Love is.. Chapter 3

608 19 4
                                        

Love is.. Chapter 3

~~ 

"Juls, dapat di na talaga kayo lumipat e. Alam mo mas okey naman kayo sa dati niyong bahay e, sa katunayan nga mas maganda dun. And balita ko marami na daw narape at pinatay dyan sa nilipatan niyo. Sila ate nga napagtripan na din dyan e, Juls maraming gago dyan and alam ko baka balang araw mapagtripan ka. Maraming lalaki dun!" sermon ni Mister Daniel Padilla or kung sermon ba talaga, haay paulit ulit na nga lang siya e hindi ata titigil toh hanggang di ko sabihin na babalik kami sa lugar namin dati which is malapit sa kanila.

"alam mo Daniel dami mong satsat, ayaw mo nun new environment for Juls para maexplore niya na yung kasulok sulukan ng Pinas! Diba Juls?" sabi ni Lexi at nakipaghigh five naman ako sa kanya, tawa pa ko ng tawa. 

"ano ka ba maraming gago dun noh! hindi niyo ba alam? Delikado ang lugar na yun as in delikado! Maraming pinapatay at marami ding krimen ang nangyari dyan! Di ko hahayaan na pagtripan ka dun Juls." sabi naman ni Daniel at napangiti ako ng bongang bonga, napakaconcern niya kasi saken eh. ang sweet lang

"oh pare tama na yang drama mo, balita ko marami namang security guards dun chaka kilala mo yung president ng student council, si Sam Concepcion yung artista?" tanong naman ni Rick at napatingin kaming lahat sa kanya

"anong meron dun?" napakamot pa ng ulo si Daniel at nakakunot ang noo, baliw talaga toh

"dun siya nakatira. well siguro sa kanila ang may pinakamalaking bahay dun! Malay mo magkagusto kay Juls tapos magandahan edi instang girlfriend si Juls ng sikat!" sabi naman ni Rick at biglang nanlaki ang mga mata ko

"no way, dun ba talaga nakatira yun? OMG, siya ang celebrity crush ko!" sabi ko naman at tuwang tuwa ako as in

"wow celebrity crush, pwedeng...." mahinang bulong ni Daniel, medyo di ko lang maintindihan yung mga huli niyang sinabi. Ohwell nababaliw na naman yan!

"so, san nakatira yun?" tanong ko naman kay Rick para maiba ang usapan tapos napatayo si Daniel at sinundan naman siya ni Lexi. wew! anong meron? 

[Lexi's POV]

"sinusundan mo ba ko?" tanong ni Daniel sakin at napatanggo lang ako at nginitian siya, agad naman akong tumakbo palapit sa kanya

"narinig ko yung sinabi mo DJ!" sabi ko at with matching nakakalokong ngiti pa, you know the Lexi F smile haha, basta alam nila yun!

"huh. ah, oo narinig din namang ng lahat! yung panenermon ko kay Juls diba?" tanong naman ni DJ at nilapitan ko siya sabay bumulong sa tenga niya

"wow celebrity crush.. pwedeng ako na lang!" bulong ko kay DJ at biglang natulala si DJ at gulat na gulat ang itchura, agad ko naman kinuha yung phone ko then BOOM. napicturan ko na ang famous Daniel John Padilla.

"n-narinig mo?" utal utal na tanong ni Daniel at nginitian ko lang siya ng nakakaloko.  

"p-pano?" sabi ni Daniel at tinuro ko siya doon sa may garden at doon kami umupo dalawa, pumikit muna ako at niramdam ko yung malamig na hangin ang sarap.

"oi, ano pano mo narinig?" tanong ni Daniel saken na nakatitig na pala saken, ampness ang epic ng itchura niya promise. Kung picturan ko kaya ulit toh

"e, sa may tenga ako at naglilinis ako ng tenga e!" sabi ko naman then i rolled my eyes, napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo niya

"so, Daniel? do you like Julia?" tanong ko naman at nanlaki ang mga mata ni Daniel, hmmm ang astig noh if umamin si Daniel saken. Ibig sabihin alam ko na ang mga secret crushes nila. Waa, and magiging cupid ako! Astig right? 

"si Kathryn oh! :) ang ganda niya pala noh. she's pretty, Pinay na pinay, morena at maganda ang ngiti pareho pa kaming sikat!" sabi naman ni DJ na napatingin doon kung saan nandun si Kath at nakikipagkwentuhan 

"wow Mister Padilla. you just changed the topic!" sabi ko naman at napatingin si Daniel saken at nginitian ko lang siya.

"ano bang gusto mong malaman?" tanong ni Daniel na medyo nakukulitan na ata saken, pwes bahala siya. 

"do you like Julia, isang tanong isang sagot!" sabi ko naman at napakagat labi si Daniel sa pagiging prangka ko, haha yeap i'm prangka

"no, i just treat her like my younger sister! di ko gusto yung tipo niya. mukhang foreigner, sabi ko nga diba mas gusto ko ang mga morena." sabi ni Daniel at tumayo na siya sabay walkout. Ang ganda noh parang teleserye lang! Well, sasabihin ko na kay Juls na itigil na talaga ang nararamdaman niya for Daniel. 

----------------------------------

ano na kaya ang mangyayari?

sabihin na kaya ni Lexi kay Julia na walang feelings si DJ for her. 

ABANGAN! :) 

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon