Little Girl
Hi, i just want to share my experience when i was 10.
Hindi ko talaga dapat 'to isheshare dahil matagal na 'tong nangyari sakin pero kahapon lang ay napaginipan ko 'to ulit.
So eto na..Back when i was 10, lagi na kong naiiwan sa bahay na mag-isa pero sanay ako. Lagi kasing sumasama si Mama kay Papa na tumulong sa
trabaho nito bilang Chef at madaling araw na umuuwi tas yung dalawa ko pang kuya ay laging nasa lakwatsahan or computer shop kaya ako lang talaga laging mag-isa.Hindi ko pa alam nun yung mga third eye-third eye na ganun pero minsan pagmadilim tapos dumadaan ako sa hagdan may naaninag ako pero syempre as a child binabalewala ko yun.
So since sanay ako, lagi akong nasa taas namin at nanunuod ng tv. Pero one night, friday yun. Mga bandang 10 pm din ata yon, bumaba ako para kumuha ng tubig kasi nauuhaw ako, nakita ko yung kuya ko na nasa banyo at naliligo.
Dinedma ko na lang sya dahil alam ko aalis din naman sya ulit pagtapos.Umakyat na ko ulit dala yung baso tas kinalkal yung gamit ko sa school.
Mahilig kasi akong magsulat kaya ayun.
Mga bandang 11:30 na yun ng mahiga na ako pero syempre pinatay ko muna yung ilaw dun sa loob na kwarto talaga namin. Ayoko kasing matulog mag-isa dun kasi natatakot ako dahil masyadong madilim lalo na kapag yung sa kwarto ng tita ko na katapat lang ng bahay namin ay pinatay na yung ilaw, sobrang dilim as in. Gets nyo ba? Eheheheu.So ayun nga, nakahiga na ko pero lahat ng ginagamit namin nila mama na unan ay nasa paligid ko at nakabalot ako ng kumot.
Hindi ko alam na nakatulugan ko na pala na nakabukas yung ilaw tska yung tv.Naalimpungatan ako kaya nagising ako bigla, patay na yung tv tska yung ilaw so kingina sobrang dilim na. Inisip ko na lang na baka yung kuya ko yung nagpatay nun.
Natakot ako kasi ang dilim ng paligid ko kaya nagtalukbong ako ng mukha lang.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba yun pero naramdaman ko na may humahaltak sa buhok ko.
Kaya pumikit ako at umiyak na lang ng tahimik.
Pero saglit lang yun pero lalo akong natakot ng marinig ko na may kung ano na kumakaskas dun sa pinto namin, parang kinakaskas yung pinto gamit yung kuko nya ganun yung tunog.
Lalo akong naiyak kasi punyeta ang lamig na ng paligid ko.
Nag-isip muna ako saglit kung tatayo ba ko para buksan yung ilaw o ngumawa na lang ng malakas para marinig ng lola ko at akyatin ako.Huminga ako ng malalim at nakapikit na tumayo at binuksan yung ilaw.
Tumahan na ko nun at umupo ulit. Pero napalingon ako sa kwarto namin at dun ko sya nakita, isang batang babae na nakatingin sakin. Sa sobrang takot ko napatakbo ako sa bahay ng lola ko at dun natulog.
Kinabukasan umakyat ako sa kwarto at nakita ko na may bakas ng kaskas sa pinto namin.
Since now, nararamdaman ko pa din sya pero hindi ko na sya ulit nakita, aninag lang nya. Minsan nasa hagdan sya at nakaupo.Kinuwento ko yun kila mama pero hindi sila naniwala, so dun na lang sa mga kuya ko at tama nga ako, may batang babae nga na naninirahan sa bahay namin.
-Anjjele