Chapter 1 : My Bestfriend Jayson
~Lucas' POV~
"Tita, si Jayson?"
"Natutulog pa, hijo."
"Sige po. Salamat."
Hindi na ako nakabati ng good morning kay tita. Wala kasi akong ibang iniisip kundi si Jayson. Paggising ko, text niya agad kaninang 2:00 am ang una kong nabasa. Nakipagbreak daw si Kath sa kanya. Knowing him, sigurado akong nagpakalasing na naman siya kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya ngayon sa bahay nila.
Nagtoothbrush lang ako tapos kumaripas na agad ako ng takbo papunta dito. Magkapit-bahay lang kami.
<Danger! High Voltage>
Napakunot ang noo ko sa nabasa kong signage sa pinto ng kuwarto niya. Pinalitan na pala niya yung dating <Observe Silence>. Adik talaga.
Hindi na ako nag-abalang kumatok at pumasok na ako. Nakita ko siyang nakatihayang natutulog sa kama. Nakabukaka. Suot pa rin ang malamang na suot niya kagabi. Hindi na nakapagbihis o nakapaghubad man lang. Siguro nga nilunod talaga. Tsk.
Napailing ako.
Lumapit ako sa may paanan ng kama niya at hinubad ang suot niyang sneakers.
Kahit kailan talaga, hindi na matututo ang lalaking 'to. Pang-ilang girlfriend na ba niya si Kath na niloko at pinaasa lang siya? Hindi ko na maalala. Ang alam ko lang grabe talaga siya kung magmahal.
Umupo ako sa gilid ng kama niya sabay hagod ng tingin sa maamo-dahil-tulog niyang mukha.
"Ako nang kasi," mahina kong bulong.
13 years old na ako nung lumipat kami dito sa village na ito at dun kami unang nagkakilala ng bestfriend ko. Naaalala ko pa yung una naming tagpo. Ang yabang-yabang niya wala namang binatbat. Hehe. 19 na kami ngayon pero wala pa ring pinagbagosa ugali niya. Mayabang. Immature. Tamad. Mainitin ang ulo. Lahat na ata ng adjective na pwedeng idescribe sa mga badboy nasa kanya na. Wait. Scratch that. Di pala lahat. May soft side din 'tong gago na'to eh. Malambing 'to. Di lang niya sinasabi saka pinapahalata.
Kaya naman di ko na napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya eh.
----flashback
Ganito pala pag bagong lipat-- wala kang kaibigan, wala kang kalaro, palagi kang nag-iisa. Isang araw na kami dito sa subdivision pero wala pa rin akong kakilala. Ang boring.
Nandito ako ngayon nakaupo sa damuhan sa labas ng bahay namin. Pinapaikot ko ang basketball sa aking hintuturo habang nakatitig sa kawalan. Namimiss ko na mga barkada ko sa dati naming tirahan. Kung nandito lang sana sila may kalaro na sana dapat ako ngayon. Pinaikot ko lang ng pinaikot yung bola ng bigla na lang may kumuha ng bola sa pagpapaikot ko nito sa aking daliri. Isang lalaking parang kasing-edad ko ang kumuha nito. Tumakbo siya papunta sa gitna ng kalsada saka nagdribol siya na parang nagpapakitang gilas. Pinapadaan pa niya sa ilalim ng mga paa niya yung bola habang nakatingin sakin na parang sinasabi na 'kaya mo 'to?'
Hambog. Mayabang.
'Di ko mapigilan ang sarili ko na maupo na lang at panoorin siya. Tumayo ako at maliksing lumapit sa kanya para agawin yung bola.
Perfect. Nagawa kong magsteal.
I gave him a cocky grin.
"Ayos ah! . Galing. Dun tayo sa court!"
Tahimik lang ako habang nakasunod sa kanya. Kinuha niya ulit sa'kin yung bola at dinribol ito habang papunta kami sa court. Isa sa pinagyayabang ng village na ito ay ang park nito--may basketball court, tennis court, saka playground para sa mga bata. Ang ganda.
Nang makarating kami sa court, we decided na mag one on one na lang since walang ibang naglalaro.
Makalipas ang isang oras ng paglalaro, humihingal na kaming nakahiga sa sahig.
"Ang galing mo" sabi niya sa pagitan ng paghingal.
"Haha. Ikaw din naman"
"Hindi. Wala ako kung ikukumpara sa'yo. Di ka naman kasingtangkad ko pero yakang-yaka mo mag 3-point shot. Asteeeeg! " Bulalas niya.
"Nasa training yan pare."
Napaupo siya mula sa pagkakahiga pagkarinig ng sagot ko. "Astig. Isabay mo naman ako sa training mo na yan, pare."
kanina pa siya astig ng astig. Adik ba 'to?
"Haha! Why not, pare."Natatawa kong pagsang-ayon.
"Varsity player ka ba, dude?" tanong niya.
Kanina pare, ngayon naman dude.
"Hindi. Basketball player kasi Daddy ko. Pero gusto kong maging player gaya ng niya kaya binabalak ko sanang mag-apply bilang varsity player sa bago kong school ngayong pasukan."
Nanlaki mata niya. "Wow! May kapitbahay akong Basketball player! I wanna meet your Dad. Sama mo'ko sa inyo mamaya ah!"
Ayos 'to. Siya na nagyaya sumama sa bahay namin. Ibig sabihin nito magkakaroon na ako ng kaibigan sa village na ito. Di na ako masyadong mahihirapan sa pag-aadjust.
"Teka, saan ka ba nag-aaral, bro?" Dagdag niya.
"Sa St. Jude, pare."
"Ayos! Dun ako nag-aaral."
"Haha ayos." Tinanguan ko siya.
"Jayson nga pala"
"Lucas"
"Lucas..?"
"Lucas de Guzman. Ikaw? Jayson..?"
"Jayson Gil"
-----end of flashback