~Lucas's POV~
Tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto. Nakakasilaw.
Nagtalukbong ako ng kumot at sinubukan ulit ang matulog. Ayaw kong bumangon. Masarap talaga matulog kapag Sabado ng umaga. Walang pasok, hindi kailangan gumising ng maaga. Pwedeng-pwede matulog abutin man ng tanghali.
At saka ayokong harapin ang araw na ito. Gusto kong magkulong sa kwarto at parusahan lang ang sarili ko.
Hindi ako 'yung tipo ng tao na nagmumukmok sa isang tabi at iniisip ang mga problema sa buhay. Ako 'yung seryoso pero hindi emo. Isa lang talaga ang kahinaan ko -- si Jayson.
Maraming beses na itong nangyari. Maraming beses na siyang nabigo sa pag-ibig pero ngayon lang nangyari na ako ang naging dahilan ng pagkabigong 'yon.
Isa akong masamang kaibigan.
"Hoy, bok. Bumangon ka na nga diyan. Ang tamad-tamad mo. Wala kang kwentang anak. Tulungan mo naman ang mommy mong maglinis ng bahay, magluto tsaka maglaba. Sabado ngayon, ano ba naman 'yan!"
Sabado nga pala. Walang Sabado na hindi kami magkasama nitong si Jayson. At heto siya ngayon, nambubulabog na naman sa mahimbing kong pagtulog. Bakit ba sunod ng sunod sa'kin ang lalaking ito? Pµcha talaga oh.
Hindi ako tumugon, bagkus ay lalo ko pang hinigpitan ang pagkakatalukbong ng kumot.
"Ayaw mo gumising ah.."
"Pakshet, Jayson!" Napasigaw ako sa pagkagulat. Hinila ni Jayson ang kumot mula sa pagkakatakip sa'kin. Mabuti na lang at nakahawak ako ng mahigpit sa kumot kaya hindi niya tuluyang nahila lahat. Naalala kong briefs lang ang suot ko.
"Hahaha," tumawa siya ng parang adik.
"Taena mo! Ang sarap-sarap ng tulog ko eh," reklamo ko. Hindi ko na napigilan ang mapamura sa kakulitan niya.
"Ang aga-aga, init na agad ng ulo mo. Nagmumukha ka ng matanda!"
"Ako matanda? Baka ikaw. Malapit na birthday mo. Mas matanda ka na ng isang taon sa'kin."
Bigla siyang umupo ng pabagsak sa kama. Parang lumindol lang. Hindi na tuloy ako inaantok
"Hoy masisira kama ko n'yan!"
"Eh sabi mo matanda na ako eh. Sisirain ko 'tong kama mo."
"Sige ka hindi ko dadalhin si Kath sa birthday mo."
"Oy wala namang ganyanan. Ano, bok, nagkausap na kayo?"
Gusto kong kagatin ang dila kong madaldal. Pahamak nga naman. Darn.
"Nahanap mo na 'yung lalakwe?" Pahabol niyang tanong.
Umiwas ako ng tingim at itinuon ang pansin sa kisame. "Nagkausap na kami. Pero ayaw sabihin kung sino."
"Kahit clue? Isang clue lang, bok, okay na 'yon. Ako na maghahanap. La naman kasi akong kilalang kakilala niyang bading eh."
Nagdalawang isip ako. "Wala eh."
Hindi siya sumagot. Narinig ko na lang na bumuntong-hininga siya.
"Bok, sorry..." Sabi ko.
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
"Sorry saan?" May pagtataka sa boses niya.
"Basta.."
"Oy ano na namang drama 'yan, bok? Baka panibagong lihim na naman 'yan ah."