Chapter 39 Change The World

7.6K 180 96
                                    

Chapter 39 Change The World

Tumingin ako sa paligid ko habang pigil na  pigil ang pag-iyak. Lahat sila nakatingin sakin at naghihintay ng isasagot ko. Ang iba nagwoworry…na baka mag walk-out na lang ako  bigla… ang iba curious malaman ang sasabihin ko… ang iba naman halatang gusto lang talagang sirain ako at nakahanda nang maghanap ng mali sa mga sasabihin ko.

Gusto ko ng magalit.. gusto kong sumigaw.. I felt insulted and destroyed right in front of the whole world.. pero hindi ko pwedeng gawin yun…pano na lang yung mga naghirap para umabot ako sa kung nasan ako ngayon? Pano si Lola Flory… baka atakihin yun sa puso kung nanonood man sya ngayon habang nasa palasyo… Prinsesa ako… I won’t back down… I’ll stand on my ground.

Pumikit ako ng madiin, letting my tears flow. I breathed heavily trying to control my temper…calming myself. Naaala ko tuloy laging sinasabi ng fans ni DJ, “keep calm and call batman” pero wala naman si Batman dito..ako lang ang nandito…pinaalis ko na yung batman na si DJ….

“The Princess is speechless.” Napadilat ako nang nagsalita ulit ang president. Mejo nainis ako at kumunot noo sa tono nya. Inihanda ko na yung sarili ko para magsalita nang biglang bumukas ang pinto ng hall at nagsalita ang isang familiar na boses.

“I’ll speak on her behalf.” Nanlaki ang mga mata ko nang Makita ko si DJ na papatakbo pa sa gitna papunta sakin.

Pinagtinginan siya ng mga tao at nagsimulang magbulungan.

“Anong ginagawa mo dito?!” pabulong kong tanong sa kanya pagtabi niya sakin, kaharap ang lahat.

Lumapit na din si Sam at Albie samin, nakaready anytime na may mangyaring gulo. Ano ba yan lalo yatang magkakagulo dito >.<

“And who do you think you are? You are a tourist here… who gave you the right to speak?” tanong ng Presidente sa kanya na parang gustung gusto nang tumawa ng malakas habang hinehead to foot glare si DJ.

“I did.” I firmly answered. Natahimik lahat.

“Legally speaking I AM THE PRINCESS still.. I have the right to ask anyone to speak on my behalf… I called for this presscon at the first place.” Ayoko sanang gawin pero tama na yung ako na lang ang maphiya…wag na si DJ… besides, gusto ko din malaman kung anong sasabihin niya.

“Well… if that’s the case, we, the members of the parliament, wish to speak in our native tongue. Sad to say, Mr. Daniel Padilla cannot speak our language.” Hindi pa rin talaga patatalo…sarap tirisin! Gusto talaga ng president na mawala ako sa landas niya para magtuloy ang pamamahala niya sa bansang ito.

Sasabihin ko n asana kay DJ na wag na lang ituloy at hayaan na lang ako pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nagyari.

“That won’t be a problem because he hired me as his translator.” Sumagot si Albie at nagforward para humarap din sa parliament.

Nagkatinginan kami ni DJ at parehas nagulat. Kumindat lang samin si ALbie at ngumiti.

“That’s right… as one of the members of the parliament I hereby authorize Earl Albie Casiño to be Mr. Padilla’s translator.” Dagdag pa ni Sam na lalong nakapagpashock sakin. Ang alam ko kasi mainit ang dugo niya kay DJ…pero ngayon tinutulungan niya…

Hindi nakakibo ang president at tumingin sa Hari kung ano ang reaksyon nito. Nakita ko na tumango si Uncle meaning, pumapayag siya sa sumali si DJ sa usapan. Nakita din ito ni DJ kaya nagsimula na siyang magsalita.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon