Chapter 10

5 1 1
                                    




Next morning, maaga akong nagising. I have a lots of work to do. Kailangan kong matapos yun ngayong araw dahil bukas na ang alis namin. After I took a bath, agad akong nag bihis. Kailangan kong matapos ng maaga, wala pa kasi akong naaayos na gamit ko.

Ands decided na sa Pent house muna siya mag sstay, ayaw niya daw kasing makaistorbo sakin. Well kahit ganun yun never niya naman akong na istorbo no. Pero okay na din yun, wala kasing tao sa Pent house. Atleast kung andun siya may nag babantay.

After ng last look ko sa salamin, kinuha ko yung bag ko at yung envelope na nakapatong sa study table ko, I sighed.

After 30mins nakarating na ako sa office, maaga pa kaya wala masyadong traffic. Pag kapasok ko sa Building na pinag ttrabahuan ko, Natural na aura ang sumalubong sakin. Walang pinag bago

"Good morning Ms. Dorothy, long time no see po ah." Bati sakin ni Manong Edgard, Security ng Company na to.


"Good morning din po Manong Edgard. Oo nga po eh, nag kasakit po kasi ako."

"Ganun po ba? Okay naba kayo Ma'am? Ayy! Siya nga po pala, may nag papabigay nga po pala sainyo nitong mga to." Napakunot ang noo ko ng iabot sakin ni Manong Edgard yung paper bag, at isang malaking boquet.


Kanino galing to?


"Manong? Sino pong nag papabigay nito?" Ngumiti ng pag kalapad lapad si Manong bago sinagot ang tanong ko.

"Nako Ma'am, hindi ko po kilala eh. Basta Ma'am, gwapo siya! Matikas ang katawan." Kung hindi ko lang alam na may asawa to si Manong Edgard, aakalain kong bakla to eh. Tinignan ko yung Boquet ng Red Roses na hawak ko, may card! Agad ko itong kinuha at binasa.

'Good morning, Dorothy!
Don't forget to start your day with a smile..'

-Anton :)

Napangiti ako ng mabasa ko kung kanino galing yung mga Bulaklak.

"Uyy si Ma'am napangiti, sa boyfriend mo yan galing Ma'am no?" Napatingin ako kay Manong Edgard, loko.

"Ikaw Manong Edgard ha! Ang showbiz mo. Hmp!" Nag martsa ako papuntang elevator ng may ngiti sa labi. Bakit ba, Smile daw eh.

Nang makarating ako sa cubicle ko, agad kong binuksan yung paper bag na bigay ni Anton. May Fruits, Pancake, at coffee. Ano bang meron? Kinuha ko sa bag ko yung Cellphone ko at agad akong nag tipa ng message saknya.

Me: Thanks sa Flowers at Breakfast.

Wala pang two minutes ay nag reply na siya, wala ba tong trabaho at hawak niya lang palagi ang cellphone niya?

Anton: You're always welcome Dorothy, by the way. Kainin mo yang breakfast ha! Alam ko namang hindi ka kumakain pag aalis ka ng Unit mo eh :)

How did he know?

Me: Opo sir! Wait, wala kang shoot?

Anton: Wala, kakatapos ko lang mag gym. Alam mo naman I'm still looking for a Photographer.

Napatingin ako sa envelope na nakalapag sa mesa ko ng mabasa ko yung message niya.

Me: Don't worry makakahanap ka din :)

Anton: I hope so. Sige na, work kana. Have a nice day Dorothy! :)

Hindi na ko nag reply sakanya. Agad ko ng sinimulan ang trabaho ko, nag sisisi nga ako kung bakit umabsent pa ko ng ilang araw. Tsk! Tambak ang paper works ko.

Love HurtsWhere stories live. Discover now