Love is.. Chapter 7
~~~
"Good morning DJ!" napadilat ako ng makarinig ako ng magandang boses. Parang anghel! Napatingin naman ako sa gilid ng kama ko na may tumatawa. Ang cute nung tawa "Good Morning DJ!" sabi ulit niya at napangiti ako. Kung eto ba naman ang bubungad saakin araw araw ee.
"K-Kath.." medyo nauutal pa ako. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya at napangiti lang si Kath. Wala akong idea kung bakit siya andito at paano niya nalaman kung nasaan ako at kung saan ako nakatira. Don't tell me fan girl ko na din siya.
"Nakakatawa ka pala Mister Padilla." sabi ni Kath at tumawa lang siya "Alam ko na you have many questions in your mind. E paano I came to your house without even saying a word. Sorry DJ ha napagutusan kasi ako ng management. You know? Its for our career na din." sabi ni Kath at nainitindihan ko na din. Kami na nga pala ang bagong loveteam. At para kumagat ang tao dapat makita nila na sobrang bagay kami. No strings attached nga lang. We have to act like we like each other para kiligin ang mga tao.
"Sige bihis na ako Kath. Di mo naman kasi sinabi saakin.. Sana nagtext ka man lang. Ayaw ko kasi ng wala akong idea ee." sabi ko naman sa kanya at napakamot lang si Kath sa ulo niya.
"Sorry DJ. promise next time magpapa abiso ako. Just don't be mad at me.." sabi ni Kath na naiiyak pa ang mga mata. What the heck is she acting or what?
"Okey okey. Sige dun ka na sa sala namin mag antay! Ayoko naman makita mo ang sexy kong katawan!" sabi ko at napatango naman si Kath agad akong pumunta sa banyo at nag ayos na ng sarili ko.
Nandito kami ngayon sa kotse ko. Napag usapan na din namin na sabay kami papasok.
"DJ later pala ang start ng shooting natin for our upcoming teleserye! Its a RomCom." sabi ni Kath at napangiti na lang ako while looking at my cellphone waiting for her to reply. Tss!! "Hey are you even listening to me? Alam mo puro ka na lang tingin sa phone mo. Do you have a girlfriend ba?" tanong ni Kath at umiling ako "Well then good.. Kasi mahirap na you know we don't have to prioritize our own lives diba. Dapat fans ang unang ipriority!" sabi niya at tumingin siya sa may bintana. Arggh! Stuck with this girl. Grrh
Pumunta na kami sa tambayan ng barkada as usual kasama ko tong si Kath. Para daw sa upcoming teleserye. Haays.
"Oi guys! Si Kathryn nga pala." sabi ko
"Hi Kath, welcome to the club!" sabi ni Quen kay Kath at napangiti ito.
"Thanks guys. Napaka init naman ng tanggap niyo sakin!" sabi niya at natawa pa. Mahinhin talaga siya kumilos parang di makabasag pingan.
"Hi guys! Woo grabe traffic akala ko di na ko aabot dito sa first class!" napatingin kaming lahat sa kanya. Si Montes nga pala ang dakilang late. Hahaha
"Montage dapat sumasabay ka na saakin!" sabi ni Quen at pinunasan ang pawis ni Julia. Napatingin naman si Julia kay Quen
"Next time Quenito." sabi niya at tumingin naman siya kay Kath "O? Kath? Hello. Wow i can't believe this ha. May kabarkada na kaming artista!" sabi ni Julia
"Thanks. Julia ikaw ang magiging bestfriend ko!" sabi ni Kath at napansin kong nag rolled eyes itong si Lexi
"Oi Julia, mahawa ka sana ng pagiging mahinhin at mala anghel na aura nitong si Kathryn! Hahaha. Maging ganap ka na sanang dalaga!" natatawang sabi ko. Pang asar
![](https://img.wattpad.com/cover/1301215-288-k794808.jpg)