Love is.. Chapter 1
~~~
"Bilisan mo na, ang bagal naman eh!" inis na inis na sabi sakin ni Julia, 30 minutes na lang kasi malalate na kaming dalawa. Di ko naman akalain na matatagalan ako, nakipagusap pa kasi ako sa mga chicks sa kanto eh. Hahaha, kasalanan ko ba kung gwapo ako?
"eto na nga eh, alam mo sa ginagawa mong pagmamadali sakin baka maaksidente pa tayo!" sabi ko naman kay Julia at inirapan niya lang ako
"never na nga akong sasabay sayo, puro ka kasi pagpapacute dyan sa mga babae mo eh!" sabi ni Julia at napatingin naman ako sa kanya sabay nginitian ko.
"so, nagseselos pala ang dakila kong kaibigan na si Julia Montes aka ang The smartest girl in San Martin!" pagpapalaki ko at itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko at napatingin sa kanya at kinindatan ko
"Sira ka, hawakan mo ng maayos manubela ah! >_< chaka excuse me kahit makipaglandian ka sa mga babae dyan at kahit sino man, gusto mo sa harap ko pa eh! Never akong magseselos kasi never kitang magiging type!" sabi naman ni Julia at inirapan na naman ako, napakataray talaga nitong kaibigan ko.
"Ang sakit naman, ikaw pa ang kaibigan ko ang hindi nadadala sa charm ko ah! sabi nga ng iba swerte mo at ako ang kaibigan mo, hot na, gwapo na, cool na at may pagkabadboy!" sabi ko at kinindatan ko na naman siya
*PAAAK!
"ARAY! makahampas naman sa braso ko oh.. >__< alam mo kung nakita ka ng mga fans ko panigurado sinigod ka na nila. swerte mo nga may kaibigan kang sikat eh!" sabi ko naman at nagpacute na naman ako kay Julia
"sikat ka hindi dahil sayo, sumikat ka lang naman dahil kakabit ng pangalan mo yang Padilla na yan! Sila ang nagpasikat sayo excuse me.." mataray na sabi ni Julia at tumingin na lang sa may bintana, minsan nga naiisip ko din yung ganun kung sumikat ba talaga ako dahil magaling ako or sumikat ako dahil isa akong Padilla.
"ang sakit mo naman magsalita." sabi ko kay Julia at nagfocus na lang ako sa pagdridrive.
*BEEEEEEEEEEEEEEEEP
"ARAY! ang sakit nauntog ako anu ba yan Daniel. OMG, may nabangga ka!" gulat na sabi ni Julia at agad agad kaming bumaba sa kotse at dumirecho kami doon sa kotse na nabangga ko daw. >___< ang malas naman
"excuse me, okey lang kayo. OMG sorry talaga, mga estudyante lang kami promise!" sabi ni Julia at napahawak pa sa braso ko, eto yung gusto ko eh. :) nagkakaroon kami ng moments ni Julia kahit simpleng hawak niya lang sa braso ko kinikilig na ko, pero di ko siya crush ah! >_< di siya yung tipo kong babae noh!
Bumaba na din yung nasa kotse.
"sorry, nagmamadali kasi kami eh. malalate na kami sa school namin! Malaki ba ang damage namin? sige babayaran na lang namin. Just here." sabi nung cute na babae na straight at mahaba ang buhok pwedeng commercial ng shampoo. Inabot kay Julia yung calling card niya at nginitian kami, grabe ang cute niya magsmile.
"Kathryn Bernardo, i-ikaw yung famous actress?" sabi ni Julia na biglang nagtitili, Kathryn Bernardo hmmm sino yun? >___< palibhasa di naman kasi ako nanunuod ng mga palabas na ganun eh! >___<
"uhmm. di naman famous! :) pero actress nga ako!" sabi naman niya at nginitian kami, ang ganda niya talaga ngumiti tapos yung mga ngipin niya ang ganda.
"oi, Daniel baka malate na tayo!" siniko ako ni Julia at napatingin samin si Kathryn
"uhmm, magtatanong na din pala ako. asan yung San Martin?" tanong ni Kath samin at napatingin kaming dalawa ni Julia sa isa't isa.