Chapter 2: My Bestfriend Lucas
Jayson's POV
Nakakatawa ang mukha ngayon ni Lucas. Ang lakas talaga niyang kumain kapag fried chicken ang ulam. Kulang na lang pati buto ng manok kainin niya. Hehe. Nag-eenjoy talaga akong panoori siya kapag ganyan siya kaganadong kumain. Kaya naman nung nakita ko siya kaninang natutulog sa tabi ko, nagpaluto agad ako kay mama ng paborito niyang fried chicken.
"Uy Bok, maglalaro pa tayo mamaya. Kung makakain ka parang wala ng bukas ah!" Pabiro kong sabi.
"Eh ang sarap kasi magluto ni tita. Di ko mapigilan," parinig niya sa mama ko.
"Naku kain lang ng kain, Lucas. Tsaka ikaw Jayson hayaan mo na 'tong kaibigan mo. Bihira lang nito matikman ang specialty ko."
"Mama, ang mahal-mahal ng kilo ng manok ngayon tapos si Lucas lang makakaubos? Di ata ako makakapayag na di niyo pabayaran sa kanya ang mga kinain niya."
"Oy oy bok, pambayad 'to sa lahat ng pagkaing kinuha mo sa ref namin."
"Ganun? Wala naman laman lagi ref niyo eh! As if ah, bok. Haha"
Nakakatawa lang talaga asarin 'tong si Lucas. Mamaya mamumula na yan sa pagkapikon. Haha.
"Anong wala? Halos araw-araw na nga kung maggrocery si mommy dahil ikaw palagi nakakaubos ng laman nun! Tsaka di ka pa nagpapaalam sa lagay na un ah. Hahaha" Ganting asar sakin ni Lucas na tumawa pa ng malademonyo.
"Aaaray maa!" Sigaw ko.
Piningot kasi ni mama ang tenga ko.
"Hoy Jayson, totoo ba yun basta-basta ka na lang nangunguha ng pagkain sa kanila ng hindi nagpapaalam?"
Napasulyap ako kay Lucas. Parang nagpipigil siya ng tawa. Lagot ka sa'kin mamaya, bok!
"Ma.. Hindi naman palagi eh," sabi ko tapos sumubo ako ng kanin at kumagat ng manok.
"So totoo nga! Ewan ko sa'yo Jayson ha. Pupuntahan ko nga mamaya si Linda. Nakakahiya ang mga pinaggagawa mo sa kanila." Sabi ni mama na tumingin pa kay Lucas na parang nahihiya.
Yung Linda na tinutukoy niya ang mommy ni Lucas.
"Ayos lang yun, ma. Anak na din ang turing sa'kin ni tita Linda." I said.
"Asa ka, bok," pambabara ni Lucas sa'kin.
"Haha. Selos ka lang." Ako
Pagkatapos namin kumain, umakyat na si mama sa taas kasi matutulog daw siya ulit. Binilin niya sa'kin na ako daw ang maghugjs ng lahat ng pinagkainan.
Hatest ko yun-- ang maghugas ng pinggan. Ayoko kasing nababasa. Kaya nga isa din sa pinakahate ko ang maglaba.
Mabuti na lang nagprisinta si Lucas na siya na lang daw ang maghuhugas.
Yan ang bestfriend ko--Si Lucas. Ang bait 'no.
"Bok, bilisan mo malapit ng mag alas nuwebe." Sabi ko.
Ang kapal ko lang. Siya na nga itong tumulong sa'kin, pinapamadali ko pa siya. Hehe.
Gusto ko lang kasi asarin yang bestfriend ko.
"Bok, kapal mo talaga!" Sabi niya.
"Oo na ang gwapo ko talaga, bok. Haha." Natatawa kong sabi tapos pumunta na akong living room at ini-on ang ps3 para maglaro.
Makalipas ang ilang minuto, tumabi sa pagkakaupo sa sahig si Lucas sa'kin at kinuha ang joystick para sa 2nd player.
"Parang walang hang-over ah," si Lucas.