Chapter 15

8.4K 126 139
                                    

Chapter 15

~Lucas' POV~

Naaalala ko pa iyong araw na bigla na lang sumugod sa kwarto ko si Jayson. Nasa kwarto ko ako noon, naka-indian sit na nakaharap sa tv habang naglalaro ng paborito kong nilalaro dati sa playstation ko, ang Prince of Persia.

One month. Ganoon pa lang kami katagal naninirahan sa village na iyon noong mga panahong iyon. At sa isang buwan na iyon, marami ng nangyari sa pagsasamahan namin ni Jayson bilang bagong magkaibigan, magkalaro, at magkapitbahay. Maraming masasayang trip at kaweirduhan na kaming nagawa, pero ang araw na iyon ang maituturing kong isa sa pinaka-importanteng araw ng pagiging magkaibigan namin.

--------------------------------------------------

"Bros before hoes!"

Hindi na ako nagulat nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at iniluwa nito ang sumisigaw na si Jayson. Nasanay na ako. Sa isang buwan ko dito sa bago naming tirahan, walang araw na hindi siya pumapasok sa kuwarto ko. Minsan nagdadala siya ng pagkain, minsan naman nagdadala ng bola para ayain akong magbasket, saka may mga pagkakataon din na nagdadala siya ng mga bago niyang playstation cd’s na padala ng papa niya galing abroad.

"Huy, ang sabi ko bros before hoes," sabi niya sa tonong naiinip. Umupo siya sa tabi ko saka kinuha iyong joystick na hawak ko.

Liningon ko siya para tumigil na sa pangungulit at makapaglaro na ako ulit. "Bagong laro ba iyon?"

"Hindi, adik!” asar niya sa akin sabay bigay ng isang mahinang batok sa ulo ko.

“Aray! Kailangan may gano’n?” sigaw ko.

“Mukha mo kasi, may drool marks pa! Hahaha!”

Potek, ba’t hindi ko man lang napansin?

“Madaling araw ka na namang gumising, ano? Isusumbong na kita sa mommy mo para ibigay na sa akin iyang playstation mo!”

“Asa ka lang, ‘tol!”

“Pusanggala, tumigil ka. Baho ng hininga mo!”

“Gano’n? Gusto mo sipain kita palabas ng bahay namin?”

Inakbayan ako ni Jayson. “Haha. Ha ha. Biro lang, Lucas. Ito naman. Hehe.” 

“Loko mo talaga. O, anong meron at an aga-aga mo ngayon? Anong Bros before hoes?”

“Mangako ka muna sa akin na hindi ka tatawa.”

Bumuka ang bibig ko pero wala akong maisip na sasabihin. Anong kalokohan ba ito?

“Mangako ka,” niyugyug niya ang balikat ko.

“Oo na. Oo na. Spill!”

Inalis niya ang mga kamay niya sa pagkakaakbay sa akin saka lumapit sa may kinalalagyan ng ps2. Nai-imagine kong may usok na lumalabas sa tenga ko nang makita ko ang ginawa niya. Walang basta-bastang kinuha niya ang cd kong prince of Persia at pinalitan ito ng Naruto. Pakshet, hindi man lang si-nave ‘yung nilaro ko!

“Ahm.. Naisip ko lang.. kung magiging best friend kita, dapat may kasunduan tayo."

Biglang lumamig ang ulo ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi pa ako nagkaroon ng best friend dati. Hindi ko rin kailanman naisip na magkaka-bestfriend ako. Siguro close friend, pero best friend? Kasunduan? Bros before hoes?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend BROmance (Tagalog BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon