Chapter 8

5.7K 36 8
                                    

~Lucas's POV~

Nasabi ko sa sarili ko na iiwas na ako, na lalayo na ako sa kanya pero hindi ko iyon magawa. Hindi ko mapanindigan ang pangako ko sa sarili lalo na ngayong alam ko na ngayon niya mas higit na kailangan ang isang kaibigan. Hindi pa siya nakakaget-over sa break-up nila ni Kath at ayaw kong madepress pa siya lalo pag napansin niyang lumalayo ako.

Nandito ako ngayon sa labas ng classroom nina Kath. Nakasandal ako sa pader habang inaantay siya. Dito din siya nag-aaral katulad ni Jayson. Dito sila nagkakilala at nagka-inlabang dalawa. Naging magclassmate sila nung 2nd year college sa isang Math subject. Sa pagkakaalam ko nagsimula daw ang lahat nung nagpaturo si Kath kay Jayson sa isang assignment. Magaling kasi si Jayson sa Math. Siyempre, Engineering ang course niya. Si Kath naman ay BS Nutrition ang kinukuha.

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase para sa period na yun. Nagsimula ng maglabasan ang mga estudyante mula sa classroom nila.

Isang minuto ang lumipas at hindi pa rin lumalabas si Kath. Huminga ako ng malalim. Ilang beses ko 'to pinag-isipan. Nakailang inom din ako ng kape kagabi bago ako nakapagdesisyon. Balak kong alamin kung sino ang lalaking/bading/whatever na ipinagpalit ni Kath kay Jayson. Gusto ko siyang warningan na iwasan na lang si Kath. Handa akong gawin 'yun. Magagawa ko ‘yon, alang-alang kay Jayson. Para sa ikakasaya niya.

Masakit. Pero nasanay na ako. Ganun talaga eh.

"Uy pare." Bati sa'kin ng isang kaibigan na lumabas sa classroom nina Kath, sabay abot ng kamay niya sa'kin para sa isang handshake. "Kumusta ka na?"

Sinalubong ko ang kamay niya. "Ayos naman pre kahit busy. Pahirap na ng pahirap ang buhay ko ngayon."

"BSBAA ka pa rin?"

Tumango ako.

"Naks. Talino mo talaga." Ngumiti siya tsaka tinapik ang likod ko.

Ngumiti ako sa tinuran niya, umiiling. "Masipag lang mag-aral."

May cut-off grade kasi ang course ko. Dapat 2.0 sa lahat ng subjects na Math, English, Management tsaka Accounting. Kapag below 2.0 ang grade na nakuha mo, kailangan mo ng mag-shift. Sinuwerte lang ako at naipasa ko lahat, so far.

"Pa-humble ka pa."

"Loko," tumawa ako. "Maiba tayo pre, kilala mo si Kath Mendiola? Classmates ata kayo sa subject niyo kanina." Tinuro ko yung classroom nila.

"Ah.. Si Nutrigirl. Sikat ‘yon sa klase. Nililigawan mo na ba?" Siniko niya ako sa braso, nanunukso ang mga ngiti.

Umiling ako. "May nagmamay-ari na dun."

"Ah talaga? Balita ko pa naman may gusto yun sa'yo."

"Ha?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa tinuran niya.

"Ay pare may klase pa nga pala ako. Gotta go! Sa susunod ulit.." Tinapik niya ako sa likod tsaka dahan-dahan na umatras at naglakad palayo. Tanging nagawa ko na lang ay sundan siya ng tingin.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader, nakapamulsa. May gusto daw sa'kin si Kath? Kumusta naman yon? Chismis na naman.

"Lucas.."

Paglingon ko sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, nakita ko ang tinatawag nilang Nutrigirl. Nakangiti, hindi kita ang ipin. May bitbit na mga libro. Sexy pero hindi bastusin.

Magaling talaga pumili si Jayson. Kolehiyalang-kolehiyala ang mga nakakahiligan.

Tumayo ako ng tuwid tsaka inayos ang pagkakasukbit ng bag ko sa kanang balikat. "Hi Kath.. Vacant mo? Yayayain sana kita magmeryenda."

Hindi na naman bago ito sa’min. Nakakausap at nakakasama ko si Kath ng madalas. Pumupunta din kasi siya sa bahay nila Jayson kaya nagging magkaibigan na rin kami.

"Wow. Anong meron?" Niyakap niya ang mga bitbit niyang books.

"Nothing much. Gusto lang makipagkwentuhan. But if you're not free--"

"Vacant period ko." Putol niya sa'kin, smiling. "Manglilibre ka? Gusto ko ng crepe." Parang biglang kuminang ang mata niya pagkasabi nung crepe.

"Yun lang ba?"

"Rich much?" Tinaasan niya ako ng kilay, nakapameywang.

"Papa-refund ko naman kay Jayson eh." I smirked.

Tumama siya. "Baliw. Tara. Gutom na din ako."

Naglakad na kami papuntang cafeteria, hila-hila niya ako sa kamay. Excited na daw siya kumain ng crepe. Bigla ko tuloy naalala si Jayson. Pareho lang ata ang level nilang dalawa pagdating sa kakulitan. Minsan nga gusto ko sila pag-untugin kapag nagkakasama kaming tatlo.

Mahaba-haba din ang nilakad namin since galing kami sa Arts & Sciences Department. May mga nakasalubong kaming kakilala. Napansin ko lang parang iba yung mga tingin nila sa'min. Parang may ibig sabihin.

Nakahawak kasi ang kamay ni Kath sa'kin. Pero wala namang malisya 'yon. Wala..


* * *

"Kumusta na si Jayson?" Tanong niya. Nakaupo na kami ngayon sa isang table sa dulo ng caf. Walang masyadong tao dito banda kaya ayos dito mag-usap, walang maingay.

"Okay lang." Sagot ko.

"Ano'ng klaseng sagot naman 'yan." She rolled her eyes.

I chuckled. "Ganun pa rin naman, magulo."

"Alam ko naman ganun siya. Ganun na talaga siya dati pa di ba.” Tumawa siya ng mahina. “What I wanted to know is... How was he after we broke up?”

"Worried ka?"

"Siyempre." Umiwas siya ng tingin. Nagslice siya ng crepe at isinubo ito.

"Di ba nagkausap na kayo?"

"Uhh. Yeah. But sandali lang yun. Gusto niyang makipagbalikan sa'kin. Mag-aantay daw siya.."

"Eh di makipagbalikan ka na sa kanya."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa pagkain, malungkot na ang itsura.

“He’s still in denial. Hindi niya matanggap na wala na kayo,” sabi ko. “Alam mo bang palagi siyang naglalasing."

Lalong lumaki ang simangot niya. Halata ko na sincere naman siya sa pinapakita niyang concern for Jayson. Dapat lang. Minahal siya ng sobra ng bestfriend ko.

"Hindi siya nakakakain, hindi makapag-aral at hindi makatulog," patuloy ko.

"Kinokonsensiya mo naman ako eh."

“Nakakakonsensiya ba ‘yon? Ano naman kasalanan mo?”

She let out a deep sigh. “Siguro hindi na lingid sa kaalaman mo kung bakit kami naghiwalay, right..”

Isang tango lang ang isinagot ko.

Nagpatuloy siya. “Lucas.. I’m falling for somebody else. Close friend niya. Ayoko masira ang friendship nila nang dahil sa’kin. Unfair para kay Jayson na ipagpatuloy pa naming ang meron kami samantalang lihim akong nagkakagusto sa kaibigan niya. That just doesn’t seem right.”

“Do I know him?”

Nakatingin lang siya sa akin.

“Tell me Kath.. Kilala ko ba siya?”

“It would be better for you not to know. Magiging komplikado lang ang lahat, believe me.”

Ang saklap lang. Wala akong maisip na kaibigan ni Jayson o kaibigan namin na pwedeng magkaroon ng feelings itong si Kath. Hindi maaaring si Mark at Henry, chickboy ang mga ‘yon. Hindi gano’n ang type ni Kath sa isang lalaki.

Nagulat ako ng kinurot niya ako sa pisngi. “Masyado na tayong seryoso. Nakatulala ka pa diyan. Ngumiti ka naman.”

Kanina lang ang lungkot ng hitsura niya tapos tumatawa na siya bigla ngayon.

"Aray. Sadista ka din pala. Baka lumaki na pisngi ko niyan."

"Gusto mo ilong naman?"

I grimaced at the thought. "Dun ka na ulit kay Jayson. Bagay talaga kayo. Tsss."

“Talaga? Okay lang sa’yo?” Ngumiti siya. Hindi ko mabasa ang ngiti na ‘yon. Parang nanunukso na ewan.

Parang may panghihinayang?

Grabe. Silang dalawa ang magiging dahilang ng pagkamatay ko. Ugh.

Bestfriend BROmance (Tagalog BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon