Love is... Chapter 9

201 11 3
                                    

Love is... Chapter 9

Nakaluhod siya sa harap ko.. Hindi ko alam ang gagawin ko.. Hindi naman lumalabas ung mga salita sa bibig ko.. Para akong na-starstruck.. 

"Montage.. I like you.. Gusto kita! I want you to be my girl.." sabi saakin ni Quen habang nakaluhod pa. Sa totoo lang di ko alam ang sasabihin ko.. Kinakabahan ako na ewan.. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko "i want you Julia Montes.. Kung di man ikaw handa.. I can wait.. handa akong mag antay para sayo.. Mahal kita.." paulit ulit niyang sinabi un sa akin.

"Tumayo ka nga dyan.. Nakakahiya ee. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!" sabi ko sa kanya, buti naman Julia at naisipan mong magsalita. Sumunod naman si Quen sa siabi ko. "Umm shocked lang ako.. di ko alam kung anong sasabihin ko ee.." sabi ko at napangiti lang si Quen.. "Alam mo.. masaya ako kasi humahangga ka saakin.. Hindi naman ako ung sexy at maganda talaga.." sabi ko naman, eto na naman ako binababa ang sarili ko.. "Basta.. di pa kasi ako ready sa ngayon.. pero naappreciate ko talaga lahat ng ginawa mo.. sorry Quen.. siguro time will tell na din.." sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko sabay pinisil. 

"Its ok Julia.. i told you i can wait.. at least ngaun alam mo na ang nararamdaman ko para sau. I can wait Julia.. I promise na ipapakita ko ang totoong ako.. magiging mabati ako.. wag kang mag alala." sabi ni Quen sa akin at nginitian ko lang siya sabay palo sa braso niya. 

Halos magkasama na kami bago magstart ung class namin.. Ang sweet nga niya taga bitbit ng gamit ko.. Tapos nililibre niya pa ako.. pero ang awkward.. Ewan ko ba.. Naguguluhan pa din ako.. Di kasi ako sanay sa attention na ganito..

"Oi Julia, OMG I'm so happy for you.. Ano sinagot mo na ba itong pangit na ito?" tanong ni Lexi sa akin at tinawanan lang siya ni Quen. "Hindi niya pa nga ako sinasagot ee." sabi ni Quen at nagsad face.. "Wawa ka naman Enrique Gil.. Gwapong gwapo ka sa sarili mo tapos ung mahal mo di mo mapasagot.." pang aasar naman ni Lex kay Quen. Tumwa naman ako. "Seryoso, i can wait for Julia." sabi ni Quen at nginitian ako. "TAMA NA NGA YAN!! NILALANGGAM AKO.. PENGEEEE!" sabi ni Lexi at sinubuan ko na. 

Nakita ko naman si Kath at DJ.. Kinikilig lahat ng mga tao sa kanila.. Panu? Famous love team of the year.. New generation love team.. The best love team.. lahat na.. 

"Hello guise!" bati ni DJ at talagang nakaholding hands pa siya kay Kath.. Kung pwede lang bumagsak sa kinauupuan ko ginawa ko na.. "ANG SWEET NIYO HA!" sabi ni Lexi at pinaupo ung dalawa, parang nananadya lang diba? -_- Humanda talaga siya sa akin mamaya.. Nakisalo na din sila Kath at DJ.. "Deejay? Alam mo na ba ang news?" tanong ni Rick kay DJ at binatukan siya ni Lexi. "wag kang excited.. epal ka talaga!" inis na sabi ni Lexi at tawa kami ng tawa sa dalawa, mga aso't pusa talaga.. "Anu ba yun?" tanong ni DJ.. "Ikaw na ang magsabi Quen!" sigaw ni Lexi. "Anong meron?" takang taka na sabi ni DJ at napatingin naman si Quen sa akin at ngumiti.. "Nagsabi na ko kay Julia ng nararamdaman ko.." sabi ni Quen at napatingin sa akin si DJ.. Parang ewan.. may something.. pakiramdam ko lang.. o sadyang assuming na lang ako? "WOW CONGRATS JULIA." sabi ni Kath at nginitian ako at nginitian ko na lang din. Ang awkward nito.. bigla naman tumunog ang bell kaya tapos na ang awkward moment..

Dumirecho na kami sa bahay ko.. Shempre kasama si Quen.. nagpapa good shot sa akin ito ee. hahaha joke.. 

"Alam mo kaya ko naman umuwi.. di mo na ko kailangan samahan!" sabi ko naman kay Quen at biglang natawa.. "I told you Julia, seryoso ako in pursuing you kaya nga ginagawa ko ito ee. I like you.. and nde naman ako nag eexpect na you like me back.. basta i want to do this para sayo.." sabi niya sa akin at nginitian ako. "thanks ha.. pero nahihiya kasi ako.. alam mo ung di ako sanay sa ganitong attention? alam mo naman never pa akong...." sabi ko at nginitian lang ako ni Quen.. "Kaya nga.. i know it Julia, dont worri makakapagantay ako." sabi niya sa akin. Naglakad na lang kami papunta sa bahay namin.. 

"Dito na.. o nakakahiya ang bahay namin diba?" sabi ko naman at tinignan lang ako ni Quen sabay "Naah.. kahit ganyan lang yan may magandang prinsesa naman na nakatira dyan!" sabi niya at tumingin sa akin sabay kindat. "ikaw sus.. wag mo kong binobola noh! O anu dito na lang.. uwi ka na ha ingat?" tanong ko sa kanya. "sige Julia, see you tomorrow. bye!" sabi niya at nginitian ako sabay alis na siya. 

Di ko alam kung anong meron.. ang gulo.. -_- handa na ba ako sa relationship na ito? ewan.. iba pa din kasi ang nasa puso ko ngayon.. 

"di mo man lang sinabi sa akin.. nililigawan ka pala ng mokong na un!" napalingon naman ako at nakita ko si DJ. "anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya. "WALA. gusto lang kita makita bago ako matulog.." sabi niya at napangiti ako.. SHEEET kilig un ha! "Utot mo!! uwi ka na." sabi ko naman at bigla siyang lumapit sa akin sabay niyakap ako ng mahigpit. "anong meron?" tanong ko sa kanya. "namiss ko lang ang bestfriend ko.. na mahal na mahal ko!" sabi niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.. totoo na ba ito? mahal niya ako.. hindi lang mahal.. mahal na mahal.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! <3 

"Masaya ako at nakilala kita.. miss na miss na kita.." sabi niya sa akin at todo padin sa yakap.. Yung totoo nawili lang? Hahaha. Pero ang sarap.. "ako din.. miss na kita." sabi ko naman sa kanya.. 

Pinapasok ko muna siya sa bahay namin.. tutal palagi naman nandito ung mokong na ito sa bahay namin.. kwentuhan lang tungkol sa buhay niya ngayon at nung dati.

"miss na miss ko na ang mga kulitan natin.. busy na kasi ako sa trabaho" sabi niya habang nakatingin sa kisame parang ang dami niyang iniisip. "anu ka ba? ayaw mo nun? eto ung matagal mo ng pangarap ee.. ang sumikat.. ang maging katulad ng papa mo!" sabi ko naman sa kanya at tinignan niya ako.. "dati un ang pangarap ko.. pero ngayon iba na.. iba na ang gusto ko.. tama nga sila magmamature ka as time goes by.." sabi niya sa akin "aba umeenglish na ha. bigtime ka na talaga Mr. Padilla" sabi ko at tumawa ako. hinawakan niya naman ung kamay ko at pinisil "gusto mo ba malaman ang pangarap ko?" tanong niya sa akin.. "Ano?" tanong ko naman.. "ang pangarap ko ay ang makasama ko habambuhay ang taong pinakamamahal ko." sabi niya.. ang bigat naman ng pangarap niya.. buti pa siya.. sigurado naman akong si Kathryn ang babaeng un.. swerte talaga niya.. sobra.. "ikaw ano pangarap mo?" tanong niya.. "Hindi pangarap.. pero gusto.." sabi ko. "ANO?" tinignan niya ako na parang gulat na gulat "Ang malaman ng taong mahal ko na mahal ko siya." sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.. Sana naman DJ tumama sayo ang mga pinagsasabi ko.. Sana naman maantig ka kahit papano.. 

"Sagutin mo na si Quen at sabihin mo na mahal mo siya." sabi niya sa akin.. 

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon