Chapter 1 The Gig

18.5K 265 70
                                    

Chapter 1 The Gig

Hindi ko alam kung malas ako ngayon o isa sa mga kasama ko may balat sa pwet. One week before, ayos na schedule ko pero biglang ngkandaloko-loko nung umaga. Umpisahan ba naman na magresign ang P.A. ko, sundan nang pagkasira ng bass guitar ko. Hindi problema sakin ang pero kaso ngerror ung POS ng cashier nung mgbabayad na ko thru Debit card. Buti pinahiram ako ng barkada ko. Tapos ito naman ngayon malalate kami sa gig. Buti na lang may student license ako para makapagdrive. Pano pa kung hindi ako magddrive sigurado mas malala ang aabutin namin. Pag si Mang Felix pa nagdrive baka bukas na kami makarating. Hay nako, ang hirap talaga pag full ang schedule. Mamaya masesermunan pa ko ni Mama. Asar talaga!

“Oh Sh*t!” Binusinahan ko ng malakas ang babae na ngayon ay nasa harap na ng kotse at pinabababa ako. Pag talaga minamalas ka. Nagmamadali na tska pag magsasabay sabay  ang mga abala sa mundo!

“I’m a pedestrian, am I not?!” Wow umi-english pa tong mestisang hilaw na toh. Kung di ko pa alam magwagwapuhan din toh sakin lalo na parang magka-age lang kami.

“Hoy Miss nagmamadali ako, bigla ka na lang kasing tumawid! Bibilisan mo kasi maglakad. At pwede ba, wag ka mag-english dito! Pinas po ito!” Haha kala mo kung sino pa-english English pa! Maganda sana kaso mukhang maldita. Tsaka wala akong panahon mamababae ngayon kailangan ko umabot sa gig.

“Ah ganon?! So kasalanan ko? Nasa pedestrian lane ako. Nakayellow signal na yung traffic light didiretso ka pa din?! Tapos ako pa ngayon may kasalanan?!” Aba at nakapamewang pa talaga. Infairness naman maganda sya nakakaasar nga lang.

“Miss, hindi naman naka-red. So wala pa kong violation. Bigla ka na lang lumitaw kasi jan ang bagal mo pa maglakad. Teka pulis ka ba?! Pati traffic rules sasabihin mo pa sakin.” Di ko na mapigilang mapakunot noo. “Taas kasi ng heels ayan tuloy..” Pabulong  ko sinabi pero sinadya ko talagang madinig nya.

“Anong sabi mo?! Gusto mo sapatusin kita jan ha!” Inambaan pa ko ng tadyak.

“Ops, teka wag mong gagawin yan magkakademandahan tayo. Baka hindi mo kilala kung sino ko. Ako si DJ Padilla… Daniel John PADILLA!” Pananakot ko. Mukhang may pagkabayolente si Miss ganda.

“So?! Ano naman ngayon?Wala akong pakialam kung sino ka mang John 3, 16 ka!” Nakahalukipkip pang sabi nya. Siguro turista toh parang walang alam sa pilipinas.

“Ayan! Green light na tuloy! Kainis ka nagmamadali pa naman ako! Jan ka na nga.. Bwiset!” Nagmamadali na syang tumakbo para maghanap ng ibang daan. Bumalik na lang ako sa kotse ko dahil bumubusina na yung nasa likod ko at tinatawag na ko nang mga tropa ko.

“Pambihira. Sino kaya yung babaeng yun. Astig parang tigre! Kahit si Mama di ganun katindi magalit.” Nasabi ko sa sarili ko habang pinaharurot ko na ang kotse parang umabot sa event namin.

“Pare, gandang chix nun ah. Kala ko gawa sa silk ung balat!” Kinanatywan pa ko nang mga toh malalate na nga kami babae pa din nasa isip.

~~~

“DJ kanina ka pa hinahanap nang mama mo.” Binulungan ako ng isa sa event staff pagdating na pagdating ko sa venue.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon