Chapter 4 Brand New Job

11.3K 194 30
                                    

Chapter 4 Brand New Job

“ARAAAAAYYYYYYYYYYYYY!!!” Mababali yata ang kanang braso ko sa pagpilipit ng isang babae sa gilid ko habang mahigpit na hawak nya yung kamay ko.

“Yan ang bagay sa inyong mga flirt kayo! Sakin si DJ at ayokong may mga asungot na umeepal sa kanya! Ganyan ang mapapala ng lahat ng nagpapapansin sa kanya!” Sinigawan pa ko ng matangkad na babae na tumatayong leader nila. Kung di ako nagkakamali nakita ko sila malapit sa principal’s office ng UIPS kanina.

“Ano bang sinasabi mo? Wala akong kilalang DJ!” Sigaw ko naman. Sino bang DJ? Sa radio ba? Di na ko makapag-isip ng ayos sobrang sakit ng kanang braso ko malapit na makalas buto ko!

PAK! Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi. Kung cartoons ako siguro may mga ibon at stars nang umiikot sa ulo ko. Feeling ko tuloy nasa movie ako, yung scene na tinotorture. Tapos may darating na prince charming, ipagtatanggol ako at maiinlove ako sa kanya. And we will live happily ever after.

And speaking…. Mukhang meron nga dahil may nakikita kong papadaan na kotse. Kung  hindi ba naman tanga yung mga toh, mejo liblib nga ako ncorner pero kalye pa din toh! Natural may magdadaan dito. Buti na lang!

“TULONG! TULUNGAN NYO KO!!!” Sumigaw ako sa abot ng makakaya ko at napatingin sila sa paparating na sasakyan kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.

Tinulak ko sa magkabilang side ko ang dalawang babaeng nakahawak sa braso ko. Nawala na ang higpit ng pagkakahawak nila nung sumigaw ako. Saktong  huminto naman ang sasakyan! Thank God! Mukhang ligtas na ko!

Nagmamadali kong kinuha yung bag at folder na dala ko na malapit na sa damuhan dahil sa pagkakabalibag nila kanina nung nacorner ako. At syempre, ako si Julia! Lintik lang ang walang ganti! For the finishing touch….

“OUCH!!!” Napasigaw at napahawak si “miss leader” sa paa nya nung tinapakan ko sya sa kanang paa at talagang diniinan ko! Masakit kaya yung pilipitin yung braso mo, not to mention yung takot at trauma na binigay nila sakin kanina! Hmmmp! Serves her right!

“You bitch!” Narinig kong sabi nya. Mukhang galit na galit sya sa ginawa ko habang ako naman natatawang tumakbo at nagtago sa likod ng taong bumababa na sa sasakyan. Para kong batang nagtatago sa likod ng tatay nya pag natatakot.

Biglang tumahimik yung tatlong sigang babae kaya mejo napasilip ako. Pinatong ko pa yung baba ko sa balikat nung lalaki na ginawa kong pangharang sa kanila. Nawala sa loob ko hindi ko naman din toh kilala.

“Ano nanaman ba toh Jansen? May pinagtritripan na naman kayo!” Naiinis na nagsalita sya. Napansin ko na taga Rynoir International Academy (RIA) din sya.

“Hindi.. ahm, kase, nakita namin sya kanina sa school nacurious kasi kame lagi namin nakikita yung kasama nya pero ngayun lang namin sya nakita kaya makikipagkaibigan lang.” Paliwanag ni Jansen. Jansen pala ang name ang bruhildang toh! At biglang bumait ha! Ang lufet nya! Siguro from monster to angel nagttransform sya talaga! Best actress! Nakakagigil!

“Bakit parang sumisigaw sya?” Tanong nanaman ng “knight in shinning armour” ko. Parang pamilyar din yung boses nya, hindi ko masilip kasi nasa likod ako tsaka magmamakaawa na lang akong isama nila ko baka hintayin nanaman ako ng mga babaeng toh. Sa ginawa ko sigurado lagot ako lalo sa kanila kaya tatapangan ko na hiya ko.

“Ha? Ano kasi..ahm, pinagkkwentuhan ka kasi namin, alam mo naman diba madaming may crush sayo. Kinikilig lang sya.” Aba storyteller lang?! Pambihira!

“Sinungaling! Kinorner nyo ko bigla hindi ko naman alam pinagsasasabi nyo tapos pinilipit nyo pa nga yung braso ko! Idedemanda ko kayo! Tatandaan ko yang mga mukha nyo!” Para kong galit na misis na nagsusumbong sa pulis dahil nahuli ko si mister na may kasamang iba heheheh nakakaloka! Kung nandito si Michael babatukana ko nun sasabihin nanaman ang OA ko…pero kung nandito si Michael malamang hindi naman siguro mangyayari sakin toh.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon