Chapter 20 Royal Agenda

9.6K 150 60
                                    

Chapter 20 Royal Agenda

“Princess, look down….welcome home.” Tinapik ako ni ALbie. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa bintana. Papalapit nang papalapit sa German land ang jet namin…nakikita ko na din ang castle na napapalibutan ng mga puno at green grass. Kung may gusto ako sa lugar namin, it’s the environment. Marerefresh ka at parang walang nakakalusot na pollutants dito.

“Any plans on what you’ll do first?” Tanong sakin ni ALbie. Namimiss ko na yung paglalaro namin ng polo, favorite ko kasi yun pero parang wala ako sa mood kasi nararamdamn ko na tagtag ako sa biyahe.

“I wish to see Mother and Father first.” Napagdesisyunan kong humarap muna sa mga magulang ko bago ang lahat. Kahit naman masama ang loob ko, I miss them both and I love them so much.

“Ahm…ano kasi eh…Kasi…” Nagtaka ako nang biglang magbago ang expression ni Albie. Nagkatinginan sila ni Arabella na nasa tapat lang nya. Parang bigla silang kinabahan na ewan.

“Y-you’re parents are not here.. a-at the moment.” Si butler Gereon ang sumagot ito na nauutal pa. Nakikinig pala sa usapan namin, kala ko tulog sya. Napayuko naman sina ALbie at Arabella.

Magtatanong pa sana ko pero nagsalita ang piloto na fasten our seatbelts daw dahil maglalanding na ang plane.

~~~
“Welcome back Princess Mara.” Sunud-sunod na yumuko ang mga tao sa castle habang naglalakad ako papasok. Naiilang pa rin ako kasi hindi ako sanay sa mga tao na kulang na lang halikan ang paa ko at sambahin ako ng todo.

“Ayoko muna kausapin mga kapatid ko, derecho na lang ako sa room ko.” Sabi k okay albie na inaalalayan ako.

“As you wish..” sabi lang nito ang lumapit sa isa sa mga tauhan para iconfirm kung ok na yung room ko. Nakita ko  pang tumango ito.

“Albie, wag kang istorbo ha. Magpapahinga ang prinsesa.” Masungit ko pang sabi kay ALbie pagdating sa pinto ng kwarto ko. Dati kasi lagi syang pumapasok sa room ko ng walang paalam lalo na pag alam nyang busy ako at ayaw ko nang istorbo. Para ko na kasi syang Kuya at sya lang ang close ko sa castle.

“Ang bilis makaadapt ha.” Natatawang sabi nya.

“You’ll be okay.” Tumango sya at iniwan na ako.

I sighed bago ko buksan ang pinto. Biglang bumukas ang mga naka-off na ilaw the moment i stepped in. Napangit ako…kung bata lang ako, iisipin ko na pra kong Disney princess. Pero alam kong hindi lang basta maluhong pamumuhay ang meron ako. Kapalit ng lahat ng karangyaan na toh ay buong pagkatao ko. Isip, puso, at kalayaan ko  bilang tao. Lahat dapat ibigay ko para sa bansa na toh.

I looked around. Walang nabago. Same room I used to lock myself up nung mga panahon na nandito ako. May sala sa left katabi ng isang malaking antique book case. Sa gitna yung kung sized four poster bed ko. On the right is my clothes and stuffs. Further on the right is the bathroom na may Jacuzzi. Para kong nasa Hogwarts na modern style ang dating.

Nakatawag nang pansin sakin ang teddy bear sa king sized bed ko. Nasa gitna ito at nakaupo na parang naghihintay sakin. Yes, binilin ko sa kanila na ilagay ang mga gamit ko sa room bago ko dumating kaya pinauna nila. Malungkot na ngiti ang gumuhit sa mukha ko. Lumapit ako sa higaan ko. Tumalon ako padapa sa bed sabay hug sa teddy bear na nakasuot pa ng Batman shirt na may print na “Hug me, your BATMAN”…

“Tayo na lang dalawa dito…” Sabi ko pa sa teddy bear ko habang unti-unti na namang pumapatak ang luha ko. Isinubsob ko sa teddy bear ang mukha ko at tuluyan na kong umiyak. Lahat ng nararamdaman ko dun ko ibinuhos na para bang nakikinig sakin si teddy bear. Sabi ko  sa sarili ko, isang iyakan lang…pagtumahan ako, bagong buhay na.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon