Scary Experience in our house

277 3 2
                                    

Scary Experience in our house

1st experience ko nung 6 years old palang ako nangyari to sa kwarto namin. Madaling araw nung magising ako katabi ko yung mom ko. Pag harap ko sa mom ko kita ko yung salamin ng kwarto namin nakatapat yung salamin sa bintana kaya pag kita yung bintana namin. May nakita akong babae na nakaputi naka yuko siya at duguan ang suot na damit at dahil wala akong alam kung sino siya at ano siya tinitigan ko parin yung salamin nandun pa rin yung babaeng duguan ang suot at nakayuko habang tinititigan ko siya unting unting umaangat yung ulo niya sa pag angat ng ulo niya nakita ko yung mata niya pulang pula at nakatingin sa kin ng masama ngumiti siya sakin ng parang demonyo kaya ginising ko si mama at sinabing mag ccr lang ako.

Second sa pinaka nakakatakot na nangyari sakin ay yung sa kwarto ng lola ko. 
Na half stroke yung lola ko kaya si mama ang tiga bantay sa kanya grade 6 na ako nun pero katabi ko pa rin sa pag tulog si mama. Bali ang pinto ng kwarto na tinutulugan ni lola sliding door pag nakabukas yun kita ni lola ang kwarto ng mga ate ko. Kaming 4 nila mama tabi kami sa pag tulog para bantayan si lola dahil nasa kabilang kwarto lang siya, Ako nalang ang gising samin dahil naadik talaga ako sa wattpad nung time na yun 12 na ng madaling araw ng mag decide akong e off ang tablet ko. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kwarto ni lola maya maya pa ay may lumabas sa pinto ng kwarto ni lola nakaputing damit pero tiningnan ko lang siya baka kasi mga ate ko lang pero yung dumaan na sa mismong pinto nila ate ay nagtaka na ako dahil tumagos yung babaeng nakaputi. Hindi ko pa rin pinansin at nakatitig lang ako kay lola na nakahiga sa kama kita ko naman siya kahit malayo may korte ng babae naman na nag lalakad palabas ng kwarto ni lola halatang babae siya pero sobrang itim kita ko parin siya dahil sa bintana ni lola maliwanag ang sinag ng buwan. Bago maka lagpas yung babae sa pinto ng kwarto nila ate umupo ako sa kama at tiningnan sa pinto yung babae. Hindi kita ang mukha niya dahil itim pero yung mata niya kulay pula na parang dugo dahil sa pag kapula.

Hindi ako matatakutin nung time na yun kaya humiga nalang ulit ako sa kama nakatingin lang ulit ako sa kama ni lola habang tulog siya pero nung dumako yung mata ko sa kisame ng kwarto ni lola sa mismong unahan ni lola may babaeng parang si sadako na nakatingin kay lola at dahil takot ako kay sadako nagtalukbong ako nung kumot sa mukha ko

Ang next naman na nangyari sa kin ay yung pagka graduate ko nung grade 6 so bakasyon nun.
Gabing gabi na kaya sinundo na kami ni mama sa tambayan naming mag pipinsan meron kasing malawak na lupain si lolo. Sa katapat ng bahay namin may patay, naka burol yung dating naging kaibigan ng ate ko nung elementary pa siya may leukemia yung babae kaya siya na matay. 11pm pumunta ako ng kusina namin para uminom ng tubig hindi na ako nag abalang buksan ang ilaw ng kusina namin dahil may liwanag naman ang ref kaya makikita ko yung bote ng tubig ko.
Habang umiinom ako nakatayo ako sa kusina kita ko ang kainan namin. Umiinom ako ng maalala ko yung sinasabi nila lola na pag madaling araw may nag titimpla daw sa kusina namin kahit wala namang tao. Napatingin ako sa kainan, bilog yung lamesa pero sa upuan nakita ko yung babaeng kapitbahay namin na naka puti siya yung naka burol patayo na siya sa upuan para lapitan ako pero bago pa siya tumayo ay kumaripas na ako paalis ng kusina namin.

~Sorry na pahaba madami po kasi akong experience sa mga kababalaghan dito sa bahay namin, nung sinaunang panahon kasi sementeryo to~

Miss Frustrated

Cr.spookify

Spookify (horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon