Chapter 12 DJ's Big Break

9.9K 160 40
                                    

Chapter 12 DJ’s Big Break

“Bakit hindi ka pwedeng sumama!” Maghapon ko nang kinukulit si Julia. Pupunta kami ng Germany para pumirma ng contract sa Warner Bros. movie. Ang galing nga kasi nagmeeting lang kami thru video conference. Dream come true talaga. Sumama pa si Papa sa meeting at talaga namang tuwang tuwa sya. Noon ko lang sya nakita na proud sakin. Ang sarap sa pkiramdam.

“Hindi nga pwede tska pano naman yung pag-aaral ko diba?” Bakit naman ganon pakiramdam ko ayaw nya lang talaga sumama nagdadahilan lang sya.

“Sabi pa nang Mama mo dito na lang ako since hindi naman hectic ang schedule mo dun.” Dagdag pa ni Julia nung mahalata na hindi ako convinced sa dahilan nya.

“Isang linggo lang di mo pa ko mapagbigyan. Haist…” Parang batang nagtatampo naman ako. Pero kailangan ko yatang gamitan nang acting talents ko.

“Hindi mo ko mapipilit. And besides, I’ll arrange your schedule pagbalik mo sa Pilipinas kasi madami kang interviews. Proud ang buong bansa sayo noh! Sure na sure yun lalong dadami yung gigs, shows, interviews at fans day mo.” Paliwanag nanaman nya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na kaya ko sya pinipilit kasi mamimiss ko sya at ayaw ko nang ganun.

“Sumama ka na kasi, tska mo na ayusin yun pagpapabalik na dito.” Umupo ako sa tabi nya at tinignan ang dyaryong binabasa nya. Kanina pa nya kasi hawak yon.

“Ayaw mo sumama pero tinitignan mo yung balita about Germany? Ang labo mo!” Sabi ko sa kanya nang Makita ko na ang binabasa nya pala ay balita tungkol sa Germany.

“Baliw! Chinecheck ko lang kung anong status ng bansang pupuntahan mo para ma-advise kita kung anong sitwasyon dun tska masabi ko din kay Mam Karla if ever na may kailangan kayo. Ako kaya mag-aayos ng requirements nyo.” Umirap pa sya saken. Ang sungit naman nya!

“Sige nga, ano naman ang problema sa Germany?” Tinanong ko na lang.

“Mejo unstable ang government nila. Kasi from parliamentary system binalik sa monarchy.”Napakunot noo nanaman ako. Out of this world nanaman ang pinagsasasabi nya.

“Ano? Alien-mode ka nanaman jan.” Sabi ko. Napabuntong hininga naman sya.

“Parliamentary sila ngayon, President ang nagmumuno. Napagdesisyunan nila na ibalik yung monarchy system, yung mga Kings at Queens ang namumuno katulad ng England. Ano ka ba pinag-aaralan sa history yun! Topic pa lang sa school nung isang linggo yung di mo na tanda?!” Feeling ko naman napakabobo ko. Pano ko pa matatandaan eh natutulog yata ako nun sa klase nung tinuro yun!

“Ano naman kinalaman ko sa mga hari na yan?!” Palusot ko nalang.

“Malamang haharap kayo sa Hari ng Germany kasi big project ang gagawin mo, international movie. At syempre dapat alam mo yung ethics pag nakaharap ka sa King. Hindi yung aangas angas kang ganyan dun baka sipain ka pabalik sa pinas!” Natatawa naman syang nag-explain. Haist hindi ko naisip yung mga yan. Ang talino nya talaga.

“Oo na ikaw na magaling. Salamat sa impormasyon Ms. Know-It-All. Pero wag mong baguhin ang usapan, kukulitin pa din kita na sumama dun! Ipagpapaalam kita kay Mama!” Hehe ako na ang makulit! Pero gusto ko talaga sya ang kasama ko!

~~~

“Para kang ewan! Ngumiti ka nga!” Pabulong na sinabi sakin ni Julia nag nsa Airport kami kasama si Papa at si Kathryn na pinasama ni Mama for vacation na din “daw”. Nagpresinta si Papa na sya ang sasama at natutuwa naman ako. Si Mama naman KJ, nagpa-iwan. Gusto yata pilitin pa sya ni Papa…kaso hindi naman ginawa ni Papa!

“Hindi kita bati!” Sabi ko naman sa kanya.  Til the last minute pinipilit ko syang sumama pero si Mama naman pala ang may ayaw. Ang nakakainis pa, pinasama pa si Kathryn! Pati ba naman sa ibang bansa kailangan iendorse ang love team?!

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon