Love is.. Chapter 4
~~~
Bumalik na ko sa tambayan namin, hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Julia yung nalalaman ko or hindi e. pag sinabi ko, may possibilities na masaktan ng sobra sobra si Juls, pwede din namang mawala na ang pagpapantasya niya kay Daniel and pangatlo baka wala lang pala kay Julia ang lahat, malay mo di talaga niya gusto si Daniel sabi niya lang naman sakin na CRUSH niya si Daniel pero never niya sinabing LOVE niya toh.
"guys, si Julia?" tanong ko nang makita ko sina Enrique at si Rick na naglalaro ng mga cellphone, nagpapaligsahan na naman. Adik sila sa tetris, ganda noh?
"umalis ata." sabi naman ni Rick na di man lang tumingin sakin, busy kasi masyado sa ginagawa niya. Matalo ka sana "san pumunta?' tanong ko naman
"ewan." matipid na sagot sakin ni Rick, ayy kayo na ang todo sa kabusyhan. Ako na itong namromroblema kung ano ang mangyayari sa love story ng bestfriend ko.
"bakit?" tanong naman ni Enrique na tumingin sakin, yan ang gusto kong kausap natingin sakin. di katulad ng iba dyan mas priority pa yung nilalaro e.
"may sasabihin lang ako. alam mo naman!" sabi ko naman kay Enrique at umupo na ko sa tabi niya, napatingin naman ako kay Rick na nakagatlabi pa
"ah. sige taba hanapin mo na si Juls!" sabi naman ni Rick at napatingin ako ng masama sa kanya, agad akong tumakbo palapit kay Rick at kinurot ko yung tagiliran niya
"anong sabi mo?" sabi ko naman at talagang full force yung pagkukurot ko sa kanya, yung todo effort talaga. HAHA.
"aray, Lex masakit!" sabi naman ni Rick at napatigil na sa paglalaro, napatingin naman samin si Enrique na tawa ng tawa
"ano kasi yung sinabi mo kanina?" tanong ko naman at napakamot pa siya ng ulo
"sabi ko gumaganda ka Lex." sabi naman ni Rick at halatang pilit na ngumiti
"ayy hindi yun yung sinabi mo e." sabi ko
"promise yun talaga!" sabi ni Rick na tinaas pa ang kanang kamay niya, pasaway talaga tong lalaking toh e.
"yieeee." sabi ni Quen na nakatingin saming dalawa ni Rick
"umayos ka dyan Quen." mataray na sabi ko at nagpatuloy pa din ako sa pagkurot kay Rick
"aray, Lex masakit promise!" sabi ni Rick na nagmamakaawa na sakin
"sabihin mo muna kasi kung ano yung sinabi mo kanina? akala mo di ko narinig yun. ano ba kasi?" inis na sabi ko kay Rick at kinurot ko siya ng todo
"aw. araaay!" napasigaw na si Rick sa sobrang lakas ng kurot ko sa kanya.
"wawang Rick, sadista girlfriend e!" sabi naman ni Quen at napabitaw ako kay Rick na agad napahawak dun sa tagiliran niya na kinurot ko, agad naman akong lumapit kay Quen
"anong sinabi mo Quen?" tanong ko naman at biglang nginitian ako ni Quen
"sabi ko ang ganda mo." Quen
"maganda ba yan?" Rick
"baliw. sapakin ko kayo e! ano ba? pinagtritripan niyo ko e." sabi ko
"ang sarap mo kasing pikunin Lex." Quen
"ang cute mo kasi pag naaasar ka." mahinang bulong ni Rick pero rinig na rinig ko, napangiti naman ako at napatingin kay Rick
"bakit?" tanong naman agad ni Rick sakin
"sabi ko ang panget mo!" sabi ko at agad ko siyang binelatan