Chapter 36 Bahala na si Batman

7.9K 141 76
                                    

Chapter 36 Bahala na si Batman

“ANO?!?! Bakit ako?! Nababaliw ka na ba?!” Tanong ni DJ saken. Grabeh ah! Ako pa ngayon ang baliw?! Di nya kaya naaalala yung nangyari samin nung gabi nay un before kami maghiwalay?! Pektusan ko kaya itong mokong na toh?!

“Ikaw ang baliw na ba?! Alam mo naman yung nangyari nung huli tayong magkasama diba?! Tapos tatanungin mo ko bakit ikaw naging ama?! Ano kala mo saken kung kani-kaninong lalaking nakikipag…basta yun na yuN!” bigla tuloy akong nagblush. Kainis naman… >.< nakakailang ah! PEro kailangan ko na talaga sya makausap bago pa lumobo yung tyan ko tska kailangan ko na magpcheck-up >.<

“Alam ko yun pero imposibleng mabuntis ka!” naiinis na ring sigaw ni DJ. Ewan ko pero prang sa mata nya disappointed sya…di ko alam kung disappointed sya na nabuntis nya ko or may ibang rason pa?

“Anong imposible? Eh buntis na nga ako! Unless baog ka!” sa sobrang inis ko nagdirediretso na yung mga nasabi ko.. hayz ito yung mga oras na alam kong kailangan ko ng brakefluid >.< kaso nakakainis! Sya lang naman tlaga yung lalaki nakagalaw sakin! Iniisip ba nya may nangyari pa sakin at sa ibang lalake?! Ganun kababa tingin nya? O baka naman….gusto nya lang tumakas sa responsibility nya! Hindi pwede yun!

“Anong baog! Hindi ah! Pero pano ka mabubuntis-” magsasalita pa sana si DJ nang biglang may dumating at sabay pa kami naspeechless.

“Sinong buntis?!” ngulat na tanong ni Mama Karla…. Oh…snap!

“Ah….s-sino pong buntis?” tanong ko ulit. Kung kanina nagbblush ako, ngayon alam ko namumutla ako sa kaba. Kasi naman boses pa lang ang tapang nan g dating ni Tita Karla…at sigurado magagalit sya kapag nalaman nya. Kabilin bilinan pa naman nya kay DJ na di baling mag-girlfriend basta wag mambubuntis..tapos ngayon nakabuntis sya…at hindi pa nya girlfriend!

“Ah..ano po.. tinatanong ko lang si Julia kung nung pinagbubuntis sya ng nanay nya, nasa loob pa lang sya ng tyan princess na tawag sa kanya or kailangan pagkpnganak may ceremony pa para makoronahan sya…….” Mukhang natakot din si DJ. Buti nakarecover kagad.

“Ah…. Kala ko naman kung ano…eh bakit namumutla si Julia?” napansin ni Tita Karla.

“k-kasi po..puyat po ako… napuyat po ako..kaya nga po, magpapaalam na sana ko kay DJ na matutulog muna ko saglit…tapos biglang natanong nya nga po yung tungkol sa princess…s-sige po.. magpapahinga na po ako ha.” At nagmamadali na kong tumakbo papunta sa kwarto ko. Di ko na nagawang tignan si DJ dahil namumuo na yung mga luha ko.

‘Hindi nya pananagutan yung baby ko!’ napasuntok ako sa unan bago ko isinubsob ang mukha ko sabay iyak. Lahat ng stress ko binuhos ko na sa pag-iyak ko..matagal na din akong hindi nakakaiyak. Ngayon ko naisip nag-iisa talaga ko… wala na kong parents…. Si Lola flory baka atakihin sa puso pag sinabi ko na buntis ako at ayaw panagutan ng daddy ng baby ko… papatayin ako ni Sam dahil malaking kahihiyan sa pangalan nya. Fiance ko sya tapos malalaman nya nabuntis ako ng ibang lalaki…at si DJ pa…inis na inis pa naman sya dun.

Ilang minute pang pag-iyak at naisip ko bigla kung sino ang dapat ko ng lapitan… nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number ni Albie.

“Hello..oh, napatawag ang prinsesang busy lagi?” Masiyahin pang sagot ni ALbie. Lalo tuloy akong naiyak….buti pa toh masaya… hayz.

“Busy ka ba ngayon?” Tanong ko. Nag-aaral kasi si Albie ngayon kaya bihira na sya sa palasyo. Ayoko din naman na abalahin sya palagi tsaka kahit ako busy din.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon