Chapter 16 Problematic Mara

9.4K 131 35
                                    

Chapter 16 Problematic Mara

“Magiging okay ka lang ha… Mamimiss kita…sobra!” Yang huling mga salitang narinig ko mula kay DJ. Nagpunta ulit sya ng Germany para magtaping sa movie nya. After 1 month pa sya uuwi at nakakalungkot talaga pero wala akong magawa. Besides, tiwala naman ako sa kanya and alam kong priority pa din dapat ang pangarap nya.

“Kung gusto mong umiyak, ituloy mo hindi yung nagpipigil ka jan halatang halata naman sa itsura mo na namimiss mo sya.” Nagulat pa ko nang makabalik na sa table namin si Michael. Matagal ko na din syang hindi nakakausap simula nung naging P.A. ako ni DJ at ngayon na lang kami ulit makakapagkwentuhan talaga.

“Hindi noh! Bakit naman ako iiyak? 1 month lang yun noh! Tska tatawag yun araw-araw!” sabi ko naman sa kanya. Pero sa totoo lang 2 weeks na si DJ dun pero wala pa kong natatanggap na tawag mula sa kanya.

2 days ago nagtext sya saken ng I miss you lang pero yun lang. Afternoon tahimik na ang mundo. Hindi rin ako makapagtanong kay Mam Karla kasi ayaw kong may mahalata sya samen and busy din sya kaya ayoko talaga makaistorbo. Minsan nga natetempt akong tawagan si Kathryn para magtanong pero mas busy naman yun kaya wag na lang.

“Bakit di ka na lang sumama kay DJ di ba P.A. ka nya?” Tanong ulit ni Michael.

“Hindi nya ko kailangan dun kasi magaan lang naman magtrabaho dun compared dito sa pinas. Besides, may general assistant sila dun na sa warner bros mismo galing.” Sagot ko naman. Kung pwede lang talaga ko sumama edi sana sumama na ko di ba? Kasi hindi ganon kadali yun. Baka pag sumama ko kay DJ hindi na ko makabalik ng Pilipinas.

“Hayz ikaw bahala. Pero kung gusto mo, kesa magmukmok ka jan gumala na lang tayo. Para at least malibang ka naman di ba.” Aya ni Michael. Hmm good idea.. kesa mabuwang ako kakaisip kung kumusta na si DJ ko, magliliwaliw na lang ako. Besides napapabayaan ko na friendship namin ni Michael kaya babawi ako.

“Sige SM?” Napangiti sya nang pumayag ako.

Although hindi kasing saya pag si DJ ang kasama ko, masasabi ko namang ng-enjoy kami ni Michael sa arcade at malling. Hindi rin limited ang kilos ko kasi pag si DJ kailangan maingat din baka Makita ng reporters at makarating sa Mama nya.

“Sikat ka na din yata!” Sabi ni Michael pag-upo namin sa food court. Hinihintay namin ang inorder naming food.

“Ha?” Tanong ko naman sa kanya.

“Kasi kanina may nakita kong nagtake ng picture mo nung tumitingin tayo ng showing na movies. Sinenyasan ko lang sya na wag kaya tumigil na.” NAtatawa pa nyang sabi.

“Ganon? Eh…siguro nga. Artistahin daw kasi ako!!” At natawa na din ako pero deep inside kinakabahan ako kasi baka spy yun!

“Ang tagal naman ng food natin! Gutom na ko!” Reklamo ni Michael at luminga linga pa din.

“Julia!” Bigla syang napayuko at tumingin sakin. Sinenyasan nya ko na ilapit ng konti ang mukha ko sakanya na parang may sasabihin sya.

“Ayan nanaman yung nagtatake ng pictures… wag na kaya tayo dito? Hindi maganda kutob ko eh!” Bulong nya saken. Pasimple akong tumingin sa gawi ng nagpipicture. Ayoko din nito parang spy nga.

“Hintayin natin yung food tapos sa labas na lang tayo kumain.” Bulong ko din sa kanya. Nagkatawanan pa kami nang marealize naming para kaming ewan na nagbubulungan sa gitna nang maingay na foodcourt!

Pagkuha nang food, dali-dali kaming umalis sa food court papunta sa ibang floor. Habang naglalakad kumakain kami dahil talaga namang nakakagutom.

“Sino kaya yun? Lakas ng trip!” Sabi ni Michael habang ngumunguya pa. Sasagot sana ko nang biglang magring ang phone ko.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon