Chapter 6

5.8K 41 5
                                    

~Jayson's POV~

Nakipag-high five si Lucas kay Mark pagkatapos ng ginawa niyang three-point shot. Naglalaro din pala si Mark at Henry. Magkakampi sila. Lalo tuloy akong nabubuset. Aamp!

Pinagpapawisan si Lucas. Seryoso ang mukha at nagsimula ng tumakbo papunta sa kabilang court para sa depensa dahil nasa kabilang team naman ngayon ang bola. Mukhang nasa twenty pataas na ang edad nung mga kalaban nila. Mas malalaki ang katawan tsaka mukhang magaling din magbasket. Seryoso ang mukha ni Lucas pero alam kong nag-eenjoy siya sa laro. Ganitong laro ang gusto niya. Yung tipong nachachallenge siya. Hindi na ako nagtataka kung bakit tinitilian siya ng mga babae dito ngayon. Lalo kasi siyang gumagaling kapag magaling din ang kalaban. Ang mokong talaga ni Lucas. Hindi man lang ako niyayang maglaro. Sabado ngayon. Walang pasok. Dapat isa ako sa mga naglalaro. Takte. May tumitili na din sana para sa akin ngayon.

Matamlay akong nakaupo sa bleacher. Ang iingay ng mga katabi ko, ako lang ang tahimik. Wala eh. Badtrip. Nakakapanibago lang na pinapanood ko si Lucas na naglalaro. Nasanay akong kalaro ko siya. Ka-pasahan ng bola, ka-assist, ka-high five sa loob ng court.

"Foul! Foul yun di ba pre!"

"Ha?" Hindi ako nakapagconcentrate sa panonood dahil sa mga naiisip ko. "Anong nangyari?"

"Si Lucas tol siniko! Kanina pa siya binabantayan ng player na yun. Ang dumi maglaro."

Tinuon ko na atensiyon ko sa larong nagaganap. Hindi ko nakita ang pagsiko kay Lucas. Hindi rin naman napansin ng referree kaya tuloy lang ang laro. Na kay Lucas ang bola. Mahigpit na nakabantay-sunod sa kanya yung lalaking sinasabing madumi maglaro. Hindi maipasa ni Lucas ang bola kay Mark kasi may mahigpit din na nagbabantay dito. Mabilis siyang tumakbo palapit ng ring kaya nahuli sandali yung humahabol sa kanya. Tinangka niyang maglay-up pero mabilis kumilos yung center ng kalaban. Sabay silang tumalon. Nahagip siya ng siko nito ng akmang ishoshoot na niya ang bola. Tinamaan siya sa mukha. Bagsak.

"Prroot!" Pumito ang ref. "Foul!"

Napasigaw ang mga babae, Hiyawan naman ang mga lalaki. Mararamdaman mo ang concern nila para kay Lucas. Kakainggit. Ang dami talagang humahanga sa loko.

Tinulungan si Lucas ni Mark na makatayo. Mukhang ayos naman ang lagay niya. Medyo nakangiwi lang siya ng konti habang hinihimas-himas yung baba niya. Nakita kong humingi naman ng sorry yung naka-foul sa kanya.

Pumagitna na si Lucas sa free-throw line. Ang mga kakampi at kalaban ay nakalinya na para sa rebound. May tatlo siyang free throw. Dapat ma-shoot niya lahat para mahirapan ng makahabol ang kalaban.

"Kyaaah!" Sigaw ng mga babae. Ang lalakas tumili. As expected, pumasok lahat ng ginawa niyang shot.

Mabilis na natapos ang laro. Puro ata si Lucas ang nakapuntos pagdating ng fourth quarter. Ayun. Natambakan ang kalaban. Panalo sila.

Kahit di ako nakasali, masaya pa din kasi nanalo sila. Iisipin ko na lang na maganda pa rin ang araw ko dahil sa nangyari kaninang umaga. Haay namimiss ko si Kath.

"Oy bok. Galing ah! Congrats!" Bati ko kay Lucas. Lumapit ako sa kanila ng medyo wala ng tao sa paligid.


~Lucas' POV~


"Sa bahay tayo. Libre ko tanghalian niyo."

"Ay Mark huwag na lang. Baka kung ano pa ipakain mo sa amin."

"Baka panis pa."

"Or worse, baka tira-tira lang ipakain satin niyan."

"Pagkaing baboy!"

"Oy hindi naman.." Sabi ni Mark. "Dog food ang ipapakain ko. Mahal yun."

"Hahaha."

Hinubad ko ang jersey ko at nagpunas ng pawis. Katatapos lang ng game. Panalo kami. Nagyaya si Mark na dun kami sa bahay nila kakain tsaka magcecelebrate. Ang lagay eh puro pang-aalaska pa inabot niya. Kakatawa naman.

Bestfriend BROmance (Tagalog BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon