Chapter 38 In The Name of Love

7.7K 173 35
                                    

Chapter 38 In The Name of Love

“Ang daming reporters na nakaabang sa labas ah..” sabi ni DJ habang nakasilip sa bintata ng room kung saan ako nakaconfine. Ang OA talaga kailangan ko lang magpahinga icconfine na kagad. Hay… ang buhay prinsesa….ay OA na buhay..

“Mapapagod din sila tsaka hindi naman papayagan na makapasok dito yung mga yan…” napabuntong hininga ako.

Sabay kaming napalingon ni DJ nang may kumatok at bago pa makapunta si DJ para buksan ang pinto, bumukas na ito at pumasok si…Tita Karla at Tito Rommel kasama sina Maggie at Lelay, mga kapatid ni DJ.

“Ma…” yung lang ang nasabi ni DJ. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila kaya napayuko ako.

“Pwede ba kitang makausap Julia… tayong dalawa lang?” tanong sakin ni Tita karla.

“Pwede ba kitang makausap DJ… tayong dalawa lang?” tanong naman ni Tito Rommel kay DJ.

Nagkatinginan muna kami ni DJ bago kami sabay na tumango sa parents niya.

“Dun na lang kami sa labas…” sabi ni Tito Rommel kay Tita Karla at sumunod na si DJ kasama ang dalawang bata.

Hinarap ako ni Tita Karla pagkasara ng pinto. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya.. parang may napag-usapan na sila ni Tito Rommel sa mga tinginan nila kanina.

“Pinaliwanag na samin ni DJ yung nangyari kanina..na hindi ka totoong buntis... na false alarm lang lahat.” Hindi ko mabasa kung anong expression ni Tita Karla.

“H-hindi na po kayo galit? Hindi na po kayo aalis?” tanong ko sa kanya.

“Nung una nagalit ako sa nalaman ko… pero naisip ko din mas kawawa ka kung nagkatotoo yung balita kanina… at a very young age… on top of your career… mabubuntis ka… parang nakita ko yung sarili ko sayo…ang masakit lang anak ko yung dahilan… pakiramdam ko kanina lahat ng pangaral ko kay DJ binalewala niya kaya nagalit ako…di ko alam kung sayo o sa anak ko o sa sarili ko pero nagalit ako…kasi alam ko yung sitwasyon…” nagsimulang nang manggilid ang luha ni Tita Karla. Nahahawa tuloy ako at nararamdamn ko nag-iinit na yung mga mata ko.

“Kaya ko po talaga kayo pinapunta dito dahil gusto kong sabihin yun pero hindi ko alam kung bakit…kung ano-anong naisip kong gawin para mapagtakpan…buti nalang hindi pala totoo.” Sabi ko na lang…hindi ko alam kung ipapaliwanag ko ban g husto o magsosorry na lang ako.

“Pero ngayon po na malinaw na lahat… ok lang po na magalit kayo…or kung gusto nyo nang umalis…hindi ko po kayo idadamay sa gulo na haharapin ko kasi…kasalanan ko rin.” A tuluyan na kong naiyak nang maisip ko pano ko nga ba haharapin yung scandal na nangyari? BUong mundo hahalungkatin buhay ko pag nagkataon.

“Hindi ako perfect na nanay, Julia.. ginagawa ko lang kung ano yung sa tingin ko the best para sa mga anak ko. Selfish na kung selfish pero ayoko lang na maging magulo yung buhay ni DJ…sa showbiz magulo na..pero yung life status na katulad sayo mas magiging magulo kasi…Maganda na yung career ni DJ sa Pilipinas at ayoko mauwi sa wala lahat.” sagot ni Tita Karla. Napakunot noo ako..

“Hindi ko po kayo maintindihan..?” tanong ko. DIba nga sinabi ko hindi na sila idadamay? Ano pa yung sinasabi ni Tita Karla na magiging magulo lalo?

“Ayaw sumama samin ni DJ pauwi sa Pilipinas. Dito lang daw siya. Ayaw ka nyang iwanan. Kanina habang sinusugod ka dito sa ospital kinausap kami ng Hari… sabi niya alam niya na si DJ talaga yugn gusto mo pero hinahayaan ka lang niya dahil naniniwala siya na alam mo kung anong dapat mong panindigan… Walang royal title si DJ at siguradong hindi rin papayag yung mga tao dito kung sakaling sya man piliin mo. MAlaking gulo lang Julia kaya bilang ina…nakikiusap ako, iconvince mo si DJ na iwanan ka.” Humawak sa kamay ko Tita Karla.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon