Love is.. Chapter 2

807 29 8
                                    

Love is.. Chapter 2

~~

"bakit naman si Daniel pa yung nagustuhan mo? ang daming lalaki dito sa school ah. eh diba halos away bati pa kayo ni Daniel tapos kung halata namang inis na inis ka sa kanya" sunod na sunod na sabi sakin ni Lexi, wala na atang tigil bunganga nito sa kakasalita! haaay. 

"Lexi, huminga ka naman please!" sabi ko naman kay Lexi at napahawak ako sa balikat niya at bigla siyang napatigil kakasalita

"bakit ba nagustuhan mo yun ah?" tanong ulit ni Lexi at tumingin na siya sakin, actually di ko din alam kung kelan at bakit ko nagustuhan si Daniel basta ang alam ko isang araw nagising na lang ako gusto ko na pala siya. 

"hindi ko alam.. ewan! bigla na lang eh, chaka Lex sa tingin ko dapat ko ng itigil yung feelings ko.. dapat mawala yung feelings na nararamdaman ko for him!" sabi ko naman kay Lexi at napatingin lang siya sakin at gulat na gulat, ang epic lang ng reaction niya eh. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na si Daniel, sa ilang taon pa naman na pagsasama at pagkukulitan naming dalawa. Siguro nadevelop lang kasi nga siya lang yung nakikita at nakakasama ko. Pero hindi pwede i need to stop this, di kami bagay.. Napakalayo ng agwat namin

"i have an idea sabihin na natin kay DJ, i think gusto ka din niya! may nakikita din ako na positive things na baka may gusto sayo si DJ, concern kasi siya sayo eh!" sabi naman ni Lexi at napahawak ako sa balikat ni Lexi

"hindi pwede Lexi.. hindi pwede! malayo, hindi pwede. magkaiba ang estado namin sa buhay.. Siya isa siyang Padilla at sobrang yaman samantalang ako hindi naman ganun kayaman, mahirap kami at kailangan pa naming gumawa ng paraan para lang mabuhay!"  sabi ko naman, at wala pa din sa isip ko ang mga bagay na yan, mahihirapan lang ako! Ang focus ko is to finish my studies.. wala munang love life!

"eh, bakit sinabi mo pa sakin tong bagay na toh?" napakamot pa sa ulo ni Lexi at napacrossed arms pa siya.

"wala gusto ko lang mailabas tong nararamdaman ko.. mas maganda naman siguro yun eh! Promise me Lex wala kang sasabihang iba ah.. promise me!" sabi ko naman at hinawakan ko ang dalawang kamay ni Lexi napatango lang siya

"promise!" sabi ni Lexi at itinaas pa ang kanang kamay niya, pheeww sigurado naman akong di sasabihin ni Lexi yun eh! :) 

"oi anong pinaguusapan niyo dyan at may paholding hands pa kayo ah! Don't tell me.." sabay pa kaming napalingon ni Lexi at tinignan namin yung nagsasalita, tsss si Derrick pala at gulat na gulat at yung dalawang kamay ay tinatakpan yung bibig niya.

"oi anong sinasabi mo ah?" tanong naman ni Lexi with her maangas na voice, ahaha natatawa talaga ako kapag nagaasaran sila ni Derrick eh, pano ba naman laging talo si Derrick, ang lakas kasi mang-asar nitong si Lexi eh kahit na anak mayaman.

"ay, sabi ko na nga ba si Lexi tiboli toh eh!" sabi ni Derrick at tumawa ng malakas sabay takbo at hinabol naman ni Lexi, para silang mga bata! pero bagay silang dalawa. ;))

"akala ko susunod ka sa takbuhan nila eh." napalingon naman ako at nakita ko si Daniel at tumabi siya sa tabi ko sabay kindat sa mga dumadaan na girls. pang-asar talaga kahit kelan, tss di niya alam nasasaktan ako.. weww anong sabi ko?

"hayaan mo sila.. muka namang masaya silang dalawa eh!" sabi ko naman at nginitian ko siya at siya di pa din tumitigil sa mga kakakindat sa mga babae tapos yung mga babae kinikilig na naman. ang lalandi eh!

"tawagan ko na kaya toh?" sabi ni DJ at may kinuha sa bulsa niya, yung calling card pala ni Kathryn Bernado. i'm sure tuwang tuwa tong baliw na toh dahil finally may bago na naman siyang chicks, sikat pa! Walang wala na talaga ako sa mga babae niya

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon