Chapter 14

5.8K 54 36
                                    

Chapter 14

~Jayson's POV~


Unang gabi ng burol ng tatay ni Kath.Inaantay ko ngayon si Lucas dito sa carpark ng Rolling Hills Memorial Chapels, nakaupo sa unahan ng kotse ko habang nakahalukipkip ang mga kamay. Kanina ko pa inaantay na gumabi. Pagkagising na pagkagising ko kaninang umaga sa kwarto ni Lucas ay pumunta agad ako rito para samahan si Kath. Ang bigat ng nararamdaman ko. Nakakapagod. Nasa tabi lang ako ni Kath buong araw, dinadamayan siya. Ngayon, gusto ko naman maramdam ang pagdamay ng isang kaibigan.

Maya-maya, nakita ko si Lucas, naka-maong pants at white polo shirt, sakay ng itim niyang motor papasok dito sa carpark. Bumusina siya ng dalawang beses nang madaan sa harap ko tapos dumeretso na siya sa dulo ng carpark kung saan pinapark ang mga motor. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at sinundan siya.

"Buti 'di ka naligaw," sabi ko sa kanya nang makalapit na ako.

Hinubad niya ang suot na helmet, kinuha 'yung supot na nakasabit sa manibela saka iniabot ito sa 'kin. "Alam ko 'di ka pa kumakain." Tapos bumaba na siya sa motor.

Tiningnan ko ang label ng plastic. Jollibee. Sinilip ko ang laman. 1 pc chicken, hash brown burger, large fries, sprite. Napangiti ako. Siguro unang ngiti ko ngayong araw.

"Kain na. Bilis," nag-aapura niyang sabi.

"Oo na po. Oo na," nagpakawala ako ng mahinang tawa tsaka kinuha ang carton na naglalaman ng 1 pc chicken sa loob ng plastic. Umupo ako sa upuan ng motor niya at nagsimulang kumain.

Walang imik na pinanood lang ako ni Lucas habang kumakain. Siguro naaawa siya sa kalagayan ko ngayon. Buti na lang walang masyadong tao rito sa parking lot tsaka hindi rin masyadong maliwanag.

"Si mama?" tanong ko sa pagitan ng pagkagat ng hash brown.

"Pupunta 'yon dito mamaya kasama si mommy, si kuya tsaka si jenny." Kumuha siya ng ilang piraso ng fries saka isinubo ito sa bibig niya.

Uminom ako ng sprite. Tapos na akong kumain. Medyo gumagaan na pakiramdam ko. At least nandito na si Lucas sa tabi ko, tas sina mama, tita at ang mga kapatid ni Lucas dadating na maya-maya.

"Si Mark at Henry hahabol din mamaya.Si Benjo naman sa susunod na araw pa, may nilalakad lang ngayon," patuloy ni Lucas.

Sa halip na tumugon at magpasalamat, inakbayan ko na lang si Lucas. Kahit 'di ko sabihin sa kanya, alam kong alam niyang nag-uumapaw ang pagpapasalamat ko sa kanya ngayon.

"Gusto mo nang pumasok?" tanong ko.

"Teka, busog ka na ba?"

Tumango ako tsaka tipid na ngumiti. "Ang sarap nu'ng hash brown."

"Sa 'kin dapat 'yon, e."

"Haha. Adik. Sana dalawa binili mo."

"Kulang ang pera ko. Ibili mo na lang 'ko mamaya pag-uwi natin."

"Sure, sure.." niyugyog ko ang balikat niya. Ang swerte ko talaga sa best friend ko. "Tara."

Naglakad na kami papunta sa loob ng chapel. Nauuna ako ng kaunti kay Lucas. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala kay Kath. Parang matagal ata akong nawala sa tabi niya. Baka umiiyak na naman 'yon.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Lucas sa kanan kong balikat. "Ayos lang ang lahat," sabi niyang parang alam kung ano ang iniisip ko.

Nang makarating kami sa chapel, agad na hinanap ng mga mata ko si Kath. Nasa harap lang siya kanina sa kabaong ng tatay niya nang iwan ko siya para salubungin si Lucas. Marami ng mga tao. Mga kamag-anak, girl friends ni Kath, orgmates, classmates tsaka parang mga kaklase niya noong high school nandito rin. Sana lang wala rito 'yung bading na ipinalit niya sa 'kin. Ayoko manggulo.

Bestfriend BROmance (Tagalog BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon