"Hello?! What the hell Dorothy! Asan ka na ba? Kanina kapa namin hinihintay!" Inilayo ko sa tenga ko yung cellphone ko dahil sa sigaw ni Ands."Calm down okay, eto na paalis na ko ng unit. By 20mins anjan na ko."
Agad kong binaba ang phone pag kasabi ko nun, tinignan ko ang mga nakakalat kong gamit sa sahig. What the hell! Ngayon kasi ang alis namin papunta sa Resort na napag usapan, napasarap yung kwentuhan namin ni Anton kagabi, hindi namin namalayan yung oras. Ako naman ting si Loka loka, hindi pa nakakaayos ng gamit. Kaya ito, hindi ako mag kanda ugaga kung anong uunahin ko. Damn! Sumabay pa tong sakit ng ulo ko, alas dos na ng madaling araw na kasi kami nakauwi.
After 10mins na pag aayos, tumakbo na ako pababa ng unit. Oh please, sana naman wala akong naiwan. Alam kong nag wawala na ang mag kaibigan ko!
Pagbaba ko ng Unit nakita ko na kaagad na nak park yung taxi, kanina kse tinawagan ko yung security para hanapan ako ng taxi. Para hindi sayang sa oras.
"Manong, paki bilisan lang po ah." Tumango ang driver at nag simula ng patakbuhin ang taxi. Hindi na ako nag dala ng kotse, ang sabi kasi nila isang Van lang daw ang dadalhin namin.
After 15mins naka rating din ako sa Pent House, thank God. Walang traffic.
"Finally Dorothy, you're already here. Halos mamuti na ang mata namin kahihintay sayo!" Ands
"I'm so sorry guys, nalate kasi ako ng gising. Pero hayaan niyo na! Atleast diba dumating ako?" Pilit kong pinapagaan ang mood nila. Mga nakasimangot na kasi.
"Tama si Dorothy, let's just tale the remaining things inside the house para makaalis na tayo." Thank God for Frank.
Pumasok kami sa Pent house at kinuha yung mga gamit. Iniwan na namin sa Van si Marian, perks of being pregnant.
Paglabas namin ng Pent house sakto namang may tumigil na unfamiliar na kotse. Napatigil kami dahil inaabangan namin kung sino yung dumating. Napanganga ako, ng makita ko kung sino yung may ari ng kotse na yun.
"Anthony?!" Pasigaw na sabi ni Ands. Naka maong siyang short at navy blue na v-neck shirt. Ang gwapo niya, oo na! Mas lalo pang nag pa gwapo sakanya yung suot niyang shades.
"Bro, are you coming with us?" Rinig kong tanong ni Frank. Lumapit siya dito para salubungin ang pinsan niya.
"Mhmm, kung okay lang sainyo?" Nakangiti niyang sabi. Nako Lord, ba't kayo lumikha ng ganto ka gwapong nilalang.
"Oo naman Anthony! Walang problema, the more the merrier!!" Masiglang sabi ni Kathy
"Oo nga, tama si Kathy. May mabuting naidulot din pala ang pagiging late ni Dorothy, kung hindi dahil sakanya hindi mo kami maabutan." Nahiya naman ako sa sinabi ni Kella. Tsk!
"Oh, Anthony! Buti naman naisipan mong sumama. Akala namin hindi kana talaga makakasama eh." Ani ni Marian na lumabas sa Van na may hawak na malaking Chichirya. Inalis ni Anton yung shades niya, napa singhap ako. With or without shades ang gwapo! Pero halata sa mga mata niya ang puyat.
"Well, nakahanap na kasi ako ng Photographer. I don't have any problem, yun lang naman ang iniisip ko eh." Namula ako ng magkatitigan kami, jusko. Wag niyo pong hayaang mapansin ng mga kaibigan ko yung tinginan namin. Kilala ko tong mga to, konting kibot may malisya na.... Wala nga ba? Ays!
YOU ARE READING
Love Hurts
Teen FictionLoving can hurt Loving can hurt sometimes But it's the only thing that I know When it gets hard You know it can get hard sometimes It is the only thing that makes us feel alive -Photograph