~Lucas's POV~
"Talaga? Okay lang sa'yo?"
Tumalon ako, ni-release yung bola. Jumpshot. Pumasok.
Naiisip ko ang ginawa naming pag-uusap ni Kath kanina.
"Okay lang sa'yo bumalik ako kay Jayson? Masasaktan lang siya.."
Tumakbo ako palapit sa ring. Layup. Pumasok ulit.
"May gusto na akong iba.." Ipinatong niya ang kaliwa niyang kamay sa kamay kong nakalagay sa lamesa.
Nagdribble ako, mabilis. Tumakbo ako paikot ng court, mabilis.
Sabi niya hindi niya sasabihin sa'kin kung sino ang nagugustuhan niya..
Nasa labas ako ng three-point arc. Inangat ko ang bola sa may ulunan ko gamit ang kanang kamay, habang ang kaliwa ay nakasuporta sa gilid ng bola. Nanginginig na ishinoot ko ang bola. Sumablay. Hindi man lang umabot sa ring, pati sa backboard-- airball.
F*ck it! Bakit niya pa hinawakan ang kamay ko? Tama siya, it would only make matters worse if I knew who he was. At ngayong alam ko na, 'di ako makapag-isip ng matino. Naiipit ako sa sitwasyon.
Kinuha ko ulit 'yung bola. Nag-dribble ako.
Nasa court ako ng village namin naglalaro ng basket mag-isa. Nakagawian ko ng gawin 'to kapag may dinadamdam akong problema. Para sa'kin, therapy ang basketball. Madalas si Jayson ang kasama ko sa mga ganito kong drama, pero sa pagkakataong ito hindi ko siya inaya. Isa siya sa prinoproblema ko ngayon. Ang gulo. Naguguluhan ako.
"Talaga? Okay lang sa'yo?"
Okay nga lang ba sa'kin magkabalikan si Kath at Jayson? Paano kung si Jayson ang nagtanong sa akin ng ganu'n?
"Talaga, bok? Okay lang sa'yo makipagbalikan si Kath sa'kin?"
Napatigil ako sa pagdribble. Napahinto ako sa paghinga. Parang dumadagundong ang tinig ni Jayson sa isipan ko. Hindi ko matanggap ang mga pangyayari. Bakit kailangan mahulog ni Kath sa'kin? Taena naman oh! Buong akala ko makakaya namin 'to, pero ngayong nalaman kong ako pala ang dahilan ng pinagdadaanan ngayon ng bestfriend ko, hindi ko na alam..
Pero makakaya ko nga bang ipaubaya ulit si Jayson kay Kath?
Nagising ako sa kinatatayuan ko nang biglang may umagaw ng bola mula sa pagkakahawak ko dito. I was caught off guard. Masyadong malalim ang iniisip ko kanina kaya hindi ko namalayan na may lumalapit na pala sa akin.
Nagdribble ang lalaki papunta sa ring at nag-layup. Pumasok.
"It's been a long time since I last played basketball. One-on-one?" Kinuha niya ang bola tsaka ipinasa ito pabalik-balik sa kaliwa't kanang kamay.
"In your jeans?" Nagtataka kong tanong. Nakasuot kasi siya ng jeans at sneakers. "You can't be serious."
Narinig ko siyang tumawa. "Oh, right. But what the hell, yakang-yaka pa rin 'yan."
"If you say so.." I shrugged. Hindi na bago para sa'kin ang hamunin maglaro ng basket ng kahit na sinong random na tambay. Sanay na ako.
Ipinasa niya ang bola sa'kin, chest pass. May puwersa ang pasang 'yon, kaya nagkaroon ako ng kutob na hindi lang siya isang puchu-puchung manlalaro.
At nagsimula na ang game. Alam kong dehado siya sa laban dahil sa suot niya pero nagulat ako at nagagawa niya pa ring sumabay sa'kin. Nakakatakbo pa rin siya ng mabilis. Astig.