Chapter 5

8 1 2
                                    





Maingay, mausok, magulo, madaming tao. Yang ang sumalubong sakin pag pasok ko sa Bar na madalas kong puntahan. After ng pagkikita namin kanina ng mga kaibigan ko dito ako dumiretso. I cancel the dinner with dad. I want to be alone, Gusto kong uminom hanggang sa mawala yung sakit. At dito ako dinala ng mga paa ko. Akala ko wala na yung sakit, akala ko okay na ko. Akala ko lang pala.




"Whooaaa, look who's here. I never thought na umiinom ka pala." Naningkit ang mata ko ng marinig ko ang boses na yun. Wtf?!




"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me iniistalk mo ko?!" After I said those worlds humagalpak siya ng tawa. Halos pag tinginan na kami dahil sa tawa niya.



"What's funny?!"




"You think na iniistalk kita? For your information Miss Dorothy, ako lang naman ang may ari ng bar na to. Yang upuan na inuupuan mo? Akin yan, yang baso na hawak mo? Akin din yan." I zipped my mouth after hearing his statement. Sakanya to?! I rolled my eyes to him, hindi ko na siya pinansin. Umpisa palang ng araw ko siya na nakita ko, pati ba naman sa pag tapos ng araw ko? Very nice. Hmmmp!




Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at tinitigan ko. "Mag isa ka? Where's your friends?"




"Ano naman sayo? Pwede ba, Leave me alone!" Nilagok ko ang alak na nasa harap ko.




"Alam mo, hindi ko maintindhan eh. Bakit ba inis na inis ka sakin? Ano bang nagawa ko sayo?" Napatingin ako sakanya.




"Hindi ko nga din alam eh, basta ang alam ko nakikita ko lang ang mukha mo naiinis na ako. Ang yabang mo kasi! Porket gwapo ka?!" Napatikom ako dahil sa sinbi niya, seriously Dorothy? Sinabi mo un! Ugh, stupid mouth!




Ngumiti siya ng napakalapad. Okay, ngayon lang. Ang gwapo niya! "So inamin mo din na gwapo ako? Sabi ko na nga ba e, naggwapuhan ka din sakin." Gwapo nga, saksakan naman ng kayabangan.




"Tsss. Hangin!" Muli kong nilagok ang alak sa harap ko. Nakita kong umiling iling si Anthony.




"Huluan ko. Lalaki yan no?"




"What?"




"Lalaki yang dahilan bakit ka andito no? Care to share?" So gay.




"Huh! Close ba tayo?"




Tumawa siya. "Come on, hindi bagay sayo dito. Tara, I know one place na mapapagaan yang pakiramdam mo." Bigla niyang hinawakan ang wrist ko at hinila. I don't know kung bakit ko hinahayaang sumama sakanya. Mukha naman siyang harmless eh, pero mayabang talaga.




Sinakay niya ko sa motorbike niya, wth?




"Seriously? Papasakayin mo ko dito? Nasisiraan knb? Pano pag nalaglag ako dito?"




"Will you just shut your mouth Dorothy? Trust me okay, masaya dito." Sinuotan niya ko ng helmet at ganun din siya, in just a minute pinaandar niya na. Omygee!! I'm wearing dress for pete's sake.




"Hindi kaba kakapit? Sigurado k?" Rinig kong sigaw niya.




"Ahm no, okay na ko sa ganto." Nakahawak lang ako sa laylayan ng leather jacket niya. Hindi ko lang feel dumikit sakanya. Hmp!




Love HurtsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant