag mahuli ay napalakas ang sandal ko sa pader at impit na napatili.

"Hah. Huli ka! Sabi na nga ba. Akala mo ha!"

Asar. Nakita na niya ako kanina pa. Sumimangot ako at tumayo na mula sa pinagtataguan ko.

"Tsk. Ano ba 'yan. Ang KJ mo naman. Dapat kunwari matatakot ka kasi akala mo kung sinong gangster!"

Napanganga siya at tumawa nang malakas pagkatapos. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at halos mapaluhod sa katatawa. Huh. Sira ulong 'to.

"Grabe, Ate Summer! Gangster? Ikaw, gangster?! Hahaha!"

Aba, bastos na bata ito! Yumuko ako at pumulot ulit ng pebbles. Binato ko siya ng dalawang beses at saka siya tumigil sa pagtawa. More like, nagpipigil ng tawa.

"Sorry na! Kasi naman ang taas-taas ng sikat ng araw tapos matatakot ako sa gangster? Imagination mo!"

"Tse. Brokenhearted ka lang..."

Napatigil ako dahil sa sinabi ko. Bigla rin siyang tumigil sa pagtawa at nagseryoso. Ooops. I didn't mean to say it that way.

"Anyway...anong maitutulong ko?"

Ngumisi siya na halatang wala namang humor. Pilit na pilit.

"Siguro...'wag na lang nating pag-usapan? Mag-bonding na lang tayo!"

What? Is he serious?

Almost a month kaming hindi nagpansinan tapos biglang bonding? Can't he see how awkard and uncomfortable would that be?

Eh paano ko siya iiwasan nang tuluyan kung magba-bonding kaming dalawa? Ugh! Panira ng plano!

Pinilit ko pa siyang magkwento pero ayaw niya talaga. Sabi niya ay maaayos din naman daw.

Hindi na ako kumontra. Buti nga iyon, hindi na rin ako mahihirapan at hindi na ako maghahanap ng magagandang salita para lang mapagaan ang loob niya kahit na medyo labag naman sa kalooban ko.

Sa huli ay tumambay lang kami sa labas ng bahay, kung saan siya nakaupo kanina. Naisip kong dalhin siya sa tree house kaya lang ay naisip ko na 'wag na lang pala.

If I really want to drive him away and be his (platonic) friend, hindi ko dapat i-share sa kanya ang sanctuary ko. If I did, that would mean he is special.

Nag-usap lang kamo ng kung anu-ano. Ayaw daw niyang pag-usapan eh, pagbigyan. At saka ayoko na ring makialam kung ano man ang problema nilang dalawa, not unless madamay ang pangalan ko.

We spent hours talking. Sinubukan kong pakiramdaman ang sarili ko kung hanggang kailan tatagal bago ako maka-get over sa kanya. Hindi ko pa alam. Sana sandali lang.

Hindi ko naman siya iiwasan totally. I just need time to gather my sane thoughts and feelings. I would still look out for him as a friend.

Besides, hindi ko pa naman sinabi na siya na 'yung "worth the trouble" guy ko. I mean, yeah I have feelings for him pero not to the point na kaya kong i-give up o i-neglect ang ibang mas mahalagang bagay para sa kanya.

Sparks? Maybe I felt it. Maybe he also did. Maybe people or at least my friends thought we have it and we could be a chance... pero it is not enough.

Sparks lang, not fire. Very sudden and very short span sparks. Hindi pangmatagalan.

Matapos naming mag-usap o mag-bonding nga, sabi niya... pakiramdam ko ay gumaan ang lahat. Naliwanagan ako sa mga bagay-bagay na sobrang naguluhan ako nitong mga nakaraang buwan.

Naliwanagan na rin ako sa kung ano ba talaga ang priorities ko. Kung ano ba talaga ang dapat kong gawin at pagtuunan ng pansin.

And it's not him.

Songs of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon