Chapter 14 Karibal?!

10.2K 162 43
                                    

Chapter 14 Karibal?!

“Stop being…this!” Nirecite ko ang script na kailangang imemorize ni DJ. Ako muna yung tumayong kausap nya sa scene.

“But you just pointed at all of me-” Hindi pa tapos si DJ pinigil ko na sya.

“Mali! Ang angas mo magsalita kasi.. yung role mo dito tatanga-tanga ka sa umpisa…dapat ganun. Eh para ka naman magsalita!” Sabi ko nanaman. Pinapraktis ko sya gaya ng dati, kung paano nya madedeliver yung lines nya nang maayos.

“Ang hirap naman…tska kasi pagod ako eh.” Nagkunwari namang syang pagod. Hay nako ayan nanaman po kami.

“Kala ko ba gusto mo okay na okay yung acting mo? Remember international film yun!” Paalala ko sa kanya. Wala sa mood si DJ ngayon dahil pinagalitan sya ni Mam Karla kanina.

“Haist… bukas na lang tayo magpraktis kaya?” Sabi nya sabay abot sa cookies na nasa side table ng bed nya.

“Bukas busy ka nanaman. Tiis lang,kailangan toh eh.” Inencourage ko naman sya.

“Ganito na lang… lika muna dito making ka.” Sinenysan nya kong umupo sa tabi nya.

“Hmm?” Tanong ko nang magkatabi na kami. Nakatingin ako sa script at iniiscan ang pages kung ano ang madali-daling lines na pwede pa nyang ipraktis.

“Kapag nagkakamali ako sa lines ko, parusahan mo ko.” Suggestion nya…himala! Pumayag nang may parusa si mokong!

“Ocge! Para umayos ka na.” Payag ko naman.

“Pag naideliver ko nang tama yung lines ko, bilang reward, ikikiss kita sa lips…” Ano?! Sobra naman bakit sa lips pa… Hmmm sabagay mukhang hindi naman nya makukuha nang maayos sa araw na toh kaya safe!

“Ocge, deal! Pano naman pag hindi mo nakuha?” Tanong ko naman na nakataas pa ang kilay.

“Pag naman hindi ko naideliver nang maayos, bilang parusa, ikikiss mo ko sa lips.” Sabay akbay sakin at kindat, tapos tinitigan ako ng nakakatunaw na titig namesmerize nanaman ako sa kgwapuhan nya.

“Deal!...ay! teka ano ulet?!?!?!?” Loko toh ah di ko kagad nakuha yung sabi nya!

“Oh! Walang bawian, sabi mo deal!” Nagtatalon naman ito sa tuwa with matching tawa pa. NAisahan ako!

“Daya! Hindi yun deal! Namali ako ng dinig eh!” Sabi ko naman.Kinuha nya yung script sa kamay ko ang sinimulan nang basahin ang unang lines. Hindi na nya ko pinapansin kahit nagrereklamo pa ko.

“Oh, eto ha… Ehem..” He cleared out his voice muna at sinimulang basahin ang lines.

“Whoa… the night fury…!” Nag-act sya na parang manghang mangha, pero mejo maangas p din ang dating nya. Dapat kasi magmukha sya tlgang inosenteng tatanga tanga..tipong hari ng sablay!

“Okay ba yun?” Tanong nya sakin. Tumigil na ko sa pagrereklamo at nagcrossed arms sa kanya with matching masamang tingin.

“Mali nanaman!” Sabi ko. Ilang ulit na yung lines nay un di pa makuha!

“Ay mali nanaman ako, ayan tuloy mapaparusahan ako.” Nagpout pa sya na parang bata sabay lapit sakin and before I knew nakiss na nya ko sa lips. Ang bilis kumilos nito ah! Parang nagkaroon bigla ng superpower na superspeed!

“Ang daya mo hindi naman parusah yun eh!” Reklamo ko nanaman. Pero napapasmile na din ako kasi alam ko naglalambing lang sakin toh. Halos 1 week na kasi bago kami magkasama ulit nang hindi sya busy after na maging girlfriend nya ko.

“Anong hindi? Parusa sakin yun ah.. Isipin mo never pa kong humalik sa babae sa lips. Kahit nga sa mga shows ko bawal pa kissing scene! Pero dahil sayo kahit labag sa kalooban ko kailangan ko ng gawin!” Nakow! Lakas din naman talaga ng reasoning mind nitong DJ na toh.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon