Chapter 13
~Jayson's POV~
Akala ko hindi na niya ako pupuntahan. Nagdadalawang-isip pa nga ako kanina kung itetext ba siya. Nakakahiya kasi. Umalis ako kanina nang walang paalam tas tatawagin ko siya ngayon para may mapagsabihan ako ng problema.
"Wala na ang tatay ni Kath."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Lucas sa balikat ko. Parang sinasabi niyang magpakatatag ako.
"Kumusta na siya?" Tanong niya.
Umiling ako at nagpakawala ng isang mahabang buntong-hininga. "Hindi maganda. Nag-iisa na lang siya ngayon sa buhay."
Mag-isang pinalaki at inaruga ng tatay niya si Kath. 'Yung nanay niya namatay pagkapanganak sa kanya. Kaya rin siguro mas minahal ko siya kasi magkasundo kami, parehong only child.
Naaalala ko nu'ng unang beses akong pumunta sa bahay nila nang hindi nalalaman ni Kath. Napagkamalan ko pa si tito na lolo niya. Nakakahiya 'yun. Buti na lang ang bait ni tito, sobra. At ngayong wala na siya, para na rin akong namatayan.
Tumungo ako ulit. Naiiyak na naman ako. Nahihiya na ako kay Lucas. Pang-ilang beses na ba niya akong nakitang nagkakaganito? Tinanggal niya ang pagkaka-akbay ng kamay niya sa balikat ko saka itinuon ang mga paningin sa kawalan na nasa harap namin.
"Nasasaktan siya ngayon. Nahihirapan ako... Bok, mahal ko talaga siya." Patuloy ko.
Silence.. Naninibago ako. Kadalasan 'pag nagdradrama ako nang ganito, sinasabihan niya ako ng comforting words. O kaya aasarin niya akong napakaiyakin ko para matawa ako. Ganyan naman si Lucas.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo saka naglakad papunta sa direksyon ng bahay nila. "Hoy, bok! Sa'n ka pupunta?" Tawag ko.
"Kuha lang ako ng bola. Ibasket natin 'yang problema mo." Sagot niyang hindi man lang lumilingon.
"Hirap na hirap ako dito nakakapag-isip ka pang magbasket. TAE naman oh!" Dumampot ako ng bato sa gilid ko tsaka binato ito sa direksyon niya.
Napahinto siya sa paglalakad. Kita ko kung paano niya ikinuyom ang mga kamao niya. Hindi naman siya tinamaan ng bato, bakit siya magagalit? Ibinaling ko na lang ang mga paningin ko sa harap ko, kumuha ulit ng maliliit na bato tsaka isa-isang ibinato.
Sh.t sh.t sh.t! Bawat hagis ng bato ay sinasabayan ko ng mura sa aking isipan. Kung kelan mas kailangan ko ng kaibigan. Kung kelan mas kailangan ko ang atensiyon niya.. Asar.
"Tayo."
Napatingala ako. Seryosong-seryoso ang mukha niya habang nakatayo sa tapat ko. Sanay ako na seryoso siya pero ngayon ko lang narinig sa kanya ang ganoong tono ng boses, nang-uutos.
Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay kumuha ulit ako ng maliliit na bato. Hindi. Damo naman ang nahagip ng mga kamay ko ngayon. Sh.t sh.t sh.t.
"Tumayo ka diyan." Sinipa niya ako nang mahina sa hita.
Tiningnan ko siya nang masama, "kung ayaw mo 'kong damayan, umalis ka na lang." Tumigil ako sandali tas nagsalita ulit, "yeah, right. Kung sawa ka na, iwan mo na ako!"
Napatayo ako bigla nang basta-basta na lang niyang hinigit ang suot kong t-shirt. Napapikit ako nang makita ang kamao niyang nakaamba ng suntok sa'kin. Napaatras ako nang kaunti saka napapikit.
Lumipas ang ilang segundo, wala akong suntok na naramdaman. Idinilat ko ang mga mata ko saka dahan-dahang tiningnan si Lucas. Bumungad sa 'kin ang mamasa-masang niyang mata at ang nakakuyom na kanang kamao na nakatutok pa rin sa pagmumukha ko. Umiwas ako ng tingin, nagpapanggap na walang nakita.
"Ano ba'ng dapat kong gawin, Jayson? Palagi naman kitang dinadamayan." Humigpit pa ang pagkakahigit niya sa may kwelyuhan ng t-shirt ko. "Magpakatatag ka nga! Kung gusto mong matulungan si Kath sa pinagdadaanan niya ngayon, maging matibay ka. Huwag kang umiyak diyan na parang babae. Hindi 'yan makakatulong sa kanya kung 'yan ang makikita niya!" Binitiwan niya ako saka tinulak nang mahina sa dibdib.
Wala akong masabi. Bawat salitang pinakawalan niya tumatama sa 'kin, sinusundot ang kunsensiya ko.
Mahabang katahimikan ang sumunod na bumalot sa paligid. Tahimik talaga dito sa village namin kapag ganitong oras, pero ngayon ko lang naisip na sana naging maingay na lang dito.
"Eh sa mahina talaga ako eh.. " Saad ko na hindi alam kung ano'ng tono ng boses ang gagamitin. I just did it. I hit a nerve.
We just stood there for a moment or two. Nakatuon ang paningin ko opposite kay Lucas. Nakokonsensiya ako. Si Lucas na palaging nandiyan para sa 'kin ay pinagsalitaan ko ng ganu'n. Sa peripheral vision ko, kita kong nakatitig lang siya sa'kin. Bigla ko tuloy hiniling na sana mamatay ang mga ilaw sa poste. Ayo'kong makita niya ang mga luhang nagbabadya na namang lumabas sa mga mata ko.
"Uy... bok, tama na.." Hinawakan niya ang braso ko tsaka niyugyog ito nang mahina.
"Sapakin mo 'ko. Tuloy mo na."
"Hindi. Nasaktan lang ako. Pero okay na."
"Ga.go ko lang."
"Naiintindihan naman kita. Huwag ka nang umiiyak. Tama na bok."
"Sorry.."
"'Hindi na ako galit."
"Salamat bok.." Tiningnan ko siya sa mata. Sa wakas okay na. Baka 'di ko na kayanin 'pag nagalit talaga siya sa'kin nang tuluyan.
"Ang drama mo talaga." Ngumiti siya. Ngiting nakakagago.
Binigyan ko rin siya ng parehong klase ng ngiti. "Adik!"
"Du'n ka na sa'min matulog ngayon."
Nagulat ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. "Sige.."
Nagpahila lang ako kay Lucas habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.. Kung normal lang ang mga pangyayari, ako sana ang nauuna ngayon habang siya naman ang nakasunod. Tsaka unang beses 'to. Unang beses na hinawakan niya ang kamay ko. Kadalasan kasi inaakbayan niya lang ako 'pag dinadamayan niya ako.
"Bok," Mahina kong tawag sa kanya.
"Ano?" Tanong niyang hindi man lang ako nililingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Lamig ng kamay mo."
"Huh?"
"Puro ka huh at ano. Ang sabi ko ang pawis ng kamay mo. Kadiri. Haha." Biro ko sa kanya.
"Eh 'di hilahin mo kamay mo. Nagpapahawak ka naman. G.ago mo rin."
"Ayaw. Best friend kita eh."
Hindi siya sumagot. Hinila ko ang kamay niya, "bilis mo maglakad. Dahan-dahan lang."
Parang robot na automatic naman na bumagal ang paglakad niya. Magkasabay na kami ngayon.
"Bok, lasing ka?" Tanong ko. Ang kulit ko na. Namumula kasi siya.
"Konti."
"Hindi mo na naman ako niyaya. Una sa basketball, ngayon pati inuman naman?"
"Hindi na mauulit. Umalis ka kasi bigla." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Sino naman kainuman mo kanina?"
"Si mestisong hilaw."
"Haha. Bago mo ng best friend si Benjo?" Tanong ko sa kanya. Nakatigil na kami ngayon sa tapat ng gate ng bahay nila. Magkaharapg
"Hindi. Ikaw lang naman, Jay.. Importante ka sa'kin. Hindi kita ipagpagalit."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero masaya ako sa sinabi niya. Nakakagaan ng loob.