Chapter 29 Behind The Scenes

8.6K 145 35
                                    

Chapter 29 Behind The Scenes

Ilang araw din na awkward moments lagi sa taping twing magkakaeksena kami ni DJ. Mejo may action scenes kasi yung ginagawa namin at laging kasama si Kath sa scene. Naiilang ako pag magkasama na silang dalawa. Lalo na pag director’s cut, back to shed kami, naabutan ko sila na ang sweet nila. Hindi ko maiwasang malungkot…

Paano kaya kung hindi ko tinuloy yung pagiging prinsesa? Ako siguro ngayon yung nilalambing nya? O baka…hindi nya aabutin yung ganitong level ng kasikatan dahil tatalikuran din nya lahat para makasama saken? Pero hindi pa rin ako nagsisisi sa mga tinahak naming buhay. Sa tingin ko we are born to have these lives that we are ‘enjoying’ right now.

Nirelease na kamakalawa yung trailer ng magiging tv series naming na toh at mukhang malakas ang hatak sa tao. Ang inaalala ko lang kung anong magiging feedback ng mga tao saken dahil sa pair up naming. Sanay kasi yung mundo na si Kath at DJ ang laging partners sa mga projects nila at isa yun sa disadvantage ni DJ dahil pinangatawanan nya yung pagiging loveteam nila. Tuloy yung mga fans nila kahit yata anino ng kahit sinong babae pag tinabi kay DJ nagagalit na at hinahanap si Kath. Anyways, may tiwala pa rin ako na hindi naman siguro mangyayari sa case naming.

Bago kami lumabas sa press for promotions, interviews at kung anu-ano pa, kailangan naming munang matapos yung isang scene at least this week. At yun na yung scene na pinakaaabangan ng lahat, pinakainiiwasan ko sana, at mukhang pinakahinihintay naman ni DJ dahil an gaga nyang dumating sa set ngayon at kakaiba yung aura nya. Kissing scene…first onscreen kiss ng favorite actor ng mga kabataan…. Isa pa yan sa dahilan kung bakit panonoorin ang tv series na toh. Teka, first kiss on screen ko din toh kung tutuusin!

“Utos toh ni direk…tska lahat talaga ng mga kabataan pag may ganitong scene ginagawa naming toh. Kung natatandaan nyo yung first on screen kiss ni Daniel Radcliffe at Katie Leung, ganito din muna ginawa naming bago naming ishoot yun.” Paliwanag ni Sir Marlon, Filipino staff ng warner bros.

Pinatawag kami para daw kausapin sa loob ng trent. Di ko alam na ganun pala, kailangan daw kami iprepare for ‘the kiss’ para maging effective ang acting naming at maging realistic. Gusto kong matawa pero sa halip, kinabahan ako lalo.

“Gusto ko maging open kayo sakin ngayon ha. The kiss should be realistic at ayokong pangit ang maging feedback sa inyo.” Sunod na sabi nya. Hindi kami nagtitinginan ni DJ pero alam ko sabay pa kaming tumango sa staff.

Kami lang tatlo sa tent at lahat nasa labas preparing for the scene. SI Kathryn nasa labas din at kaming tatlo lang daw muna sa tent maguusap-usap.

“Gusto naming ang cast comfortable sa isat isa. Napansin ko kasi kayong dalawa nagkakailangan lagi although pagharap sa camera very professional naman kasi you’ve portrayed your roles very well so far.. Ngayon gusto ko DJ, bilang ikaw ang matagal na sa showbiz, at bilang bago lng sa acting job si Princess Mara, alalayan mo sya.” Humarap ito kay DJ. Tumango lang si DJ at nagpatuloy na makinig.

“Princess Mara, wag kang maiilang, pilitin mong wag mailang tsaka let D guide you okay?” Sabi naman nya sakin at tumango lang din ako ulit.

Mukhang hindi kumbinsidi si Sir Marlon kaya nagdagdag pa ng ibang sasabihin.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon