Love is.. Chapter 6

247 14 2
                                        

Love is.. Chapter 6

~~~

Di na talaga ako mapakali. Anung oras na wala pang Montes na nagrereply saakin. Agad akong umalis kahit di alam ni mama. Pasaway ee! Basta kahit labagin ko pa lahat.. para lang kay Julia gagawin ko. Mahal ko yun.. Ha? Ano mahal ko si Julia? Wew. Napakamot ako sa ulo ko.. Tama ba yung iniisip ko.. Ayy mahal ko dahil bestfriend ko. Bilang kaibigan lang yun.

Sumakay na ko sa kotse at nagtunggo na doon sa bahay ni Lexi. Mabuti na lang at kahit papano alam ko kung saan nakatira yun. Nakalimutan ko na pero kahit papano naalala ko. Si Lexi naman kasi ee. -_- Pasaway sinama pa si Julia sa mga chikahan nila. Ano namang pag uusapan nila doon? Yung bagong palabas sa tv. Yung latest fashion trends este joke lang pala. Walang hilig si Julia doon, baduy yun ee! One of the boys ika nga.. About boys? T-teka hindi naman pwedeng ganun. Tss. Nakarating na ko sa tapat ng bahay ni Lexi. Buti naalala ko pa kahit nagkanda ligaw ligaw na ako.

Bumaba na ako nang sasakyan. Natatanaw ko na sila. Tss ngayon lang siguro sila natapos. 

"JULIA!" sigaw ko ng napakalakas agad naman napatingin saakin yung dalawa. Yung itchura ni Julia parang nagtatanong kung bakit ako naandito. 

"Oi, loverboy anung ginagawa mo dito?"  agad na bungad ni Lexi saakin at nakatingin na parang may something. Sus walang something. Kaibigan ko lang yun. -_- Concern lang ako sa bestfriend ko

Napakamot ako sa ulo ko. "Ah. ee. Ihahatid ko na si Julia!" sabi ko naman at napatingin saakin si Julia. Bakit ko nga ba siya ihahatid? Dahil gusto ko siya at idenedeny ko lang sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman.. Or sadyang concern lang ako bilang kaibigan.. Oo, concern lang ako.

Napataas ang kilay ni Lexi "Bakit naman ha? Kaya ko namang ihatid si Julia ha! Wow Daniel, iba na yan ha. Parang may something.." sabi ni Lexi na ngumingisi pa. Tss. Walang something! -_- Puro friendship lang

"Oi Lex, sige una na ako ha! Tara na DJ." sabi ni Julia at nakipagbeso kay Lexi. Agad naman kaming sumakay ng kotse. Tapos nag start na akong mag drive

"Oi, bakit ka pumunta dito?" tanong ni Julia. Tss para talagang siga kung magtanong. 

"Di ka pa natuwa? Concern ako sayo bestfriend!" sabi ko at nilakihan ko ang ngiti ko. Medyo kinakabahan ako.. Pero hindi ko alam bakit

"Alam mo dapat di mo na ko pinuntahan. Ayos lang naman ee." sabi naman ni Julia.

Napabuntong hininga ako "Alam mo Julia nag aalala lang naman ako ee. Alam mo ba na kanina ko pa inaantay ang text mo? Tinatawagan kita at unattended naman ang cellphone mo. Anu ba Julia? Uwi ba ito ng matinong babae? Alam mo naman siguro ang estado mo. Delikado ang lugar niyo tapos ganitong oras mo pa balak umuwi. Alam mo namang maraming gago dyan e. Umayos ka naman!!" sabi ko at huminga ako. Grabe walang hintuan un ha. 

Biglang tumawa si Julia. Anung nakakatawa doon? "Alam mo DJ lowbat kasi ako. Isa pa ihahatid naman ako ni Lexi pauwi kaya wag ka mag alala. At DJ hindi kita boyfriend. Kung makaasta ka parang boyfriend naman kita." sabi ni Julia. Nakaramdam ako ng kirot. Hindi ko alam kung bakit. Pagod lang siguro

"Concern lang ako." seryosong sabi ko at napatingin ako sa kanya. 

"Oo alam ko. Kaya nga po sa susunod alam ko na po ang gagawin ko. Kaya lolo Daniel John Ford Padilla wag ka na po magalit dyan. Ok po?" sabi ni Julia at nakangiti pa nang sobrang laki. Ang cute niya.. Sobra

"lolo ka dyan. tss." sabi ko naman at kinurot ni Julia ung pisngi ko

"Ang cute cute mo talaga." sabi ni Julia at bigla siyang umayos ng upo at tumingin saakin "Salamat bestfriend ha!" seryosong sabi niya

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon